13/08/2026
| Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 125 galing sa Malacaรฑang, at bilang pag-iingat sa kaligtasan at kapakanan ng buong pamayanang pampamantasan, sinususpinde ang mga klase sa lahat ng antas at opisina sa buong Pamantasan, simula alas-3:00 ng hapon ng Agosto 13, 2026, alinsunod sa ipinahayag na suspensiyon ng mga klase na naaangkop sa Lalawigan ng Quezon.
Alinsunod dito, ang lahat ng mag-aaral at g**o na saklaw ay inaatasang ipagpaliban muna ang mga klase at iba pang gawaing pang-akademiko simula alas-3:00 ng hapon ngayong araw at agad na tumungo sa ligtas na lugar.
Ang suspensiyon ay sumasaklaw din sa pagpasok sa trabaho sa Pamantasan, maliban sa mga sumusunod:
1. Ang mga kawani na ang mga tungkulin ay kinakailangan para sa paghahatid ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan, pangkaligtasan, seguridad, paghahanda at pagtugon sa sakuna, serbisyong pang-emergency, utilidad, at iba pang kritikal na serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang tungkulin alinsunod sa tagubilin ng kanilang mga pinuno;
2. Ang mga opisyal at kawani na itinalaga upang mapanatili ang seguridad, kaligtasan, pangangalaga, at mahahalagang operasyon ng mga pasilidad ng Pamantasan ay mananatili sa tungkulin kung kinakailangan; at
3. Tungkulin ng mga pinuno ng tanggapan na tiyaking magpapatuloy ang mga kinakailangang serbisyo at iba pang kritikal na operasyon ng Pamantasan nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan at kapakanan ng mga kawani.
Inaatasan ang lahat ng opisyal, g**o, kawani, at mag-aaral ng Pamantasan na pairalin ang lubos na pag-iingat, kahandaan, at wastong pagpapasya, at sumunod sa mga abisong ipinalalabas ng mga kinauukulang sangay ng pamahalaan.
Ang kaligtasan ng buong pamayanang pampamantasan ang mananatiling pangunahing konsiderasyon sa pagpapatupad ng Memorandum na ito.
Para sa mahigpit na pagsunod.