11/09/2026
Taos-pusong pasasalamat ng Binonoan Elementary School kay Police Patrolman Raymond R. Desaliza ng PNP-Polillo, Quezon sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman at karanasan bilang Resource Speaker sa paksang “School Safety and Hazard Mapping Activity.”
Lubos din ang aming pasasalamat kay Dr. Ramil A. Borreo, Punongg**o I, sa kaniyang makabuluhang pagbabahagi tungkol sa “Learning Continuity in Emergencies: Strengthening the School Continuity Plan for Learners.”
Ang kanilang mahahalagang kaalaman, pananaw, at praktikal na gabay ay malaking ambag sa patuloy na paghahanda at pagpapaigting ng kakayahan ng ating mga g**o upang makabuo ng ligtas, matatag, disiplinado, at resilient na school community.
Ang gawaing ito ay bahagi ng In-Service Training for Teachers (INSET) on “Strengthening School Safety, Disaster Resilience, Positive Discipline and Learning Continuity: Building a Safe and Resilient School Community,”na ginaganap ngayong September 10–11, 2026 para sa mga g**o ng Binonoan Elementary School.
Maraming salamat po sa inyong oras, kaalaman, at inspirasyon! Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang ligtas, handa, matatag, at patuloy na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng anumang hamon.
Mabuhay po kayo👏👏