INHS Girl Scouts

INHS Girl Scouts Empowering young women to do good.

20/09/2024

💚Escoda Day💚

💚Happy Troop Leaders' Day!💚Appreciating leaders who inspire young women of today to create a brighter future for the gir...
17/09/2024

💚Happy Troop Leaders' Day!💚

Appreciating leaders who inspire young women of today to create a brighter future for the girls of tomorrow.

💚Happy Girls' Day!💚 🤸‍♂️ "Free Being Me"🤸‍♂️
16/09/2024

💚Happy Girls' Day!💚
🤸‍♂️ "Free Being Me"🤸‍♂️

INHS Girl Scouts naging kinatawan ng Quezon Council sa selebrasyon ng Faith Day I  09-15-2024 Isang karangalan at masaya...
16/09/2024

INHS Girl Scouts naging kinatawan ng Quezon Council sa selebrasyon ng Faith Day I 09-15-2024

Isang karangalan at masayang karanasan para sa 1 Cadet, 7 Senior Girl Scouts at 2 adult leaders ng Infanta National High School ang maging kabahagi ng Faith Day celebration ng Girl Scouts of the Philippines- National Head Quarters noong September 15, 2024, sa Antipolo Cathedral, Antipolo City.

Isang misa ng pasasalamat na pinangunahan ni Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D., Bishop ng Antipolo at Parish Priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang dinaluhan ng INHS Girl Scouts bilang kinatawan ng Quezon Girl Scout Council. Doon ay kanilang nakasamang nakibahagi sa misa ang mga delegado ng Girl Scout Council ng Batangas, Laguna at Rizal, GSP Volunteers, at National Head Quarters Officers at Staff. Ang pagdiriwang na nabanggit ay kaugnay ng pagsisimula ng Girl Scout Week 2024 na may temang “Women of Today for the Girls of Tomorrow”.

Samantala bago ang misa, isang mabilis na pagsulyap at pagpasyal ang isinagawa ng mga Girl Scouts sa Museo de la Virgen kung saan makikita ang imahe ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay at mababasa ang mga tala ng kasaysayan kaugnay ng pagkakatalaga ng imahe sa Antipolo.

Matapos ang misa, isang meryenda ang inihanda ni Bishop Santos na pinagsaluhan ng lahat.

Sa kabila ng pagod papunta sa Antipolo at pauwi sa Infanta, hindi maitago ang ngiti sa mga labi ng mga bata gayundin ang kanilang mainit na pasasalamat kina Gng. Imelda “Tita Pinky” V. Cruz, Quezon Council Executive; G. Calixto S. Blazo, CEO, School Principal IV ng INHS at Gng. Julieta R. Leynes, Infanta District Field Adviser para sa pagkakataon at tulong pinansiyal na ibinigay sa kanila.

Sa ganitong gawain, laging napatutunayang basta’t may mga nagtitiwala, napag-iibayo ang pananampalataya at naipagpapatuloy ang gawaing tunay na humuhubog, nagpapalago, maalala at maituturo sa iba pang kababaihan hanggang pagtanda.

236k Trees🌳 " A Christmas Gift for Children"Dec. 06, 2023
06/12/2023

236k Trees🌳 " A Christmas Gift for Children"
Dec. 06, 2023

2023 Provincial CampingNovember 3-5, 2023Day 1-B  * Opening Program   * Campfire
10/11/2023

2023 Provincial Camping
November 3-5, 2023

Day 1-B
* Opening Program
* Campfire

2023 Provincial CampingNovember 3-5, 2023Day 1-A  * Settling down   * Tent Pitching
10/11/2023

2023 Provincial Camping
November 3-5, 2023

Day 1-A
* Settling down
* Tent Pitching

44th Star Holiday and 2023 Provincial Camps, idinaosHindi pinalampas ng INHS Girl Scouts ang pagkakataong maging bahagi ...
10/11/2023

44th Star Holiday and 2023 Provincial Camps, idinaos

Hindi pinalampas ng INHS Girl Scouts ang pagkakataong maging bahagi ng 2023 Provincial Camping na ginanap sa Concepcion Ibaba Elementary School, Sariaya West, Sariaya, Quezon noong November 3-5, 2023.

"Whisper of Serenity: Nurturing Nature, Cultivating a Secure Future" ang naging tema ng naturang camping na dinaluhan ng 7 Senior Girl Scouts at 4 na Cadet Girl Scouts ng INHS sa pamamatnubay nina Ma'am Wency Ramos, Troop leader at Ma'am Beberlyn Amar, GSP School Adviser.

Sampung secondary school at labing-isang elementary school sa buong Quezon na may kabuuang 270 campers ang nakiisa at nagpaligsahan sa iba't ibang mga activity sa loob ng 3 araw. Naging tampok ng mga gawain ang pagtatayo ng Patrol tent at Kitchen tent, at ang paggawa ng iba't ibang camp gadgets sa unang araw; tripped-out sa Enchanted Kingdom sa ikalawang araw; at Scouts Own, at Misa sa ikatlong araw.

Samantala, nakatulong nang malaki upang maging matagumpay ang nasabing camping ang pakikiisa at suporta unang-una na ng mga magulang, kaibigan, g**o at maging ng mga kabarangay na di nagkait ng kanilang nakayanang tulong pinansyal sa mga participants. Gayundin ang paggabay nina Ma'am Julieta R. Leynes, GSP District Field Adviser at Sir Calixto S. Blazo, Principal IV sa 11 napiling Girl Scouts.

Hindi rin matatawaran ang napakalaking tulong at suporta ng butihing Mayor Filipina Grace R. America sa buong organisasyon. Kaya naman, tatlong pinakamahalagang Awards ang ipinagmamalaking napagtagumpayan ng INHS Girl Scouts. Ito ay ang Early Birds, Best in Yell at Best in Gadget Making.

Tunay ngang walang imposible, pag buong bayan ang kakampi.

SCHOOL CAMPING Day 2 (B)Oct. 21, 2023* Lashings* Camp Gadgets Making
23/10/2023

SCHOOL CAMPING Day 2 (B)
Oct. 21, 2023

* Lashings
* Camp Gadgets Making

Address

Pob. 38
Infanta
4336

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when INHS Girl Scouts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category