DepEd Tayo Tudturan ES - Quezon

DepEd Tayo Tudturan ES - Quezon Building Bright Futures, Excel Beyond Limits!

πŸ“ MALAKING PAGBATI, ALTHEA AT JHON MICHAEL! πŸ“Isang taos-pusong pagbati kina Althea Corpuz at Jhon Michael Pimentel sa in...
13/09/2026

πŸ“ MALAKING PAGBATI, ALTHEA AT JHON MICHAEL! πŸ“

Isang taos-pusong pagbati kina Althea Corpuz at Jhon Michael Pimentel sa inyong mahusay na pagrepresenta sa Palarong Quezon – Table Tennis Singles!

Bagama’t hindi man natin naiuwi ang medalya, naiuwi naman ninyo ang karanasan, tapang, determinasyon, at karangalang maging kinatawan ng ating paaralan.

Ipinagmamalaki kayo ng buong paaralan at ng Infanta! Ang inyong pagsisikap at dedikasyon ay isang inspirasyon sa inyong mga kapwa mag-aaral. Tandaan ninyo, ang tunay na panalo ay ang tapang na lumaban at ibigay ang inyong makakaya.

Congratulations, Althea at Jhon Michael!

Keep fighting, keep training, and keep believing! Ang paaralan ay laging proud sa inyo!

🏸 TAOS-PUSONG PAGBATI! 🏸Isang malaking pagbati kay Quachim Charles Corpuz na lumaban sa Single B, at kina Klent Jay Rabu...
13/09/2026

🏸 TAOS-PUSONG PAGBATI! 🏸

Isang malaking pagbati kay Quachim Charles Corpuz na lumaban sa Single B, at kina Klent Jay Rabulan at Shawn Lee na lumaban sa Doubles sa Palarong Quezon!

Bagama’t hindi man kayo nakauwi na may dalang medalya, ipinagmamalaki namin kayo dahil buong tapang at dedikasyon ninyong hinarap ang bawat laban.

Higit sa medalya, ang mga karanasan, aral, at bagong kaalaman na inyong natutunan ang tunay na inyong maiuuwi. Ang bawat pagkatalo ay pagkakataon upang mas matuto, mas pagbutihin ang inyong laro, at mas maging matatag sa mga susunod na laban.

Congratulations, Quachim, Klent Jay, at Shawn! 🏸

Patuloy kayong magsikap, magtiwala sa inyong sarili, at huwag matakot sumubok muli. Hindi man medalya ang naiuwi ninyo ngayon, siguradong may mga aral kayong dadalhin tungo sa inyong susunod na tagumpay.

Proud kami sa inyong tatlo! Laban lang!

πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈ PAGBATI AT PAGKILALA SA ATING MGA MANLALARO SA ATHLETICS – TRACK AND FIELD! Isang taos-pusong pagbati at paghan...
13/09/2026

πŸƒβ€β™‚οΈπŸƒβ€β™€οΈ PAGBATI AT PAGKILALA SA ATING MGA MANLALARO SA ATHLETICS – TRACK AND FIELD!

Isang taos-pusong pagbati at paghanga sa ating mga atleta na sina Rachelle Mae Bares(1500M, 800M, 4x400, 4x100), Zamantha Elrin Acejo (Long Jump, High Jump), Lyzah Combalicer (Triple Jump), Jayshelle Bohol (Long Jump, High Jump, Triple Jump), Orly Rejano(1500m, 800m, 400m hurdles at Mark Jhared Caiyas(Long, High and Triple jump) buong tapang at husay na kumatawan sa Bayan ng Infanta sa ginanap na Palarong Quezon 2026! πŸŽ‰πŸƒβ€β™€οΈπŸƒβ€β™‚οΈ

Bagamat ang ilan sa inyo ay hindi man nakapuwesto, hindi nito mababawasan ang inyong ipinakitang galing, sipag, tiyaga, disiplina at determinasyon. Sa bawat takbo, talon, at bawat pagsubok na inyong hinarap, ipinakita ninyo ang tunay na puso ng isang atleta ang tapang na lumaban at ang pusong hindi sumusuko. πŸ’ͺ

Ang inyong paglahok at pagsusumikap ay isang karangalan para sa Infanta. Kayo ay patunay na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa medalya o puwesto, kundi sa tapang na kumatawan, magsikap, at ibigay ang buong makakaya para sa ating bayan.

Congratulations, mga atleta!
Ipinagmamalaki namin kayong lahat! Patuloy kayong magsanay, mangarap, at abutin ang inyong mga pangarap. Ang inyong ipinakitang husay at dedikasyon ay tagumpay na hindi kailanman mawawala.

Mabuhay ang mga Atletang Tudturan!
Proud na proud kami sa inyo!

🏐 Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa ating mga manlalaro ng volleyball! 🏐Isang malaking pagbati at pagkilala sa a...
13/09/2026

🏐 Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa ating mga manlalaro ng volleyball! 🏐

Isang malaking pagbati at pagkilala sa ating mga manlalaro ng volleyball boys na sina Aljin Corpuz, Zian Carl Zabarte at Aikee Pagaraga at volleyball girls na sina Myrtle Jane Revellame, Jhaynie Rose Bustonera at Althea Ruzol sa ginanap na Palarong Quezon 2026 sa Gumaca Quezon!

Bagamat hindi man tayo nakakuha ng puwesto, ipinakita ninyo ang inyong husay, tapang, determinasyon at tunay na diwa ng pagiging isang koponan. Bawat palo, depensa, sigaw at pagsubok ay patunay na ibinigay ninyo ang inyong buong makakaya. πŸ’ͺπŸ”₯

Hindi nasusukat ang inyong galing sa ranggo o medalya. Ang tunay na panalo ay ang tapang na lumaban at ang pusong hindi sumusuko.

MARAMING SALAMAT AT CONGRATULATIONS!

GOLD FOR RACHELLE MAE BARES! πŸ₯‡πŸ₯ˆπŸ₯‰Isang mainit at taos-pusong pagbati kay Rachelle Bares sa kanyang kahanga-hangang pagtat...
12/09/2026

GOLD FOR RACHELLE MAE BARES! πŸ₯‡πŸ₯ˆπŸ₯‰

Isang mainit at taos-pusong pagbati kay Rachelle Bares sa kanyang kahanga-hangang pagtatapos sa ginanap na Palarong Quezon!

Sa kanyang huling laro bago umuwi sa bayan ng Infanta, nasungkit ni Rachelle at kanyang grupo ang GOLD MEDAL πŸ₯‡ sa 4x400m Relay isang magandang pagtatapos sa kanyang laban at pagsusumikap sa palaro.

Bukod dito, nag-uwi rin siya ng SILVER MEDAL πŸ₯ˆ sa 1500m Dash at BRONZE MEDAL πŸ₯‰ sa 800m Dash, patunay ng kanyang husay, tiyaga, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng athletics.

πŸ‘ Tatlong medalya para kay Rachelleβ€”Gold, Silver, at Bronze! Isang karangalang maipamalas ang husay at galing ng isang atletang mula sa Infanta.

Congratulations, Rachelle Bares!
Sa iyong pag-uwi, dala mo hindi lamang ang mga medalya kundi ang karangalan, inspirasyon, at pagmamalaki ng iyong bayan.

Mabuhay ka, Rachelle! Ipagpatuloy mo ang pagtakbo tungo sa mas malalaking pangarap!

Pagbati kay Orly S. Rejano, na nakasungkit ng 5th Place sa 400M hurdles.Proud ang paaralan sa inyong ipinamalas na husay...
12/09/2026

Pagbati kay Orly S. Rejano, na nakasungkit ng 5th Place sa 400M hurdles.

Proud ang paaralan sa inyong ipinamalas na husay at dedikasyon!

Pagbati kay Mark Jhared Caiyas at Zamantha Elrin Acejo na napabilang sa Magic 8 at nakasungkit ng 6th place sa Long Jump...
12/09/2026

Pagbati kay Mark Jhared Caiyas at Zamantha Elrin Acejo na napabilang sa Magic 8 at nakasungkit ng 6th place sa Long Jump at Triple Jump out of 40 plus na participants.

Proud ang paaralan sa inyong ipinamalas na husay at dedikasyon!

ISANG MAINIT NA PAGBATI, RACHELLE MAE! πŸƒβ€β™€οΈπŸ₯ˆπŸ₯‰Taos-pusong pagbati sa ating mag-aaral na si Rachelle Mae C. Bares ng Tudtu...
12/09/2026

ISANG MAINIT NA PAGBATI, RACHELLE MAE! πŸƒβ€β™€οΈπŸ₯ˆπŸ₯‰

Taos-pusong pagbati sa ating mag-aaral na si Rachelle Mae C. Bares ng Tudturan sa kanyang kahanga-hangang tagumpay sa Palarong Quezon 2026! πŸŽ‰

πŸ₯ˆ Silver Medalist – 1500M Dash Run
πŸ₯‰ Bronze Medalist – 800M Dash Run

Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, disiplina, at walang sawang pagsasanay. Sa bawat hakbang at bawat takbo, ipinakita mo ang tunay na determinasyon ng isang atletang may pangarap at dedikasyon.

Ang buong Tudturan ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong nakamit! Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iyong mga kapwa mag-aaral na patuloy na mangarap, magsikap, at maniwala sa kanilang kakayahan.

Congratulations, Rachelle Mae! πŸ₯ˆπŸ₯‰
Patuloy kang tumakbo patungo sa tagumpay at abutin ang mas mataas pang mga pangarap! 🌟πŸ’ͺ

Tudturan is proud of you! πŸ‘πŸŽ‰

First day of In-Service Training for Teachers with the theme " Empowering Educators for Three-Term Excellence: Advancing...
10/09/2026

First day of In-Service Training for Teachers with the theme " Empowering Educators for Three-Term Excellence: Advancing 21st Century Teaching and Learning in the New School Calendar

Central School
Saptember 10, 2026

Address

Purok Dahlia
Infanta
4336

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Tudturan ES - Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Tudturan ES - Quezon:

Shortcuts

Share

Category