06/06/2026
❤️ Taus-pusong 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 💙🏫
Ang pamunuan ng 𝗟𝘂𝗺𝗮𝗺𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴 𝗘𝗦 ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng ating mga stakeholder na naglaan ng oras, lakas, kagamitan, at suporta upang maging matagumpay ang 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Lubos naming kinikilala at binibigyang-pugay ang ating mga masisipag na magulang na walang sawang nakiisa sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng ating paaralan. Ang inyong malasakit at boluntaryong paglilingkod ay patunay ng inyong pagmamahal sa edukasyon at sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Isang natatanging pasasalamat din sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Noli Librea sa kanilang walang pag-aatubiling suporta at pakikiisa sa lahat ng gawain para sa Brigada Eskwela. Malaki ang naging bahagi ninyo upang maging mas ligtas, maayos, at handa ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.
Sa lahat ng mga g**o, magulang, barangay officials, volunteers, at iba pang mga katuwang ng paaralan, maraming salamat sa inyong pagkakaisa at dedikasyon. Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay bunga ng sama-samang pagkilos ng komunidad para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Muli, taos-pusong pasasalamat mula sa pamunuan ng Lumampong Balagbag Elementary School. 💙
"Bayanihan para sa Matatag na Paaralan, Sama-sama para sa Batang Pilipino." 🇵🇭✨