07/03/2026
Sa likod ng bawat tahi, disenyo, at ideyang ating pinagsama-sama sa paggawa ng chamber attire para sa ating dalawang candidates, nais kong ipabatid ang taos-pusong pasasalamat sa tulong, oras, at pursige na inyong ibinigay. Malaki ang naging ambag ng bawat isa sa pagbuo ng ating disenyo at sa pagsasakatuparan ng ating mga ideya. Ipinakita ninyo ang dedikasyon, pagtutulungan, at pagkamalikhain upang makabuo ng chamber attire na tunay na maipagmamalaki.
Maaaring hindi man nasungkit ng ating chamber attire ang panalo sa kompetisyon, ngunit sa ating mga puso at isipan, tayo pa rin ang tunay na nagwagi. Lagi lang tatandaan ng bawat isa, manalo man o matalo sa lahat ng bagay ay may makukuhang aral na kapupulutan ng lahat. Ang bawat hakbang na ating ginawa ay naging mahalagang karanasan na nagbigay sa atin ng maraming aral at bagong kaalaman.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Ang inyong pagsisikap at kooperasyon ay patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, kaya nating makalikha ng mga bagay na kahanga-hanga at makabuluhan. Patuloy nating pagyamanin ang ating mga talento sa mga susunod pang gawain.
06/03/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐๐๐จ๐ ๐: ๐ ๐ฉ๐ข๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก-๐๐จ๐๐๐๐๐ก๐
With confidence and conviction, Ms. FLUMA, Kyla Yvaine Sesgundo, shared a meaningful perspective when asked whether the purpose of education is to produce successful individuals or responsible citizens. She highlighted the powerful role of education in addressing ignorance, discrimination, and inequality in society.
โNaniniwala po ako na napakalaki ng kapangyarihan po ng edukasyon sa kaya po nitong uhโฆ lutasin ang anumang kamangmangan, diskriminasyon, at hindi pagkakapantay-pantay... At sa pamamagitan nito, humuhubog tayo ng mga mag-aaral na hindi lamang matalino, bagkus, hinahanda natin sila bilang isang mahusay na lider sa hinaharap.โ
Truly embodying her advocacy, Ms. FLUMA, Kyla Yvaine Sesgundo, also brought home the awards for Best in Production Number and Best in Advocacy, proving that her presence on stage was matched by her passion and purpose.
๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐, ๐ ๐. ๐๐๐จ๐ ๐! ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ฟ๐ฒ๐ถ๐ด๐ป ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ฒ ๐๐ผ ๐ฏ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ถ๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ. ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ต๐ถ๐ ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ ๐๐ผ ๐ณ๐๐ฟ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐๐ต ๐๐ผ๐๐ฟ ๐๐ผ๐ถ๐ฐ๐ฒ, ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐๐ถ๐๐ต ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐ป๐ณ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ. [B]
via Kate Dean
06/03/2026
Malugod na pagbati sa iyong tagumpay, Bb. Kyla Sesgundo!
Kahanga-hangang ang iyong ipinamalas sa entablado. Buong puso mong ipinaglaban ang korona ng Ms. CED 2026, at sa bawat rehearsal at pagsasanay na iyong pinagdaanan ay malinaw na nakita ang iyong dedikasyon, tiyaga, at pagsusumikap. Ang lahat ng iyong paghahanda ay hindi nasayang, sapagkat matagumpay mong nasungkit ang titulong Ms. CED 2026.
Hindi lamang ang iyong kumpiyansa sa entablado ang aming hinangaan, kundi pati na rin ang iyong talino at kahusayan, mula sa pagrampa hanggang sa pagsagot sa mga katanungan. Ipinakita mo na ang isang tunay na kandidata ay hindi lamang nagtataglay ng kagandahan at kumpiyansa, kundi mayroon ding lalim ng pag-iisip, puso, at kakayahang magpahayag ng makabuluhang sagot.
Ang buong BSEd FIL 3-1 ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong nakamit. Ang iyong tagumpay ay hindi lamang tagumpay mo bilang isang kandidata, kundi tagumpay din ng lahat ng patuloy na naniniwala at sumusuporta sa iyo.
Sa nalalapit na CAF 2026, makaaasa ka na kami ay patuloy na narito upang ipagmalaki, suportahan, at samahan ka sa iyong susunod pang paglalakbay. Lagi mong tatandaan na ang BSEd FIL 3-1 ay buong pusong nakasuporta sa iyo.
Muli, malugod ka naming binabati, Ms. CED 2026! Tunay na karapat-dapat ka sa tagumpay na ito.๐ค
06/03/2026
Malugod na pagbati, G. Angelo Fernandez!
Tunay mo kaming pinahanga sa iyong dedikasyon at pagsusumikap. Kahit na ito ang iyong unang beses sa pagsali sa isang patimpalak, buong puso mong ipinamalas ang iyong kakayahan at galing sa bawat paghahanda, pag-ensayo, at pag-apak sa entablado.
Hindi lamang ang iyong pagganap ang aming hinangaan, kundi pati na rin ang iyong dedikasyon at pagsusumikap na maitaguyod ang dangal ng iyong kinakatawan. Ipinakita mo na ang tunay na tagumpay ay nagmumula sa tiyaga, disiplina, at tiwala sa sarili.
Buong paghanga at suporta ng BSEd FIL 3-1, ipinagmamalaki ka namin sa lahat ng iyong ipinakita sa entablado. Ang iyong pagsisikap at determinasyon ay nagsilbing inspirasyon hindi lang sa amin, kundi maging sa lahat ng nakasaksi sa iyong paglalakbay bilang Ginoong FLUMA 2026.
Muli, taos-puso ka naming binabati at ipinapahayag ang aming paghanga sa iyong ipinamalas na galing, tapang, at dedikasyon.๐ค
03/02/2026
๐ฉ๐๐๐๐๐๐
Maligayang Kaarawan, Angela! โค๏ธ
Ang iyong angking talino at kabutihan ng puso ay magsilbi sanang gabay at ilaw para sa kabataan sa hinaharap. Patuloy kang maglinawag para sa kanila at para sa iyong sarili.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa'yo, G**o! โฃ๏ธ
01/02/2026
Pagbati mga medyor sa Filipino!!
Malayo na ang ating narating, at mas marami pang tagumpay ang naghihintay sa bawat isa! Nasa ikatlong taon na tayo, unang semestre ng ating pagsusumikap, at kaunti na lang, sabay-sabay nating malalagpasan ang lahat ng hamon. Hindi tayo basta Filipino lang, sapagkat tayo ay mga medyor sa Filipino na may puso, galing, at determinasyon!
Kapit-bisig natin haharapin ang mga susunod na semestre at taon, at sabay-sabay nating tatahakin ang landas ng tagumpay!
Muli, malugod na pagbati mula sa ating mga g**o sa hinaharap at patuloy lang sa pag-abot ng ating pangarap. ๐ค
06/01/2026
Maligayang Kaarawan, Raymond!โค๏ธ
Manatili sanang mabuti at busilak ang iyong puso sa paglilingkod sa bayan at sa kabataan. Hiling namin ang maayos na kalusugan at matalinong isipan. Hangad namin ang kasiyahan mo ngayong arawna ito.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa iyo, G**o Raymond! ๐
13/12/2025
Maligayang Kaarawan, Regine! ๐ค
Manatiling matibay ang iyong loob at tindig sa iyong mga paninindigan. Hiling namin ang tagumpay sa bawat pagsubok na iyong hinaharap. Hangad namin ang dalisay at maligayang buhay para sa iyo.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa iyo, G**o! ๐ฆข
06/12/2025
Maligayang Kaarawan, Elay! โค๏ธ
Manatili ka sanang galak at maligaya sa bawat pagkakataon, pairalin mo nawa ang kabutihan at kabusilakan ng iyong puso. Hangad namin ang kasiyahan at tagumpay mo sa buhay.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa iyo, G**o! ๐
15/11/2025
Maligayang Kaarawan, Janella๐
Hatid mo ang liwanag at kulay na nagbibigay ligaya sa mga mahal mo sa buhay. Hiling namin ang kabutihan at kapayapaan ng iyong pusoโt isipan sa araw-araw. Nawaโy naging maligaya ang araw na ito para sa iyo.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa iyo, G**o! โ๏ธ
07/10/2025
Maligayang Kaarawan, Mary!โค๏ธ
Nawaโy naging maligaya ang iyong kaarawan ngayong araw. Nawaโy magpatuloy ka lamang sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Hiling namin ang kalusugan at kasiyahan ng iyong puso.
Ang buong BSE-FIL 3-1 ay bumabati sa iyo, G**o! ๐