09/12/2025
KOMPIRMADO NA TALAGA!
Ipinagmamalaki ng Ang Taga-Isla / The Islanders ang tagumpay ng ating School Paper Adviser na si Josefino V. Bongato, Jr., na nagkamit ng 8th Place sa Copyreading and Headline Writing (School Paper Adviser and Moderators Division) sa prestihiyosong 16th National Campus Media Conference (NCMC)!
Idinaos ang programa noong September 25–27, 2025 sa NU-Clark, Angeles, Pampanga, at muling napatunayan ni Sir Jhayvie ang kanyang husay, dedikasyon, at malasakit sa kampus pamamahayag.
Isang malaking karangalan ito hindi lamang para sa kanya, kundi para sa buong Ang Taga-Isla at sa ating paaralan. Patunay itong patuloy tayong sumusulong at tumatatak bilang boses ng kabataan sa kampus!
Mabuhay ka, Sir Jhayvie!
Padayon, Ang Taga-Isla!