04/09/2026
๐ด๐จ๐ณ๐จ๐๐จ๐ต๐ฎ ๐ถ๐ท๐ถ๐น๐ป๐ผ๐ต๐ฐ๐ซ๐จ๐ซ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐;
๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ฆ๐๐ซ, ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ฒ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐๐ข๐ ๐๐ฒ-๐จ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐รฑ๐จ
Hinimok ni OIC-Schools Division Superintendent Lito A. Palomar ang mga mag-aaral at g**o na nakibahagi ng 2026 SDO Imus City Tech-Voc Week na huwag sayangin ang oportunidad na ipinagkakaloob ng dibisyon at pamahalaang panlungsod ng Imus upang matiyak ang kanilang tagumpay sa larang na kanilang piniling tahakin.
Sa kaniyang pagbabahagi ng Angat Framework, ipinunto ni Palomar ang importansya ng mga oportunidad na ibinibigay ng mga programang inilulunsad ng dibisyon upang maingat nang lubos ang antas ng edukasyon sa lungsod ng Imus.
โWe have the right opportunity for everyone. Mawawalan ng saysay ang diploma at diskarte kung walang oportunidad na ipagkakaloob sa atin. Kaya naman, pahalagahan natin ang oportunidad na ipinagkakaboob sa bawat isa,โ saad ng superintendent.
Hinikayat din ni Palomar ang mga education leaders at mga g**o na gampanan nang ayos ang kanilang tungkulin upang masig**o ang katagumpayan ng mga programa ng imus na nagbibigay-oportunidad sa mga mag-aaral na Imuseno.
โThis kind of event shows that your position has a vital role in making the opportunities given to our students. You have the right position to place them in a better positionโ ani Palomar.
Dagdag pa ng superintendent, maliban sa pagiging tagapagtaguyod ng mga bagong oportunidad na ipinagkakaloob ng lungsod, tungkulin din ng mga g**o na magabayan nang ayos ang mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng mga programang bokasyonal ng dibisyon.
๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng pagbibigay ng bagong oportunidad sa mga mag-aaral, higit na palalakasin ng SDO Imus City ang kalidad ng edukasyong pang-agrikultura sa lungsod sa pakikipagtulungan ng City of Imus Agriculture Office.
Sa kaniyang talumpati sa Tech-Voc day 2026, nagbigay-katiyakan sa pakikiisa ng lungsod sa mga programang pang-agrikultura ng dibisyon si City Agriculturist Robert R. Marges.
Ayon kay Marges, katuwang ng dibisyon at ng bawat paaralan sa lungsod ang City Government of Imus sa lahat ng programang pang-agrikultura na kanilang ilulunsad at isasagawa upang masig**o ang pag-angat ng kalidad sa edukasyong agrikultural ng mga g**o at mag-aaral.
โAgriculture does not just teach us how to farm and raise poultry products, it also teaches us values. Kaya naman, kami sa City Agriculturist office, buong-buo ang suporta namin sa lahat ng schools. Handa kaming tumulong sa aspekto na kakailanganin para sa ikatatagumpay ng edukasyong pang-agrikultura ng lungsod,โ saad ni Marges.
Maliban sa pagpapahayag ng suporta, nagbahagi rin ng kaalamang may kinalaman sa pagtatanim sa paaralan si Marges sa mga g**o at mag-aaral na naging bahagi ng 2026 Tech-Voc day.
Inisa-isa ng City Agriculturist ang mga pangunahing pamaraan sa pagtatanim sa paaralan tulad ng tamang pagpili ng binhi at pag-aalaga ng mga halamang-gulay na maaaring mapakinabangan sa mga school-based feeding programs.
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Bukod sa pagbibigay ng malayang oportunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng programang pambokasyonal at agrikultura sa lungsod, isa rin sa mga binigyang-pansin sa 2026 Tech-Voc Day ang importansya ng school-based feeding programs.
Ayon kay GPP Coordinator Rose Mae Rosero, hindi tiyak na makakamit ang oportunidad na ipinagkakaloob sa lahat kung hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng mag-aaral sa mga pagkaing kanilang kinakain.
โHaving the right opportunity is not for everyone if they do not have the right nutrition on every food they eat. Kaya naman, magtulungan tayo upang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang pagkaing kinakain ng ating mga mag-aaral,โ ani Rosero.
Binigyang-diin din ni Rosero ang importansya ng maayos na ugnayan ng paaralan sa pamahalaang panglungsod upang masig**o ang tuloy-tuloy na pag-angat ng kalidad ng edukasyon at nutrisyong nakakamit ng mga mag-aaral.
Ani GPP Coordinator, nagiging matagumpay ang lahat ng programa ng lungsod at dibisyon dahil sa matibay na pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga paaralan.
โHindi nasasayang ang programa ng ating lungsod dahil may maayos na relasyon ang ating dibisyon at pamahalaang panlungsod. Nasisig**o ko na ang lahat ng gulay na aanihin sa mga gulayan sa paaaralan ay may sapat na nutrisyon dahil sumailalim ito sa tamang paggabay ng ating City Agriculturist Office,โ saad ni Rosero.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Nangako si SDS Palomar na isasagawa na nang regular sa sangay ng Imus ang mga programa at kombensyong nagpapa-angat ng kalidad ng edukasyon at kasanayan ng mga g**o, education leaders at mag-aaral na Imuseno.
โWe are just at the beginning. Asahan ninyo na mayroon pang ALAPAN, MALAGASANG, at mas pinalakas na Tech-Voc Day sa mga susunod na taon. Within five years, naniniwala akong aangat at aangat ang lungsod ng Imus pagdating sa larang ng edukasyonโ sabi ng superintendent.
Ayon kay Palomar, itinuturing niyang isang investment ang mga programang isinasagawa sa Imus dahil mayroong mga bagong kaalaman at kasanayang nakukuha ang lahat ng g**o at mag-aaral na nagsisilbing daan upang matiyak ang kapakinabangan ng oportunidad na ipinagkakaloob para sa lahat.
โToday, we have again the opportunity to show our talent and competence. Kaya sana, huwag na huwag natin itong sayangin. Patuloy nawa tayong umunlad at lumago sa ngalan ng serbisyo-publiko,โ ani superintendent.
Inaasahang magkakaroon pa ng mga bagong programang isasagawa sa dibisyon ng Imus alinsunod na nakabalangkas na mga proyekto sa Angat Framework ng SDO Imus City.