11/06/2026
#𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤
Regular Holiday on June 12, 2026 in observance of the 128th Philippine Independence Day
🏫 Public Integrated School
📍 Papa Compound, Brgy Maharlika, Imus City, Cavite
✅ Kindergarten - Grade 10
11/06/2026
#𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤
Regular Holiday on June 12, 2026 in observance of the 128th Philippine Independence Day
11/06/2026
𝐈𝐧 𝐒𝐃𝐎 𝐈𝐦𝐮𝐬 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐈𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐞𝐥𝐨𝐧𝐠𝐬!
Together, we celebrate diversity, inclusivity, and belonging — affirming that every learner, teacher, and community member has a valued place in our Division.
09/06/2026
𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚, 𝐬𝐮𝐬𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐀𝐀𝐈𝐒 - 𝐃𝐫. 𝐋𝐞𝐚𝐡 𝐆𝐮𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐠
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, bumisita sa Anastacio Advincula Integrated School (AAIS) ang Monitoring Team ng Schools Division Office (SDO) Imus City upang suriin ang kahandaan ng paaralan sa unang araw ng pasukan. Pinangunahan ang pagbisita nina Dr. Leah J. Guillang, Dr. Marilou P. Bronzi, Dr. Marife Grossman, at Ma'am Cristina S. Advincula, na nagsagawa ng inspeksyon sa mga pasilidad, silid-aralan, at iba pang programang nakahanda para sa mga mag-aaral.
Sa isinagawang monitoring, kinilala ng mga bisita ang dedikasyon at pagtutulungan ng mga g**o at kawani ng paaralan sa pagsasakatuparan ng mga programa sa Oplan Balik Eskwela. Ipinakita rin ng pamunuan ng AAIS ang mga isinagawang paghahanda upang matiyak ang ligtas, maayos, at makabuluhang pagbubukas ng klase para sa lahat ng mag-aaral.
Binigyang-diin ni Dr. Leah J. Guillang ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga g**o sa tagumpay ng paaralan. Ayon sa kanya, “Pag nagsama-sama at nagkakaisa ang mga g**o, walang dahilan para hindi maging handa ang AAIS sa pagbubukas ng klase.” Ang mensaheng ito ay nagsilbing inspirasyon sa buong komunidad ng AAIS upang patuloy na magtulungan tungo sa dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.
08/06/2026
𝐓𝐀𝐑𝐀! 𝐁𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐮𝐫𝐮𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭!
Basahin ang mensahe ni OIC-Schools Division Superintendent 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐀. 𝐏𝐚𝐥𝐨𝐦𝐚𝐫 sa muling pagbabalik eskwela ng School Year 2026-2027.
👇👇👇
Bagong sapatos, pad paper, ballpen, at uniporme o maari din namang lumang notebook na may bagong pabalat, matibay mong bag na bagong laba, o dating lapis na bagong tasa.
Sa lahat ng bago o lumang may bagong bihis, nawa ang tunay na may pagbabagong anyo sa mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, punongg**o, at buong komunidad ng paaralan sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027, ay bagong pag-uugali, bagong karakter, bagong motibasyon, at bagong pananaw kung bakit kailangan ng bawat isang Imusenyo ang magkaroon ng edukasyong hindi lamang tinatamasa sa bisa ng karapatan kundi dahil sa paniniwala sa Diyos, pagmamahal sa kapaligiran at bayan, at malasakit sa kapwa.
Ang muling pagbubukas ng pintuan ng ating paaralan ay hindi lamang para magkaroon ng bagong kaalaman, kundi upang bigyan ang ating sarili ng dignidad bilang tao, integridad bilang isang Pilipino, at paglago hindi para sa sarili kundi para sa pamilyang kasama nating nangangarap at sa kapwa nating hindi nabigyan ng kaparehong prebilehiyo at oportunidad.
Sa mga magulang, ang paaralan ay inyong kakampi at sandigan. Nawa’y makipagtulungan tayo upang mabigyan ng tamang tunguhin ang ating mga anak.
Para sa mga g**o, punongg**o, mga kawani ng paaralan at SDO Imus City, saludo sa inyong panibagong taon ng pagsasakripisyo, pagbabahagi at pakikibahagi at pagpupunyagi sa bawat tagumpay na ating makakamtan sa taong ito.
Sa aming stakeholders at lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kgg. Mayor Alex Advincula at ng kanyang konseho kaagapay ang kongresista ng ikatlong distrito ng Cavite, Kgg. Adrian Jay Advincula, kasama namin kayo sa pagbibigay ng pinakamabuting kalidad ng edukasyon at pamumuhay na posible para sa bawat batang Imuseno.
Sabay-sabay nating itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at masayang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay may pagkakataong magtagumpay. Hindi man laging madali ang landas ng karunungan, sa tulong ng pagkakaisa, walang hamon na hindi natin kayang lampasan.
Isang matagumpay, makabuluhan, at ligtas na Taong Panuruan 2026-2027 sa ating lahat!
Tara, buksan ang pinto ng bagong panuruan na may bagong talino at malasakit.
💻 𝐒𝐃𝐎𝐈𝐂 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐓𝐞𝐚𝐦 | 𝐃𝐚𝐧𝐧𝐲 𝐁𝐚𝐫𝐛𝐚

Kapag may emergency, hindi dapat iisa ang tugon sa lahat ng sitwasyon.
Sa ilalim ng bagong Learning Continuity in Emergencies guidelines, gagamitin ng mga paaralan ang Learning Continuity Framework:
🟢 Hayo – Tuloy ang regular na klase kapag ligtas ang lahat.�🟡 Hinay – Mas flexible ang pagkatuto kapag may bahagyang disruption.�🔵 Hinga – Well-being muna at mas kaunting academic demands habang bumabangon ang komunidad.�🔴 Hinto – Pansamantalang itinitigil ang academic learning kapag nanganganib ang kaligtasan.
Layunin nating matiyak na tuloy ang edukasyon nang may malasakit at pag-unawa sa kalagayan ng mga mag-aaral, g**o, at school personnel sa panahon ng krisis.
08/06/2026
Ang tunay na learning continuity ay may malasakit — alam kung kailan hahayo, maghihinay-hihinay, hihinga, at hihinto. 🚦
Sa 4H framework ng Education in Emergencies policy, tinitiyak na tuloy-tuloy ang pagtuturo at pagkatuto sa kabila ng mga emergency habang inuuna ang kaligtasan at kalagayan ng learners, teachers, at school personnel.
BASAHIN:
🔗https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_014r.pdf
To further understand the 𝐓𝐡𝐫𝐞𝐞-𝐓𝐞𝐫𝐦 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐂𝐚𝐥𝐞𝐧𝐝𝐚𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔–𝟐𝟎𝟐𝟕, the Schools Division of Imus City through its Media Team has created a clear and informative video explainer.
This resource will help teachers, parents, and learners grasp how the new calendar supports continuity of learning and strengthens school operations.
👉 Watch now and be ready for the opening of classes!
🎬𝐒𝐃𝐎𝐈𝐂 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐓𝐞𝐚𝐦
Teacher Broadcasters:
𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐫𝐢𝐚𝐝𝐨
𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐒𝐞𝐦𝐚𝐧𝐚
𝐉𝐨𝐞𝐲 𝐎𝐫𝐭𝐢𝐳
𝐙𝐲𝐥𝐝𝐣𝐢𝐚𝐧 𝐓𝐞𝐩𝐨𝐫𝐚
𝐉𝐞𝐞 𝐀𝐧𝐧 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥
𝐌𝐚𝐝𝐞𝐥𝐞𝐢𝐧𝐞 𝐀𝐲𝐨
08/06/2026
𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲, 𝐟𝐫𝐞𝐬𝐡 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭, 𝐞𝐧𝐝𝐥𝐞𝐬𝐬 𝐩𝐨𝐬𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬!
𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐀𝐀𝐈𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬!!!
07/06/2026
𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐀𝐀𝐈𝐒𝐢𝐚𝐧𝐬!!!!
𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐢𝐬 𝐡𝐞𝐫𝐞!
The Schools Division of Imus City invites YOU to be part of this year's Brigada Eskwela, a nationwide movement of bayanihan where every helping hand makes a difference for our learners and schools!
Whether you're a parent, teacher, alumni, community member, or partner organization, your support, time, and resources go a long way in creating safe, clean, and conducive learning spaces for our children.
Together, let's build schools worthy of every dream!
Under the leadership of 𝐎𝐈𝐂-𝐒𝐃𝐒 𝐋𝐢𝐭𝐨 𝐀. 𝐏𝐚𝐥𝐨𝐦𝐚𝐫 and 𝐎𝐈𝐂-𝐀𝐒𝐃𝐒 𝐆𝐥𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐃𝐒. 𝐂𝐚𝐭𝐚𝐝𝐦𝐚𝐧, SDO Imus City is ready to make Brigada Eskwela 2026 a success.
cc: 𝑺𝑫𝑶𝑰𝑪 𝑴𝒆𝒅𝒊𝒂 𝑻𝒆𝒂𝒎
Teacher Broadcasters: 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐫𝐢𝐚𝐝𝐨, 𝐑𝐢𝐜𝐡𝐚𝐫𝐝 𝐒𝐞𝐦𝐚𝐧𝐚, 𝐙𝐲𝐥𝐝𝐣𝐢𝐚𝐧 𝐓𝐞𝐩𝐨𝐫𝐚, 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐀𝐢𝐳𝐚 𝐂𝐥𝐞𝐨𝐟𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐉𝐞𝐞 𝐀𝐧𝐧 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥.