14/05/2026
"Sa Bayanihan, sama-sama nating binubuo ang paaralang handa para sa kinabukasan ng kabataan.”
Alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026 o ang “Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education,” isasagawa mula Hunyo 1–5, 2026 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.
Ang Brigada Eskwela ay isang limang-araw na gawain na nagtataguyod ng diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad upang maihanda ang mga paaralan para sa nalalapit na pasukan. Sa patuloy na pagbibigay priyoridad ng Department of Education (DepEd) sa pagpapaunlad ng literasiya at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan, tampok ngayong taon ang temang:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Ngayong taon, nakatuon ang Brigada Eskwela sa mga sumusunod na layunin:
📌 Paghahanda ng malinis, ligtas, at learner-friendly na kapaligiran;
📌 Pagsuporta sa pagpapaunlad ng pagbasa sa pamamagitan ng literacy activities at learning materials;
📌 Pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad;
📌 Pagpapalakas ng kaligtasan at climate resilience ng paaralan;
📌 Pagsasagawa ng clean-up drives upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang paligid ng paaralan;
📌 Paghikayat ng volunteerism at aktibong pakikilahok ng komunidad para sa pagpapaunlad ng mga programa at pasilidad ng paaralan;
📌 Pagbuo ng matatag at data-driven na partnership sa komunidad upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan; at
📌 Pagsasagawa ng mas maayos na beripikasyon at imbentaryo ng mga kagamitan at resources ng paaralan katuwang ang komunidad.
Inaanyayahan natin ang lahat ng magulang, g**o, mag-aaral, alumni at mga stakeholders na makiisa at magbahagi ng kanilang oras, talento at suporta upang maging handa, ligtas, at mas maayos ang ating paaralan para sa SY 2026–2027.