DepEd Tayo Tinabunan ES - Imus City

DepEd Tayo Tinabunan ES - Imus City

Share

Tinabunan Elementary School
The Sentinel School in Imus

14/05/2026

"Sa Bayanihan, sama-sama nating binubuo ang paaralang handa para sa kinabukasan ng kabataan.”

Alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026 o ang “Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education,” isasagawa mula Hunyo 1–5, 2026 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Ang Brigada Eskwela ay isang limang-araw na gawain na nagtataguyod ng diwa ng bayanihan at pagkakaisa ng komunidad upang maihanda ang mga paaralan para sa nalalapit na pasukan. Sa patuloy na pagbibigay priyoridad ng Department of Education (DepEd) sa pagpapaunlad ng literasiya at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan, tampok ngayong taon ang temang:

“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”

Ngayong taon, nakatuon ang Brigada Eskwela sa mga sumusunod na layunin:

📌 Paghahanda ng malinis, ligtas, at learner-friendly na kapaligiran;
📌 Pagsuporta sa pagpapaunlad ng pagbasa sa pamamagitan ng literacy activities at learning materials;
📌 Pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad;
📌 Pagpapalakas ng kaligtasan at climate resilience ng paaralan;
📌 Pagsasagawa ng clean-up drives upang mapanatiling maayos at kaaya-aya ang paligid ng paaralan;
📌 Paghikayat ng volunteerism at aktibong pakikilahok ng komunidad para sa pagpapaunlad ng mga programa at pasilidad ng paaralan;
📌 Pagbuo ng matatag at data-driven na partnership sa komunidad upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan; at
📌 Pagsasagawa ng mas maayos na beripikasyon at imbentaryo ng mga kagamitan at resources ng paaralan katuwang ang komunidad.

Inaanyayahan natin ang lahat ng magulang, g**o, mag-aaral, alumni at mga stakeholders na makiisa at magbahagi ng kanilang oras, talento at suporta upang maging handa, ligtas, at mas maayos ang ating paaralan para sa SY 2026–2027.





Photos from DepEd Tayo Tinabunan ES - Imus City's post 11/05/2026

Masayang bakasyon, makabuluhang pagkatuto!

Aktibong nakikilahok ang ating mga mag-aaral sa iba’t ibang gawain sa ARAL Summer Program na nagpapalawak ng kanilang kaalaman sa pagbabasa, pagbibilang, at pakikipag-ugnayan.

Maraming salamat sa ating ARAL Teachers sa inyong dedikasyon at malasakit upang mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating gawing makabuluhan at masaya ang pag-aaral!





Photos from DepEd Tayo Tinabunan ES - Imus City's post 11/05/2026

🖌️Nagsimula na ang pagpipintura ng ating paaralan bilang paghahanda para sa Taong Panuruan 2026-2027!
Maraming salamat po sa ating mga masisipag na kuya na boluntaryong tumutulong upang mas mapaganda ang ating paaralan.




11/05/2026

ENROLLMENT for SY 2026-2027 is ongoing!

📢 Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang/taga-pagalaga na ipalista ang inyong mga anak na papasok para sa taong panuruang 2026-2027.

Magpunta lamang sa Paaralang Elementarya ng Tinabunan mula Lunes hanggang Huwebes sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
👀Hanapin lamang sina Ma'am Marivic Ayalin sa School Admin Office at Ma'am Wendalyn Responte sa Guidance Office.

Tuwing Biyernes hanggang Linggo ay pwede pong ma-access ang online enrollment form na ito sa baba:👇

https://forms.gle/DisfadAjyzr4t8PJA

Sino ang dapat magpa-enroll?

📌KINDERGARTEN: Mga batang limang (5) taong gulang na o maglilimang taong gulang hanggang sa October 31, 2026.
Conditional: Kids turning 5 between Nov. 1- Dec. 31 can enroll if they have completed an ECCD program or passed the ECD Checklist. (DepEd Order, No. 015 s. 2025)

📌GRADE 1: Mga batang nakakompleto sa antas ng Kindergarten.

📌TRANSFEREES: Mga batang mula Grade 1 hanggang Grade 6 na nagnanais lumipat sa Tinabunan Elementary School

📌BALIK-ARAL: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral

📌ALS (Alternative Learning System) Mga out-of-school youth, Youth and Adult na may edad na 12 taong gulang pataas na gustong magpatuloy sa pag-aaral

✅PAMAMARAAN NG PAGPAPATALA
1. Kumuha ng enrollment form sa opisina ng punongg**o o Guidance Office.
2. Kumpletuhin ang impormasyong kailangan. Huwag pong kalimutang lagyan ng inyong contact number.
3. Ibalik ang enrollment form kasama ng kopya ng PSA Birth Certificate.

NOTE: Ang mga nakapag-enroll na sa Early Registration noong Enero 31 - Pebrero 27, 2026 ay hindi na kailangang magpalista muli. Okay na po iyun. Hintayin na lamang ang mensahe mula sa kanilang Class Adviser.

✅ Kung may katanungan pa maaari po kayong tumawag sa mga numero na nasa ibaba.👇

☎️Landline 046-4379612

-2027





10/05/2026

Happy Mother’s Day to all the amazing Moms out there!

Happy ’sDay! 🌷

Ngayong araw, taos-pusong pagpupugay at pasasalamat ang ipinaaabot ng buong Department of Education sa lahat ng mga ilaw ng tahanan, sa mga nanay at sa lahat ng tumatayong ina na walang sawang nagsasakripisyo, nag-aaruga, at nagbibigay inspirasyon para sa kinabukasan ng bawat bata.

Kayo ang unang g**o ng pagmamahal, kabutihan, at pangarap. Sa inyong bawat yakap, payo, at sakripisyo, hinuhubog ninyo ang mas malakas at mas mabuting mga kabataan. ❤️

Photos from DepEd Tayo Tinabunan ES - Imus City's post 06/05/2026

📚✨ Pormal ng Binuksan ang ARAL Summer Program 2026! ✨📚

Opisyal ng sinimulan ang ating makabuluhan at masayang tag-init ng pagkatuto!
Isinagawa ng ating punongg**o Ma'am Florie-Ann S. Villanueva ang orientation para sa ARAL Summer Program 2026 kasama ang ating masisipag at dedikadong ARAL Teachers.

Layunin ng programang ito na patuloy na gabayan at paunlarin ang ating mga mag-aaral upang lalo silang matuto at umunlad kahit bakasyon.

Maraming salamat sa ating mga g**o sa kanilang walang sawang dedikasyon at malasakit sa edukasyon ng kabataan.

Sama-sama nating gawing makabuluhan, kapaki-pakinabang, at puno ng inspirasyon ang programang ito!






05/05/2026

🏐 READY KA NA BANG MAG-SERVE AT MAG-SPIKE? JOIN THE TEAM! 🏐
Tinatawagan ang lahat ng mga mag-aaral ng Tinabunan Elementary School na mahilig sa volleyball! Ito na ang pagkakataon ninyong ipakita ang inyong galing sa court at maging bahagi ng ating paaralan.
📍 Saan: Tinabunan Elementary School Volleyball Court
📅 Kailan: Biyernes, Mayo 8, 2026
⌚ Oras: 8:00 AM – 10:00 AM
Sinu-sino ang pwedeng sumali?
✅ Bukas para sa lahat ng grade levels!
✅ Boys and Girls are welcome!
Ano ang dapat dalhin?
👕 Sports Attire
👟 Athletic Shoes
💧 Water Bottle
Tara na at maging susunod na volleyball star ng Tinabunan! Kita-kits sa court! 💙💛

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Pag-asa I
Imus
4103