Bawat Batang Mascardo Bumabasa

Bawat Batang Mascardo Bumabasa

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bawat Batang Mascardo Bumabasa, School, Imus.

Photos from Bawat Batang Mascardo Bumabasa's post 16/06/2025

Ngayong unang araw ng ating klase sa Taong Panuruang 2025-2026, malugod naming ibinabahagi sa inyo ang ating "ISANG SALITA SA ISANG ARAW" para sa araw na ito.

Ito ay ang "ADHIKA". Ano nga ba ang ADHIKA? Mula sa aking pinagkunang kahulugan, ito ay isang pangngalan na nangangahulugang "ang matayog na hangarin o malinaw na pangarap na makamit ang kabutihan at tagumpay para sa sarili o kapwa sa hinaharap."

Mahalaga na sa unang araw pa lang ng taong panuruang ito ay nalalaman na natin kung ano-ano ba ang ating mga ADHIKAIN sa buhay. Bakit ito mahalaga? Sapagkat ito ang magbibigay ng tamang direksyon na tatahakin natin sa ating araw-araw na paglalakbay. Tandaan, ang kaakibat lagi ng ADHIKA ay ang tamang pagpaplano at angkop na kilos upang maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay.



16/06/2025

BASA'T BIDA KA!

Kilalanin sina Jhazmine Ann Santiago at Lhinette V. Tumbaga, ang ating mga Filipino Reading Ambassadors mula sa Gen. Tomas Mascardo National High School, na nagsusulong ng kultura ng pagbabasa sa ating paaralan!

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Brigada Eskwela 25, sama-sama tayong kumilos sa temang: Sama-Sama Para sa Bayang Bumababasa!







"𝙂𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙏𝙖𝙡𝙞𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙨𝙘𝙖𝙧𝙙𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙉𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞 𝙖𝙩 𝙃𝙪𝙬𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤"

Photos from DepEd Tayo Gen. Tomas Mascardo NHS - Imus City's post 16/06/2025
25/12/2024

Ang Pasko at Bagong Taon ay dalawa sa pinakamahalagang pista opisyal sa Pilipinas.
Pasko:
Pagdiriwang: Ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25.
Tradisyon:
Simbang Gabi: Isang serye ng siyam na misa na nagsisimula noong Disyembre 16.
Paghahanda ng Noche Buena: Isang masaganang hapunan na inihahanda at ipinagdiriwang sa Bisperas ng Pasko.
Pagbibigay ng regalo: Isang mahalagang bahagi ng Pasko para sa mga Pilipino.
Pag-awit ng mga Pamamasko: Mga bata ang kumakanta ng mga pamaskong awit upang humingi ng regalo.
Pagpapalamuti ng bahay: Mga parol, Christmas lights, at mga dekorasyon ay karaniwang makikita sa mga tahanayan.
Kultura:
Ang Pasko sa Pilipinas ay isang masayang panahon ng pagsasama-sama ng pamilya at mga kaibigan.
May malaking impluwensya ang relihiyon sa pagdiriwang ng Pasko.

Bagong Taon:
Pagdiriwang: Ipinagdiriwang tuwing Enero 1.
Tradisyon:
Media Noche: Isang masaganang hapunan na inihahanda at ipinagdiriwang sa Bisperas ng Bagong Taon.
Pagpaputok ng mga paputok: Isang makulay at malakas na tradisyon sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Pagsusuot ng mga damit na may mga tuldok: Isang pamahiin na sinasabing magdadala ng suwerte.
Pagkain ng mga bilog na prutas: Tulad ng ubas at mansanas, bilang simbolo ng kasaganaan.
Kultura:
Ang Bagong Taon ay isang panahon ng pag-asa at panibagong simula.
May mga pamahiin at paniniwala na nakaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang Pasko at Bagong Taon ay mga panahon ng pagdiriwang, pagmamahal, at pag-asa para sa mga Pilipino.

!!!!

10/12/2024

"Ang PAGBASA ay daan tungo sa kaalaman at karunungan."

Kung nais nating maragdagan pa ang ating kaalaman, ugaliin nating laging magbasa. Hindi lamang sa eskwelahan dapat nagbabasa, kundi dapat kahit na tayo ay nasa ating mga tahanan sapagkat ito ang makatutulong satin upang mahasa pa ang kakayahan natin sa pagbabasa. Tandaan, ang pagbabasa ay isa sa susi sa matatag na kinabukasan.

#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼
#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗚𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗔𝘁𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼

Photos from Kagawaran ng Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralang Gen. Tomas Mascardo's post 22/11/2024

Isang matagumpay na selebrasyon ng Buwan ng Pagbasa! 🎉 Salamat sa lahat ng mag-aaral na buong pusong nakibahagi at nagpakita ng husay sa iba't ibang patimpalak. Ang inyong dedikasyon at talento ay tunay na inspirasyon. Mabuhay ang mga mambabasa at tagapagtaguyod ng kaalaman!

21/11/2024

Pagpapasinaya ng Kubo ng Karunungan sa Pakikiisa ng BABAMABU (Bawat Batang Mascardo Bumabasa) at ERASERS (Evaluation of Reading Ability with Scheme to Enhnace Reading Skills)

Ika-22 ng Nobyembre, 2024, 11:00 ng umaga

#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼
#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗚𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗔𝘁𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼

"𝙂𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙩 𝙏𝙖𝙡𝙞𝙣𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙨𝙘𝙖𝙧𝙙𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙉𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞 𝙖𝙩 𝙃𝙪𝙬𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤"

17/11/2024

Ngayong ikalawang linggo ng AKLATrivia, itinampok natin ang mahalagang kontribusyon ni Lola Basyang sa Panitikang Pilipino!

Kilala bilang si Severino Reyes, si Lola Basyang ang nagdala ng mga kuwentong may aral at di-malimutang karakter na tumatak sa puso ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan.

Ang kanyang mga kuwento ay nagsilbing tulay sa paghubog ng ating imahinasyon at pagpapahalaga sa sariling kultura.

Maraming salamat sa ating mga gurong tagapaglahad na sina:
Gng. Edlyn D. Aguirre
Gng. Janet E. Magura
Bb. Alaiza M. Erandio
Bb. Janissa Fae Galanida

para sa kanilang makulay at inspiradong pagbabahagi!

Patuloy nating tuklasin at ipagmalaki ang mga yaman ng ating panitikan.

!

Photos from Tanglaw - Filipino Klab Gtmnhs's post 17/11/2024
17/11/2024

📚 AKLATrivia: Alamin at tuklasin ang mga makulay na kwento sa likod ng Panitikang Pilipino! Samahan kami linggo-linggo sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at kasaysayan na bumubuo sa ating pambansang literatura.




#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗠𝗮𝘀𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼
#𝗧𝗮𝘁𝗮𝗸𝗚𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗔𝘁𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼

17/11/2024

📖Pagbubukas ng Buwan ng Pagbasa! 📘

Ngayong Nobyembre, ating pinahahalagahan ang kapangyarihan ng pagbasa!

Sa pamamagitan ng mga classroom-based kick-off activities, ipapaabot natin sa bawat estudyante ang kahalagahan ng literasiya at pagkatuto.

Sama-sama tayong magbigay saysay at inspirasyon sa bawat pahina ng ating mga aklat! 📚

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Imus