DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City

DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City

Share

A Public School that molds the next generation to be equipped and able to change the world.

30/04/2026

We wish you a happy birthday, Sir Rems ๐Ÿฅณ

God bless you!

Greetings from your BL2ES family!๐Ÿ’“

21/04/2026

Thank you Mr. Manuel Reynold W. Dela Fuente, City Treasurer I of Office of The City Treasurer for your donation of an air conditioning unit for our School Office. Thank you for helping create a more comfortable space for everyone! God bless, Sir! ๐Ÿซก

2026 NSPC School Paper Exbihit 14/04/2026

Imusenyo we need your Support!

Hit Like, Heart or Wow to the photo of Region 4A School Paper Exhibit Booth.

Isa sa mga School Paper na nasa Exhibit Booth ng CALABARZON ay ang โ€œEastern Meridianโ€ ang official na pahayagang pamparaalan ng Gov. DM. Camerino Integrated School.

Laban CALABARZON, Laban Imus City!

๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡

SCHOOL PAPER EXHIBIT: Region 4A (CALABARZON)

Iboto ang inyong paboritong School Paper Exhibit booth sa pamamagitan ng LIKE, HEART, o WOW โ€” ang litratong may pinakamaraming reaction pagsapit ng April 16, 3PM ang mananalo.

Cast your votes now! ๐Ÿ‘๐Ÿผโค๏ธ๐Ÿ˜ฎ


02/04/2026

Buong galak at taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng Paaralang Elementarya ng Bayan Luma II sa ating bagong talagang Officer-in-Charge, Office of the Schools Division Superintendent, Sir Lito A. Palomar.

Maligayang pagdating po sa SDO Imus City, Sir! Buong suporta, tiwala, at pakikiisa ang aming ipinahahayag sa inyong pamumuno para sa patuloy na tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod sa buong dibisyon.

01/04/2026

๐€ ๐ง๐ž๐ฐ ๐œ๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ฅ๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐›๐ž๐ ๐ข๐ง๐ฌ!

The Schools Division Office of Imus City extends its warmest welcome to our newly designated Officer-in-Charge, Office of the Schools Division Superintendent, Sir ๐‹๐ข๐ญ๐จ ๐€. ๐๐š๐ฅ๐จ๐ฆ๐š๐ซ

As we begin this new chapter of leadership, the entire SDO Imus City community expresses its full commitment and support to his guidance. Together, we shall continue to uphold the highest standards of integrity, transparency, and excellence in the service of our learners, teaching, and non-teaching personnel.

Welcome to SDO Imus City, Sir! We look forward to a fruitful and inspiring journey ahead under your leadership.



Photos from DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City's post 31/03/2026

Panibagong yugto ng pagtatapos at pagsisimula โœจ EOSY Rites 2025-2026

Sa masigla at makahulugang pagwawakas ng isa pang taong panuruan, buong pagmamalaki at kagalakan na ipinagdiwang ng paaralan ang mahahalagang tagumpay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng Moving Up Ceremony ng Kinder, Recognition Day para sa mga parangal at akademikong tagumpay, at ang pinakahihintay na Graduation Ceremony para sa batch 2025-2026. Ang mga pagdiriwang na ito ay isinagawa sa ilalim ng temang โ€œPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ€ na nagbibigay-diin sa holistikong paghubog ng mga mag-aaral bilang mga lider ng kinabukasan.

Masiglang ipinagdiwang ang Paglilipat Antas para sa mga mag-aaral ng Kinder na naging mas makabuluhan sa pagdalo ni Gng. Jona Ramos, Budget Officer V ng SDOIC noong ika-26 ng Marso 2026.Sa seremonyang ito, ipinagdiwang ang mga unang hakbang ng mga bata: ang pagkatuto ng pangunahing kasanayan, disiplina, at pagtitiwala sa sariliโ€”na magsisilbing matibay na pundasyon sa kanilang patuloy na pag-unlad bilang responsableng kabataang Pilipino.

Kasunod nito ang Recognition Day na ginanap noong ika-27 ng Marso,2026, isang araw ng pagkilala at pagpupugay sa mga mag-aaral na nagpakita ng husay sa akademiko, talento, at magandang asal. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ni Gng. Liezl Sichon, SPTA President, na sumasalamin sa matibay na ugnayan ng paaralan at mga magulang sa pagsuporta sa edukasyon ng mga bata. Ang pagkilalang ipinagkaloob ay patunay na ang sipag, tiyaga, at pagpapahalaga sa mabuting asal ay ginagantimpalaan at pinahahalagahan sa loob ng komunidad ng paaralan.

Pinakatampok sa lahat ng pagdiriwang ang Graduation Ceremony, isang makasaysayang okasyon na idinaos kahapon, ika-30 ng Marso. Ang seremonyang ito ay higit pang naging espesyal sa pagdalo ng mga iginagalang na panauhin: Schools Division Superintendent (SDS) Homer N. Mendoza, Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Glenda D.S. Catadman, at CID OIC-Chief Mr. Marciano Valles. Ang kanilang presensya ay nagbigay-halaga at inspirasyon sa mga nagsipagtapos na handa nang humarap sa susunod na yugto ng kanilang buhay.

Nagbahagi ng makahulugang mensahe si Bb. Micaella B. Paredes, panauhing pandangal, na humikayat sa mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pagabot sa kanilang mga pangarap, panatilihin ang integridad, at gamitin ang kanilang kakayahan sa paglilingkod sa kapwa at sa bayan. Ang kanyang mensahe ay nagsilbing gabay at paalala sa diwa ng tema. Binigyang diin din nya ang pagpapahalaga sa mga magulang na nagtaguyod sa mga batang magsisipagtapos, at sa mga g**o at paaralan na siyang nagsilbing tagahubog nila sa loob ng anim ba taon.

Sa kabuuan, ang mga seremonyang ito ay hindi lamang simpleng pagtatapos ng taon, kundi pagpupugay sa sama-samang pagsisikap ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at ng buong pamayanan ng paaralan sa pangunguna ng Nanunungkulang Punongg**o, G. Genesis T. Pasulan. Ito ay pagdiriwang ng pag-asa at pangako ng isang henerasyong handang mamuno, may kakayahan, may malasakit, at may pusong tunay na Pilipino.

Maligayang pagtatapos ng taong panuruan at mabuhay ang ating mga nagsipagtapos! โœจ

31/03/2026

We would like to inform all parents and guardians of the schedule for the release of report cards. Please see photo below for the details.

To ensure a smooth and orderly process, we kindly ask parents and guardians to follow the schedule assigned to their childโ€™s grade level.

Thank you for your cooperation and continued support.

26/03/2026

We wish you a happy birthday, Ma'am Marian ๐Ÿฅณ

God bless you!

Greetings from your BL2ES family!๐Ÿ’“

Photos from DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City's post 24/03/2026

๐™†๐™๐™ˆ๐™๐™Ž๐™๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐Ÿ‘‹

Sa layuning mas mapagtibay ang pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa Lungsod ng Imus, isinagawa kahapon, Marso 23, 2026, ang programang โ€œKumustahanโ€ sa pangunguna ng masigasig na Education Program Supervisor sa TLE na si G. ๐™…๐™ค๐™จ๐™š๐™ฅ๐™ ๐˜พ๐™–๐™ง๐™ง๐™š๐™ค๐™ฃ, katuwang ang Punongg**o ng paaralan na si G. ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™จ๐™ž๐™จ ๐™. ๐™‹๐™–๐™จ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ

Ang naturang aktibidad ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa bukas na talakayan at pag-unawa sa mga karanasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Tinalakay ni G. Carreon ang mahahalagang katangiang dapat linangin ng kabataan upang makaiwas sa mga di kanais-nais na sitwasyon tulad ng bullying at iba pang anyo ng karahasan sa paaralan.

Ipinakilala niya rin sa mga mag-aaral at kaguruan ang ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™Ž๐˜ผ๐™๐™€ (๐™Ž๐™ฉ๐™ช๐™™๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™๐™š๐™š๐™™๐™—๐™–๐™˜๐™  ๐™€๐™ฃ๐™ซ๐™ž๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ)- isang web-based at mobile application na idinisenyo upang mapadali ang pag-uulat ng mga paglabag sa karapatan ng mga mag-aaral at agarang makapagpatupad ng kinakailangang interbensyon. Gamit ang QR code system, mabilis na nakapagsusumite ang mga estudyante ng impormasyon at feedback na makatutulong sa mas ligtas at mas maayos na kapaligiran sa paaralan.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling tiniyak ng SDO Imus ang patuloy nitong pagnanais na maitaguyod ang isang paaralan kung saan nararamdaman ng bawat mag-aaral ang suporta, proteksiyon, at malasakit ng komunidad ng edukasyon.



Photos from DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City's post 24/03/2026

๐ŸŽ‰ Maligayang pagbati sa ating mga
VALUES HEROES mula Kindergarten hanggang Grade 6 ๐ŸŽ‰

Mga huwarang batang nagpamalas ng kagandahang asal at positibong pag-uugali sa kanilang klase para sa Ika-apat na kwarter.

Salamat sa pagiging modelo ng kabutihan at pagiging inspirasyon sa inyong mga kamag-aral.

Patuloy nating ipagdiwang ang kabutihang asal at ang pagiging mabuting mamamayan!



Photos from DepEd Tayo Bayan Luma II ES - Imus City's post 19/03/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š kay Jamila Ashley Del Rosario sa pagkamit ng ikatlong puwesto sa Badminton Doubles (Girls' Category) sa nakaraang Regional Athletic Association Meet (RAAM 2026) na idinaos noong Marso 4-14 sa Batangas City! Ikinararangal ka namin!!

Isang malaking pagpupugay din sa ating mga manlalarong na patuloy na nagpapamalas ng husay, tapang, at dedikasyon sa mundo ng palakasan.

Daniela, Hoventh, Juliane, at Margaux, maraming salamat sa inyong walang sawang pagsusumikap at pagpupursige. Kayo ay tunay na inspirasyon sa ating paaralan!


Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Bayan Luma VIII
Imus
4103