21/04/2026
Happy birthday Ma'am Flor and Ma'am Marilyn! ๐ฅณ๐๐
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Toclong ES - Imus City, Elementary School, Toclong 1-C, Imus.
21/04/2026
Happy birthday Ma'am Flor and Ma'am Marilyn! ๐ฅณ๐๐
06/04/2026
Isang taos-pusong pagbati sa ating 80 mag-aaral ng Grade 6 na matagumpay na nagsipagtapos noong Marso 30, 2026!
Sa temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkataoโ, ipinamalas ng ating mga nagsipagtapos ang kanilang kahandaan na harapin ang susunod na yugto ng kanilang paglalakbay bilang mga responsableng mamamayan at lider ng kinabukasan.
Isang karangalan ang pagkakaroon ng ating panauhing tagapagsalita na si Engr. Ronald B. Ramos na nagbigay inspirasyon at gabay sa ating mga mag-aaral upang patuloy nilang tahakin ang landas ng tagumpay.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Del Pilar Academy sa pagpapahiram ng kanilang mga kadete na nagbigay dangal at karangyaan sa programa.
Maraming salamat din kina Brgy. Kap. Joey Santos at sa iba pang mga panauhin na nakibahagi at sumuporta sa mahalagang okasyong ito.
Sa ating mga nagsipagtapos, ipagpatuloy ninyo ang pangarap, magsikap, at maging ilaw ng inyong komunidad. Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong paaralan!
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
06/04/2026
Isang araw ng pagkilala at parangal ang matagumpay na ginanap noong Marso 30, 2026 sa Toclong Elementary School para sa Recognition Day ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 5!
May temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkataoโ, pinarangalan ang ating mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan sa akademikong larangan at magandang asalโmga katangiang huhubog sa kanila bilang responsableng lider ng hinaharap.
Nagbigay inspirasyon sa okasyon ang ating panauhing pandangal na si ๐๐๐ฏ. ๐
๐ซ. ๐๐ซ๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐
๐., na nagbahagi ng makabuluhang mensahe para sa mga batang pinarangalan. Dumalo rin sa pagdiriwang ang kinatawan ng Brgy. Toclong 1-A na si Gng. Susana Cuenca bilang suporta sa patuloy na tagumpay ng paaralan.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga mag-aaral! Ipagpatuloy ninyo ang pagsusumikap at pagiging mabuting halimbawa sa kapwa. Kayo ang pag-asa ng bayan!
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
06/04/2026
Isang makabuluhang araw ng tagumpay at pagdiriwang ang naganap noong Marso 30, 2026 sa Toclong Elementary School sa ginanap na Moving Up Ceremony ng ating mga mag-aaral sa Kindergarten! ๐
May temang: โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkataoโ, ipinakita ng ating mga batang mag-aaral ang kanilang kahandaan sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral, dala ang mga aral at pagpapahalagang kanilang natutunan.
Sa pangunguna ni Ms. Jenielyn A. Sadang, OIC-School Head, ay pormal na pinagtibay ang kanilang paglilipat antas bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at pagkatuto sa unang yugto ng kanilang edukasyon. Ang pagpapatunay ay pinagtibay ng ating panauhing pandangal na si Ms. Ruby B. Heramia, EPS - GMRC/ESP/Values Education, na nagbigay inspirasyon sa ating mga batang nagsipagtapos.
Nakibahagi rin sa nasabing okasyon sina G. Alexander Barcilla at Gng. Luisa De Gabi, mga kinatawan ng Brgy. Toclong I-B, sa pangunguna ni Brgy. Kap. Neri Badion na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating paaralan.
Taos-pusong pagbati sa ating mga batang nagsipagtapos! Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa inyong patuloy na pag-abot ng inyong mga pangarap at pagiging mabuting mamamayan ng bansa.
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
05/04/2026
Isang makabuluhan at pinagpalang araw ang ating naranasan noong Marso 27, 2026 sa ginanap na Baccalaureate Mass para sa mga mag-aaral ng Grade 6 ng Toclong Elementary School.
Ang banal na misa ay pinangunahan ni ๐๐๐ฏ. ๐
๐ซ. ๐๐ซ๐ข๐ ๐. ๐๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐๐
๐ at idinaos sa St. Perigrine Chapel, kung saan sama-sama nating ipinagpasalamat ang mga biyaya at tagumpay na kanilang natamo sa kanilang paglalakbay sa elementarya.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kina ๐๐ข๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ง๐๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ, ๐๐ฌ. ๐๐๐ซ๐จ๐ง๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ข๐ซ๐, sa ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐๐ซ๐๐ฅ at sa iba pang mga ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐๐๐ก๐๐ง sa kanilang malaking ambag upang maging maayos, at makabuluhan ang pagdaloy ng misa.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang araw na ito sa ating mga mag-aaral sa kanilang susunod na hakbang. Ipagpatuloy ninyo ang sipag, tiyaga, at pananampalataya.
Congratulations, Batch 2026! ๐โจ
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
05/04/2026
Maligayang kaarawan po Ma'am Jen! ๐ฅณ๐๐
Sa araw na ito, nais po naming ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang paggabay, dedikasyon, at pagmamalasakit sa bawat mag-aaral at g**o ng Paaralang Elementarya ng Toclong. Kayo po ay tunay na inspirasyon sa amin sa patuloy ninyong pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon at mabuting halimbawa.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang magampanan pa ninyo ang inyong mahalagang tungkulin. Hangad namin ang inyong kaligayahan hindi lamang sa araw na ito kundi sa bawat araw ng inyong buhay.
Muli, maligayang kaarawan po at maraming salamat sa inyong walang kapantay na serbisyo! ๐
02/04/2026
Malugod po naming tinatanggap ang ating bagong School Head, Maโam Cristina I. Ante! ๐
Ang buong komunidad ng TES ay taos-pusong nagagalak sa inyong pagdating. Nawaโy maging inspirasyon kayo sa patuloy na paghubog ng kaalaman, kakayahan, at magandang asal ng aming mga mag-aaral.
Kami po ay handang makiisa at sumuporta sa inyong mga adhikain para sa mas maayos at masiglang edukasyon para sa bawat batang Toclong.
Muli, maligayang pagdating po, Maโam Ante! ๐๐
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
22/03/2026
Happy birthday Ma'am Karen! ๐ฅณ๐๐
11/03/2026
Happy birthday Sir Richard and Ma'am Kate! ๐ฅณ๐๐
09/03/2026
Nakikiisa ang Toclong Elementary School sa paglulunsad ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐ข๐ ๐ง, isang makabagong inisyatibo sa pangunguna ni OIC-SDS Homer N. Mendoza, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Nanatiling pangunahing prayoridad ng paaralan ang safety at well-being ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng programang ito, binibigyan ang ating mga mag-aaral ng isang ligtas at agarang espasyo upang makapagsalita at makapag-ulat kung sila ay nakararanas ng bullying o anumang uri ng pang-aabuso, ito man ay pisikal, berbal, o emosyonal.
๐ฒ HOW TO REPORT
Maaaring i-scan ng mga mag-aaral ang QR code na makikita sa poster upang ma-access ang ating timely reporting system. Sa paraang ito, mas madali at mas ligtas para sa kanila ang paghingi ng tulong. Tinitiyak ng programang ito na ang kanilang pagkakakilanlan at kuwento ay mananatiling ligtas at kumpidensyal.
Bilang bahagi ng kampanyang ito, ngayong araw, ipinaliwanag ni Mrs. Pilar A. Abag, Guidance Teacher, ang mahahalagang kaalaman tungkol sa bullying, kabilang ang mga halimbawa nito at ang mga hakbang kung paano humingi ng tulong sa mga g**o at nakatatanda kapag sila ay nakararanas o nakasaksi ng ganitong sitwasyon.
Sa sama-samang pagkilos ng buong komunidad ng paaralan, patuloy nating pinapalakas ang isang ligtas, mapagkalinga, at responsableng kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral.
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐
09/03/2026
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐. ๐๐๐ฒ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ ๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
๐ฃ๏ธ๐ฃ๏ธ๐ฃ๏ธ
In our pursuit of excellence, the safety and well-being of our learners remain our ultimate priority. We are proud to launch this pioneer Child Protection Campaign, a visionary initiative by OIC-SDS Homer N. Mendoza, designed to provide a safe and immediate space for our students to speak up.
Whether itโs bullying or any form of abuse, physical, verbal, or emotional help is just one scan away.
๐ฒ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Simply scan the QR code in the poster to access our timely reporting system. Your identity and your story are safe with us.
Letโs build a community where every child feels protected, heard, and valued. Together, we can end the silence.
04/03/2026
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating Team Sepak Takraw na dumalo sa ginanap na Send-Off Ceremony kahapon para sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) sa Batangas City!
Buong dangal na kakatawan sa ating paaralan ang mga sumusunod na mag-aaral:
๐ Shem Japhet Erejer
๐ Fritz John Garcia
๐ Jhazz Rheine Jocson
๐ Sean James Sanchez
Kasama ang kanilang masipag at dedikadong coach na si Sir Richard Semaรฑa, tunay na ipinagmamalaki ng Toclong Elementary School ang inyong sipag, tiyaga, at determinasyon.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang seremonyang ito sa mas lalo ninyong paghahanda at pagbibigay ng pinakamahusay ninyong laro sa RAAM. Dalhin ninyo ang tapang, disiplina, at puso ng isang tunay na kampeon!
Good luck, Team TES Sepak Takraw!
Buong paaralan at komunidad ay sumusuporta at naniniwala sa inyong kakayahan. Ipakita ang galing at iuwi ang karangalan!
#๐ฉ๐๐๐๐๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ด๐๐๐๐๐๐๐ #๐บ๐๐ป๐๐๐๐๐๐๐บ๐๐๐๐๐๐๐ #๐น๐จ๐จ๐ด2026
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |