DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City

DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City

Share

Disiplinado atakademikong komunidad, tungo sa pag-unlad.

02/04/2026

Aming ipinakikilala ang ating bagong Punongg**o, Ma’am Evangeline C. Bedrero!

Sa kanyang pagdating, inaasahan ang masiglang pamumuno na magpapatibay sa ugnayan ng g**o, mag-aaral, at komunidad, at magdadala ng mga bagong adhikain tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.

Buong puso naming ipinagkakaloob ang suporta at pakikiisa sa kanyang pamumuno, bilang tanda ng ating iisang layunin para sa kalidad ng edukasyon.

Welcome po, Ma'am!

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 02/04/2026

Hindi matutumbasan ng salita ang pasasalamat na nais naming iparating sa iyo, Ma'am Polie. Sa iyong pamumuno, natutunan namin ang tunay na diwa ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa paaralan. Naging magaan ang bawat proyekto, gampanin, at maging mga hamon na aming hinarap sa tulong ng iyong mga payo, tapang at malasakit.

Maikli’t mabilis man ang panahong nakasama ka namin, punong-puno naman ito ng masasayang alaala at mga aral. Habang ikaw ay lilisan, dala-dala namin ang iyong inspirasyon. Paalam, ngunit ang iyong presensya ay mananatili sa amin, sa bawat mag-aaral, sa mga magulang, at sa paaralan.

Dalangin namin na patuloy kang gabayan ng Maykapal sa iyong susunod na gampanin. Nawa’y pagpalain ang bawat hakbang mo, patatagin ang iyong puso sa bawat pagsubok, at patuloy kang maging ilaw at inspirasyon sa marami pang buhay na iyong maaabot.

Hanggang sa muli, Ma'am Polie.

Nagmamahal,
Your TLES Family🥰

02/04/2026

Ang Tanzang Luma Elementary School ay buong pusong sumasalubong at nagbibigay-pugay sa bagong Schools Division Superintendent ng Imus, Sir Lito A. Palomar.

Nawa’y maging makabuluhan at matagumpay ang kanyang pamumuno sa pagpapatuloy ng mga programa at adhikain para sa kalidad ng edukasyon sa ating lungsod.

Malugod naming ipinagkakatiwala ang aming suporta at pakikiisa sa lahat ng kanyang gagampanang tungkulin para sa kapakanan ng mga g**o at mag-aaral ng Imus.

Welcome po, Sir Lito A. Palomar!

02/04/2026

Ipinapaabot ng ating paaralan ang taos-pusong pasasalamat at pagkilala kay Sir Homer Mendoza, Nanunungkulang Schools Division Superintendent ng Imus, sa kanyang masigasig na pamumuno at walang sawang paglilingkod para sa kapakanan ng mga g**o, mag-aaral, at buong sektor ng edukasyon.

Nawa’y magpatuloy ang tagumpay sa susunod na kanyang gampanin, at maging daan ito upang higit pang mapalawak ang serbisyo at inspirasyon para sa kabataan at komunidad.

Maraming salamat, Sir Homer, sa iyong dedikasyon at pamana ng malasakit. Hanggang sa muli po!

02/04/2026

🎂✨ Happy Birthday to Our April Celebrants! ✨🎂

The entire Tanzang Luma Elementary School community joyfully celebrates our teaching and non-teaching staff who mark their birthdays this month of April.

May your days be filled with good health, happiness, and success, and may your dedication and passion continue to inspire our learners and colleagues alike.

Wishing you all a wonderful birthday and more blessings ahead!

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 02/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang recollection ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Layunin nitong hubugin ang kanilang pananampalataya, palalimin ang pagninilay, at ihanda sila sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Taos-pusong pagpapasalamat sa Messiah Mission Ministry na nagbahagi ng aral at inspirasyon, sa aming Punongg**o, Florie-Ann Villanueva, at sa mga g**ong tagapayo ng Grade 6 na buong pusong gumabay, umalalay, at nagtaguyod ng matagumpay na gawain.

Ang ganitong kaganapan ay nagbibigay-diin na ang pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng isang antas, kundi pagsisimula ng mas malalim na paglalakbay sa buhay at pananampalataya.

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 02/04/2026

Sumailalim ang paaralan sa monitoring ng ARAL, ASAL upang matiyak ang patuloy na pag-unlad ng mga mag-aaral sa kaalaman, kasanayan, at asal.

Ang gawaing ito ay pinangungunahan nina Ma’am Marilou Bronzi, Ma’am Ruby Heramia, at Sir Joseph Carreon ang monitoring ng ARAL, ALAM, at ASAL sa pamumuno ni SDS Homer Mendoza at ASDS Glenda Catadman.

Taos-pusong pagkilala at pasasalamat sa aming Punongg**o, Florie-Ann Villanueva, kay OIC Christian Caagbay, sa mga coordinator, Ma’am Anabelle Hinayas at Sir Jerick Parreño, at sa lahat ng g**o ng paaralan na buong pusong sumuporta, nakibahagi, at nagtaguyod ng matagumpay na monitoring.a

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 02/04/2026

Isinagawa nina Ma’am Marilou P. Bronzi, Ma’am Leah Guillang, at Sir Anthony Bungay ang masusing checking ng school forms sa pamumuno ni SDS Homer Mendoza at ASDS Glenda Catadman.

Layon ng gawaing ito na mapanatiling wasto, kumpleto, at maayos ang dokumento ng bawat mag-aaral, bilang mahalagang batayan ng kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot sa aming Punongg**o, Florie-Ann S. Villanueva, sa School Checking Committee, at sa lahat ng g**o na naging katuwang sa pagtitiyak ng kalidad at integridad ng mga dokumento.

Ang sama-samang pagsisikap na ito ay patunay ng ating dedikasyon sa pagbibigay ng tapat at makabuluhang serbisyo para sa kabataan.

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 01/04/2026

Sa tulong nina Sir Ronnie Yohan at Ma’am Reena Jay Marty, Sir Josephus Perseus Banaag ng SDO Imus sa pamumuno ni SDS Homer Mendoza at ASDS Glenda Catadman, katuwang ang COA at CENRO, matagumpay na naisagawa ng ating paaralan ang tamang paraan ng pag-dispose ng mga sirang armchair.

Sa pakikipag-ugnayan ng punong-g**o, Ma'am Florie-Ann Villanueva, at Administrative Officer, Sir Joram Bawag, tiniyak na ang bawat hakbang ay alinsunod sa pamantayan ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran. Isang patunay ito ng pagkakaisa sa pagtataguyod ng ligtas, maayos, at makakalikasan na kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Isang patunay ito ng pagkakaisa sa pagtataguyod ng ligtas, maayos, at makakalikasan na kapaligiran para sa mga mag-aaral.

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 01/04/2026

Matagumpay na naisagawa ng SDOIC na pangangasiwa ni Sir Ivan Honorpette Mijares ang Kumustahan sa Tanzang Luma ES. Katuwang ang punong-g**o, Ma'am Florie-Ann Villanueva, at mga g**o, naging makabuluhan ang talakayan hinggil sa iba’t ibang uri ng abuse na nakapaloob sa Child Protection Policy. Layunin ng aktibidad na palakasin at palawakin ang kamalayan ng mga mag-aaral at itaguyod ang pagtutulungan ng buong paaralan upang matiyak ang ligtas, makatao, at makabuluhang kapaligiran sa pag-aaral.

01/04/2026

Malugod naming sinalubong ang bagong Director ng DepEd Rehiyon IV-A!

Sa kanyang pamumuno, inaasahan ang mas matibay na ugnayan sa mga g**o, mag-aaral, at stakeholder. Hatid niya ang bagong sigla at direksyon para sa CALABARZON.

Sumusuporta ang paaralan sa kanyang mga adhikain para sa de-kalidad na edukasyon.

Photos from DepEd Tayo_ Tanzang Luma ES_Imus City's post 01/04/2026

Pilipinong Magsisipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Kabutihang Asal

Lubos naming ikinalulugod ang pagbabalik ng ating butihing Punong Lungsod, Mayor Alex “AA” L. Advincula sa ating paaralan upang maging panauhing pandangal sa nagdaang Araw ng Pagtatapos 2026.

Higit pa sa kanyang mensahe ng inspirasyon, ang kanyang pagbabalik bilang alumni ay nagsilbing paalala na ang mga pangarap na nagsimula sa loob ng ating paaralan ay maaaring magbunga ng tagumpay sa mas malaking larangan ng buhay. Ang kanyang kwento ay nagbibigay lakas ng loob sa mga bagong nagsipagtapos na patuloy na mangarap, magsikap, at maniwala na ang bawat hakbang ay may kakayahang magdala ng pagbabago. Ika nga ni Mayor, hindi madali, ngunit hindi imposible!

Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinahahatid sa pagbabahagi ng kwento at inspirasyon na tiyak na mananatili sa puso ng bawat isa.

Gayundin sa mga pinuno ng Kagawaran ng Edukasyon sa Imus, SDS Homer N. Mendoza, ASDS Glenda D.S. Catadman, sa aming Punongg**o, Florie-Ann S. Villanueva, mga panauhin, at sa lahat ng mga g**o at kawani ng paaralan sa pangangasiwa at pagsuporta sa Araw ng Pagtatapos.

Photo Credits: Joseph Photography

Want your school to be the top-listed School/college in Imus?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Tanzang Luma V
Imus
1403

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm