11/06/2026
๐๐ง ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐๐ง๐ญ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ!
Together, we celebrate diversity, inclusivity, and belonging โ affirming that every learner, teacher, and community member has a valued place in our Division.
09/06/2026
๐๐๐๐ก๐๐ฆ ๐๐ฐ๐ต๐ถ๐ฒ๐๐ฒ๐ ๐ต๐ต% ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ ๐ฅ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ ๐ผ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ ๐๐น๐ฎ๐๐๐ฒ๐
General Emilio Aguinaldo National High School warmly welcomed the Regional and Division monitoring Team today as part of the monitoring and validation activities for the Opening of Classes for School Year 2026โ2027.
The monitoring was led by Mr. Jeffrie F. Ditablan, Regional Education Program Supervisor from the Quality Assurance Division, together with Schools Division of Imus City DFTACT representatives Mr. June Bence L. Adelan, Education Program Supervisor, and Mr. Medel Carlos C. Zarsuelo Jr., Education Program Specialist II.
The team was graciously received by the GEANHS personnel headed by our school principal, Dr. Gina U. Reyes, along with the department heads and guidance counselor. During the activity, the GEANHS team presented various documents and Means of Verification (MOVs) demonstrating the schoolโs readiness for the opening of classes. The school representatives also addressed inquiries from the monitoring team to validate the presented evidence and ensure compliance with DepEd standards.
As part of the monitoring process, the team visited several school facilities, including classrooms and faculty rooms. Mr. Ditablan also engaged with teachers to gather insights regarding their experiences during the opening block of the school year.
Beyond validation, the monitoring team provided valuable technical assistance and recommendations aimed at further enhancing the implementation of DepEd programs and initiatives in the school. They emphasized that the purpose of the monitoring activity was not only to assess but also to extend support and guidance to schools.
At the culmination of the activity, Mr. Ditablan announced GEANHSโ readiness rating, awarding the school an impressive 99% score. This outstanding result reflects the dedication, commitment, and collective efforts of the entire GEANHS community in ensuring a smooth, organized, and learner-centered opening of classes for our Batang Emilians.
Congratulations to the GEANHS family for this remarkable achievement as we continue our commitment to delivering quality education and excellent service to our learners.
A culture of innovation for quality and excellence
08/06/2026
๐๐๐๐! ๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ!
Basahin ang mensahe ni OIC-Schools Division Superintendent ๐๐ข๐ญ๐จ ๐. ๐๐๐ฅ๐จ๐ฆ๐๐ซ sa muling pagbabalik eskwela ng School Year 2026-2027.
๐๐๐
Bagong sapatos, pad paper, ballpen, at uniporme o maari din namang lumang notebook na may bagong pabalat, matibay mong bag na bagong laba, o dating lapis na bagong tasa.
Sa lahat ng bago o lumang may bagong bihis, nawa ang tunay na may pagbabagong anyo sa mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, punongg**o, at buong komunidad ng paaralan sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027, ay bagong pag-uugali, bagong karakter, bagong motibasyon, at bagong pananaw kung bakit kailangan ng bawat isang Imusenyo ang magkaroon ng edukasyong hindi lamang tinatamasa sa bisa ng karapatan kundi dahil sa paniniwala sa Diyos, pagmamahal sa kapaligiran at bayan, at malasakit sa kapwa.
Ang muling pagbubukas ng pintuan ng ating paaralan ay hindi lamang para magkaroon ng bagong kaalaman, kundi upang bigyan ang ating sarili ng dignidad bilang tao, integridad bilang isang Pilipino, at paglago hindi para sa sarili kundi para sa pamilyang kasama nating nangangarap at sa kapwa nating hindi nabigyan ng kaparehong prebilehiyo at oportunidad.
Sa mga magulang, ang paaralan ay inyong kakampi at sandigan. Nawaโy makipagtulungan tayo upang mabigyan ng tamang tunguhin ang ating mga anak.
Para sa mga g**o, punongg**o, mga kawani ng paaralan at SDO Imus City, saludo sa inyong panibagong taon ng pagsasakripisyo, pagbabahagi at pakikibahagi at pagpupunyagi sa bawat tagumpay na ating makakamtan sa taong ito.
Sa aming stakeholders at lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kgg. Mayor Alex Advincula at ng kanyang konseho kaagapay ang kongresista ng ikatlong distrito ng Cavite, Kgg. Adrian Jay Advincula, kasama namin kayo sa pagbibigay ng pinakamabuting kalidad ng edukasyon at pamumuhay na posible para sa bawat batang Imuseno.
Sabay-sabay nating itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at masayang kapaligiran kung saan ang bawat bata ay may pagkakataong magtagumpay. Hindi man laging madali ang landas ng karunungan, sa tulong ng pagkakaisa, walang hamon na hindi natin kayang lampasan.
Isang matagumpay, makabuluhan, at ligtas na Taong Panuruan 2026-2027 sa ating lahat!
Tara, buksan ang pinto ng bagong panuruan na may bagong talino at malasakit.
๐ป ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐ฆ | ๐๐๐ง๐ง๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐
07/06/2026
MALIGAYANG PAGBUBUKAS NG PANURUANG TAON 2026โ2027, Emilyano!
Isang masigla at makabuluhang pagbati ang ipinaaabot ng GEANHS sa lahat ng ating mga mag-aaral sa pagsisimula ng bagong taong panuruan 2026โ2027!
Ngayong panibagong yugto ng inyong paglalakbay sa pagkatuto, dala natin ang panibagong pag-asa, bagong karanasan, at mas pinalakas na determinasyon upang maabot ang inyong mga pangarap.
Sa ating mga mag-aaralโmga baguhan man o pabalik na sa paaralanโmalugod kayong tinatanggap ng buong GEANHS community. Handa ang inyong mga g**o, kawani, at buong paaralan na gabayan kayo sa bawat hakbang ng inyong pagkatuto at paglago.
A culture of innovation for quality and excellence
07/06/2026
Congratulations, CPA Erykha Jermaine B. Domingo!
The GEANHS family proudly celebrates the outstanding achievement of our Batch 2017โ2018 alumna, Erykha Jermaine B. Domingo, for passing the May 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination and for graduating Magna Cum Laude.
Your dedication, excellence, and perseverance have brought honor and inspiration to the entire GEANHS community.
A culture of innovation for quality and excellence
06/06/2026
Congratulations!
The GEANHS family proudly congratulates our teachers on their approved reclassification through the Equitable Compensation Program (ECP) Batch 2B.
Juderey C. Patajo โ Teacher I to Teacher III
Allan E. Nuรฑez โ Teacher I to Teacher III
Patricia Maal A. Icasa โ Teacher II to Teacher III
Your dedication, hard work, and commitment to quality education continue to inspire the entire GEANHS community.
05/06/2026
Pasasalamat | Brigada Eskwela 2026
Lubos na nagpapasalamat sa GEANHS EPAG sa suporta at pakikiisa para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela ngayong taon.
Ang inyong malasakit at handog ay malaking tulong sa paghahanda ng mas ligtas, malinis, at mas maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG SUPORTA:
Ano? Tara! Tuloy tuloy lang sa pagbrigada dito sa GEANHS!
05/06/2026
Pasasalamat | Brigada Eskwela 2026
Lubos na nagpapasalamat ang GEANHS sa walang sawang suporta at pakikiisa ng ating mga partners sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela ngayong taon.
Ang inyong malasakit at handog ay malaking tulong sa paghahanda ng mas ligtas, malinis, at mas maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG SUPORTA:
โข Quick Industrial Supply โ โฑ3,000 na in-convert sa pintura para sa paaralan
โข Ruben S. Tined Jr., Brgy. Bayan Luma IX โ โฑ1,000 cash
โข Cavite Provincial Forensic Unit โ pintura at cleaning materials
โข Valdez Copy Center โ pintura at iba pang kagamitan
โข Vicente Isabel Clinic Imus โ medical supplies at kubo signage
โข NCST Imus โ cleaning materials
Sa inyong pagtulong, napatunayan na ang bayanihan ay buhay na buhay pa rin. Ang bawat donasyon ay ambag sa mas ligtas at mas inspiradong learning environment para sa kabataan ng GEANHS.
Ano? Tara! Tuloy tuloy lang sa pagbrigada dito sa GEANHS!
05/06/2026
MATAGUMPAY NA IDINAOS ANG GRADE 10 PARENTS' ORIENTATION CUM BRIGADAHAN 2026 SA GEANHS
Imus City, Cavite โ Hunyo 4, 2026 โ Muling pinatunayan ng General Emilio Aguinaldo National High School ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at tahanan sa matagumpay na pagsasagawa ng Grade 10 Parents' Orientation Cum Brigadahan 2026 noong Hunyo 4, 2026.
Dinaluhan ng mga magulang, g**o, at mga opisyal ng paaralan ang nasabing programa na naglalayong maipabatid ang mahahalagang impormasyon at mga alituntunin para sa nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ2027. Tinalakay sa oryentasyon ang mga programang pang-akademiko, mga patakaran ng paaralan, mga inaasahang gawain ng mga mag-aaral, at ang mahalagang papel ng mga magulang sa paghubog ng disiplina at tagumpay ng kanilang mga anak.
Kasabay ng oryentasyon, naging bahagi rin ang aktibidad ng patuloy na pagdiriwang ng Brigada Eskwela 2026, kung saan buong pusong nakiisa ang mga magulang sa paglilinis at paghahanda ng mga silid-aralan at iba pang pasilidad ng paaralan. Ang kanilang oras, lakas, at malasakit ay nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ng pamunuan ng GEANHS na ang matatag na ugnayan ng paaralan at mga magulang ay isang mahalagang sangkap upang makamit ang de-kalidad na edukasyon at masig**o ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.
Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamilya ng GEANHS sa lahat ng mga magulang at mga boluntaryong nakibahagi sa gawaing ito. Ang inyong walang sawang suporta at kooperasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang mapabuti ang mga serbisyo at programa ng paaralan.