07/05/2026
MAGKAISA PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN!
Handa na ba kayo, IMPASUGONG?
Ang 2026 Brigada Eskwela ay magsisimula na sa June 1-5, 2026 na may temang:
"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"
Ano ang aasahan?
✅ Paghahanda ng malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran sa paaralan
✅ Pagkukumpuni ng mga silid-aralan at pasilidad
✅ Pagsasaayos ng reading corners at literacy materials
✅ Clean-up drives at beautification
✅ Pagpapatatag ng school safety at disaster resilience
Paano ka makatutulong?
🔨 Mag-volunteer – kahit anong kakayahan, malaking tulog na!
📚 Mag-donate – reading materials, cleaning supplies, construction tools, o anumang nasa Brigada Eskwela Packages
🍱 Mag-share ng pagkain – para sa mga volunteers (sumusunod sa healthy food guidelines)
🤝 Makipag-partner – bilang indibidwal, grupo, pamilya, o organisasyon
Mahalagang paalala:
🚫 BAWAL ang pangongolekta ng kontribusyon mula sa mga mag-aaral at magulang
🚫 BAWAL ang mga partnership na may conflict of interest (tabako, alcoholic beverages, at breast milk substitutes)
Ang Brigada Eskwela ay boluntaryo — galing sa puso, hindi sapilitan.
Ano ang makukuha ng volunteers?
✅ Pagkakataon na makatulong sa sariling komunidad
✅ Mga g**o – makakatanggap ng Vacation Service Credits (8 oras = 1 araw)
✅ Non-teaching personnel – Compensatory Time Off (CTO)
✅ MGA ESTUDYANTE – halimbawa ng mabuting gawa at bayanihan!
Schedules to remember:
📅 National Kick-Off – May 29, 2026 (Cabadbaran City, CARAGA)
📅 Regional/Simultaneous Kick-Off – June 1, 2026
📅 Brigada Week – June 1-5, 2026
Saan mag-ko-koordina?
👉 Impasugong National High School – Office of the School Head
📞 DepEd Central Office: (02) 8637-6462
📧 [email protected]
"Bawat isa ay may ambag. Bawat ambag ay mahalaga."
Tara na, IMPASUGONG!
Maki-Brigada na! 💚🤍