29/12/2025
Dalawampuโt tatlong (23) taong gulang si Teodora Alonso at tatlumpuโt dalawa (32) naman si Francisco Mercado nang isilang ang kanilang panganay na anak na si Saturnina Mercado noong 1850. Sumunod na isinilang si Paciano Mercado noong 1851, at makalipas ang isang taon, noong 1852, ipinanganak ang ikatlong anak nila na si Narcisa Mercado.
Matapos ang halos tatlong taong pahinga upang alagaan ang kanilang unang tatlong anak, muling nanganak si Teodora noong 1855, isinilang ang kanilang ikaapat na anak na si Olympia Mercado. Sa panahong ito, 28 taong gulang si Teodora at 37 taong gulang na si Francisco. Makalipas ang humigit-kumulang isang taon at kalahati, isinilang ang kanilang ikalimang anak na si Lucia Mercado.
Pagkaraan ng dalawang taon, isinilang ang ika-anim nilang anak na si Maria Mercado. Sinundan ito ng kapanganakan ng kanilang ikapitong anak, si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, noong Hunyo 19, 1861, panahon kung saan 34 na taong gulang na si Teodora at 43 na taong gulang naman si Francisco.
Ilang buwan lamang matapos isilang si Jose, muling nagbuntis si Teodora at ipinanganak ang kanilang ikawalong anak na si Concepcion Mercado, na pumanaw sa murang edad na tatlong taon.
Matapos ang tatlong taon, isinilang ang ika-siyam na anak na si Josefa Mercado noong 1865. Noong 1868, ipinanganak ang ikasampung anak na si Trinidad Mercado. Ang bunso at huling anak ng mag-asawa ay si Soledad Mercado, na isinilang noong 1870, panahong 43 taong gulang na si Teodora at 52 na taong gulang si Francisco.
Noong 1887, namatay si Olympia Mercado sa panganganak, dahilan upang siyam na lamang ang buhay sa magkakapatid. Naging walo na lamang sila nang bitayin ng mga Kastila si Jose Rizal noong 1896.
Nabalo si Teodora Alonso noong 1898 nang pumanaw si Francisco Mercado sa edad na 80, kasabay ng taong idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Makalipas ang labintatlong taon, pumanaw na din si Teodora noong 1911 sa edad na 84. Sa panahong ito, walo na lamang ang natitirang magkakapatid na Rizal.
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, pumanaw sina:
โข Saturnina (1913)
โข Lucia (1919)
โข Soledad (1929)
โข Paciano (1930)
โข Narcisa (1939)
Sa panahon naman ng pananakop ng mga Hapones, pumanaw sina:
โข Maria (1945)
โข Josefa (1945)
Ang huling nabuhay sa magkakapatid ay si Trinidad Mercado, na pumanaw noong 1951 sa edad na 83.
Walang naipagpatuloy na linya ng pamilya mula kina Trinidad, at Josefa, sapagkat hindi sila nag-asawa. Bagamaโt nagkaroon ng anak si Jose Rizal kay Josephine Bracken, ito ay namatay agad dahil kulang sa buwan, kayaโt walang naiwang magmana ng 'Mercado'.
Ang angkan ng pamilya Rizal ay ipinagpatuloy sa pamamagitan ng:
โข Mga Hidalgo โ mula sa linya ni Saturnina
โข Mga Decena-Lopez - mula sa anak ni Paciano (Emiliana)
โข Mga Lopez โ mula sa linya ni Narcisa
โข Mga Ubaldo โ mula sa linya ni Olympia
โข Mga Herbosa โ mula sa linya ni Lucia
โข Mga Cruz โ mula sa linya ni Maria
โข Mga Quintero โ mula sa linya ni Soledad
Bakit nga ba sila naging Rizal?
Dahil ang dating pangalan ni Francisco Mercado ay Ricial Mercado, nang pinayagan muli itong gamitin ang 'Francisco' bilang First name alinsunod sa utos ng gobyerno, dito na s'ya nakilala mula noon.
Bumalik na lamang ang pangalang ito bilang pamalit sa 'Mercado' nang mag-aral si Jose Rizal. Itinago ang kanyang pagkakakilanlan noon sa dahilang ang kanyang pamilya ay mainit sa mata ng mga Kastila, ang kanyang kuya Paciano ay malapit sa tatlong paring martir ng ginarote dahil sa bintang na pag-aalsa.
Mula noon, naiduktong na ng bawat miyembro ng Mercado ang 'Rizal' sa kanilang mga buong pangalan sa mga papeles matapos ang 1898, bilang pagkilala sa nagawa ni Jose Rizal na may kapita-pitagang pangalan sa ating kasaysayan.