21/11/2025
Dumayo tayo sa makulay at mahiwagang mundo ng pabula sa pamamagitan ng pagbabasa!
Muli na namang ipinamalas ng mga batang Melchorian ang kanilang kahusayan, talino, at pagkamalikhain sa idinaos na timpalak na “Madulang Pagbasa” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025. Sa tanghalang puno ng imahinasyon at damdamin, buhay na buhay nilang inihatid ang mahahalagang aral na taglay ng mga pabulang minahal natin mula pagkabata.
Mula baitang pito hanggang baitang labing-dalawa, isang piling kalahok ang nagbigay-kulay, tinig, at emosyon sa mga tauhang hayop na nagmula sa iba’t ibang kwentong pabula. Tunay na hinangaan ang kanilang galing sa pagbibigay-buhay sa bawat karakter, mula sa nangangalit na leon, matalinong pagong, hanggang sa mga cute na biik na nag-iwan ng inspirasyon, aral, at saya sa lahat ng nakasaksi.
Isang patunay itong ang pagbabasa ay hindi lamang libangan, kundi isang paglalakbay sa mundo ng aral, imahinasyon, at pagkatuto.