31/08/2026
๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ฆ๐ ๐๐๐ช๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐, ๐ ๐๐ฌ ๐ง๐๐ก๐๐.
May mga sandaling ang katahimikan ay hinihingi ng entabladoโhanggang may isang tinig na buong tapang na pumunit dito.
Sa ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐ฌ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ, hindi lamang salita ang pinagtunggali. Sa bawat paksang hinarap at bawat paninindigang ipinahayag, nasukat ang bilis ng pag-iisip, linaw ng pangangatwiran, at tapang na magsalita sa harap ng madla.
Walang baon na talumpati. Walang pagkakataong bawiin ang salitang nabigkas. Sa ilang sandali ng paghahanda, kailangang buuin ang kaisipan; sa ilang minuto ng pagtatalumpati, kailangang bigyan ito ng tinig.
At sa pagitan ng kaba, katahimikan, at palakpakan, may mga tinig na higit na umalingawngaw:
๐ฅ ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐๐ - ๐น๐พ๐๐๐๐ ๐ต๐๐ฝ๐บ๐
| ๐ฒ๐ณ๐ค๐ฌ 11 ๐ค๐๐
๐พ๐
๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ฃ๐ - ๐ค๐๐๐
๐ ๐๐
๐๐๐ ๐ฉ๐บ๐ ๐ฌ๐บ๐ผ๐บ๐ป๐๐๐๐ | ๐ง๐ด๐ฌ๐ฒ๐ฒ 12 ๐ฃ๐พ๐๐ผ๐บ๐๐๐พ๐
๐ฅ ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐ฃ๐๐๐ - ๐ฌ๐พ๐๐๐
๐ณ๐๐พ๐๐พ๐๐พ ๐ฒ๐พ๐ฬ๐๐
๐บ๐ | ๐ฒ๐ณ๐ค๐ฌ 11 ๐ฌ๐พ๐๐ฝ๐พ๐
Ngunit higit sa mga ranggo at parangal, ang tunay na panalo ay ang lakas ng loob na humarap at magsalita.
Sapagkat ang kabataang marunong magpahayag ay kabataang marunong makialam. At ang tinig na hinubog ng kaalaman at paninindigan ay maaaring maging tinig na maghahatid ng pagbabago.
Sa mga kalahok na naghandog ng kanilang talino, tapang, at tinigโmaraming salamat.
Patuloy nating pagyamanin ang wikang nagsisilbing tahanan ng ating kaisipan at daluyan ng ating pagkakakilanlan.
Mabuhay ang Wikang Filipino.Mabuhay ang kabataang Pilipino.Mabuhay ang mga tinig na may paninindigan.
Ito ang Pamamayagpag 2026.