28/03/2026
๐๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐ข๐ง๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐:
๐๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐๐ง ๐, ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง
Inilulunsad ang Handumanan Vol IV, ang bagong limbag ng opisyal na pahayagang pampaaralan ng Balantang Elementary School na ganap na binuo ng mga mag-aaral. Tampok sa nasabing edisyon ang samuโt saring artikulo na sumasalamin sa mga karanasan, tagumpay, at hamon ng komunidad ng paaralan.
Ang aming tema na โMetamorphosisโ ay sumasalamin sa kagandahan ng pagbabagoโmula sa payak na simula tungo sa makulay at makabuluhang paglipad. ๐ฆ Tulad ng isang paru-paro, ang bawat pahina ng aming pahayagang pampaaralan ay bunga ng pagsisikap, paghubog, at patuloy na pag-unlad.
Sa bawat kwento, balita, at tinig ng mag-aaral, patuloy kaming lumilipad, nagbabago, at nagbibigay-liwanag sa aming paaralan. Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang ideyaโat itoโy isinusulat, ipinapahayag, at pinapalaganap sa pamamagitan ng aming school paper. โจ
Pinag-isa sa publikasyong ito ang mga balita, lathalain, editoryal at akdang pampanitikan na isinulat naming mga mag-aaral, na nagpapakita ng aming husay sa pananaliksik, pagsulat, at malikhaing pagpapahayag.
Lubos din ang aming pasasalamat sa bumubuo ng pahayagang itoโsa masisipag na manunulat, editor, tagapagdisenyo, at sa lahat ng nasa likod ng bawat pahina lalong-lalo na sa aming tagapayo Ma'am Gerlie R. Dominguez at Ma'am Eunice Q. Labrillaso.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina G. Noel JP, aming taga-edit; G. Stephen Hisuan; Hon. Earl John Rey Susal; Manong Josh Philip Aristoki; at G. Jerry P. Grozen, kasama ang aming mga g**o, sa kanilang walang sawang suporta, gabay, at paniniwala sa aming kakayahan.
Ang bawat pakpak ng tagumpay ay hindi lamang gawa ng iisa, kundi bunga ng sama-samang pagsisikap at paniniwala.
Ang Handumanan Vol IV ay patunay ng dedikasyon at pagkakaisa ng mga mag-aaral sa paglikha ng isang makabuluhang tala ng kanilang panahon. Inaanyayahan ang lahat na basahin at tuklasin ang mga kwentong bumubuo sa patuloy na kasaysayan ng paaralan. ๐
19/03/2026
19/03/2026
15/03/2026
14/03/2026
12/03/2026
21/02/2026
21/02/2026
09/02/2025