21/06/2026
๐ ๐ฝ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐: ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐โ๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช๐ ๐ช๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐ข-๐๐จ๐๐ข na ๐๐๐จ๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐! โ๏ธ๐
Saan ka man na dako ng biyahe ngayonโmapa-1st Year na sasampa pa lang, 2nd Year na nagsisimula nang maramdaman ang bigat ng kargamento, 3rd Year na nasa kalagitnaan ng matitinding major subjects, o 4th Year na natatanaw na ang dulo ng biyaheโisang malaking saludo sa inyo! ๐ซก๐ซก๐ซก
Ang biyahe ng BS Mechanical Engineering ay hindi isang madaling expressway; ito ay punong-puno ng matatarik na paakyat, biglaang liko, at mga lubak. Pero tandaan mo, na buo dapat ang loob mo para sa matitinding hamon!
๐ Para sa ating mga "Irregular" Students:
Huwag na huwag mong iisipin na naiwan ka dahil lang naiba ang iyong ruta o iskedyul. Walang "late" sa biyaheng ito. Ang mahalaga, umuusad ka. Ang tunay na engineer, hindi sinusukat sa bilis ng takbo, kundi sa tibay at lakas na bumangon at magpatuloy kahit anong aberya ang dumaan sa makina. Kaunting overhaul lang, abante ulit! Mahalaga na doon parin tayo papunta sa iisang destinasyon.
โ๐ Para sa ating mga Graduates ng Batch 2026:
โTapos na ang unang yugto ng biyahe sa unibersidad, pero narito na kayo sa pinaka-kritikal na terminal: ang Review at Board Exam. Ang hirap, puyat, at sakripisyo sa review center ay ang huling hirit para sa inyong mga pangarap. Huwag panghinaan ng loob. Kaunti na lang, lalapat na ang apat na titik na babago sa buhay ninyo: Engr. ๐ ๏ธ
Tara! I-gear up ang determinasyon, i-fuel ang pangarap sa sarili at para sa pamilya, at patuloy na magtiwala sa kakayahan ng sarili at sa gabay ng Maykapal. Isang araw, magkikita-kita tayo sa destinasyonโmay dalang diploma at higit sa lahat ang lisensya!
-
The official publication of the JPSME NISU Chapter