21/09/2026
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐บ๐ถ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ผ๐.
Ang Batas Militar na idineklara noong Ika-dalawampuโt isa ng Setyembre, 1972 ay hindi kailanman naging gintong panahon para sa mga Pilipinong dumanas ng paghihirap. Itoโy isa sa pinakamadilim at pinakanakakagimbal na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa ilalim ng diktadurya; nilapastangan ang ating demokrasya, inabuso ang kapangyarihan, at ginamit ang buong lakas ng estado upang maghasik ng takot sa taumbayan. Ang bansa ay ginipit at dinambong, habang ang kaban ng bayan ay winaldas upang busugin ang walang-pakundangang korapsyon.
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฉ๐ฐ๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐ก๐ข๐ง ๐จ ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ก๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง: libo-libong Pilipino ang naging biktima, ang ilegal na pinakulong, at brutal na pinatay. Binusalan ang malayang pamamahayag, at sapilitang pinaglaho ang mga lumalaban para sa katarungan. Sa bawat eskinitaโbawat mamamayang Pilipinoโbawat sulok ng bansa, nanaig ang lagim at walang-awang pagsalakay sa karapatang pantao.
Sa kabila nito, hindi natinag ang kalooban ng sambayanang Pilipino. Utang natin ang ating kalayaan sa dusa, dugo, at sakripisyo ng ating mga martirโ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐, ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐, ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐, ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ , ๐๐ญ ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง na buong tapang na humarap sa tangkeโt bala. Kayaโt bayaran natin ang ginawa nila sa pagsulong laban sa korapsyon.
๐๐๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ผ. Hindi natatapos ang ating laban hanggaโt mayroon pang kadiliman. Ipilit mang itagoโbaluktutin ang kasaysayan at linlangin ang mga kabataan, pananagutan ng bawat isa sa atin ang ipaglaban ang katotohanan. ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐จ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ ๐ง๐๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ, ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง. Tayong mga Pilipino ay hindi dapat pumayag na muling pagharian ng dilim ang ating inang-bayan.
Kahit sino pa ang nakaupo sa itaas, hindi nito kayang pilayan ang mga Pilipinong patuloy na tumitindig para sa bayan, sapagkat ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ก๐๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ง. At hanggaโt patuloy na nanaig ang pang-aabuso at kawalan ng katarungan, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป.
Caption by: EZ Kaila Amber Mallorca | CASulatan
Layout by: Krishane Mae Casiple | CASulatan