HALA BIRA Mindanao

HALA BIRA Mindanao

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from HALA BIRA Mindanao, Middle School, Iloilo City.

Photos from HALA BIRA Mindanao's post 09/11/2021

Musika ng Islamic People

Tagapagsaliksik:
Jasrhen Leh Colonia
ISLAMIC CULTURAL GROUP
1. Tribong Badjao - Sulu
2. Tribong Ilanun -Sulu
3. Tribong Jama Mapun - Sulu
4. Maguindanao Tribe - Cotabato, SK
5. Tribong Maranao - Lanao, Bukidnon
6. Samal Tribe - ulu
7. Tribong Tausug - Sulu
8. Tribong Yakan- Basilan
Mga Katangian ng Musika ng Islam
1. Melisma Singing
2. Song Phrases
3. Narrow Singing
4. Fluid Sing
5. Fluid Singing
6. Tremolo
7. Strained Voice
8. Nasal Enunciation
Vocal Music
(Life Cycle)
1. Langan Bata Bata – Lullabye of Tausug .
2. Tarasul – Tausug song of advice to wedded couple.
3. Dekir – death song of Mindanao
4. Dekil – Maguindanao dirge in vigil.
Relihiyosong Awit
1. Salathul Juma - pag-awit ng panalangin sa Biyernes
2. Taraweeh – pag-awit sa panahon ng Ramadan Folk Epic Rajah
3. Indarapatra – Maguindanao
4. Darangen – Maranao
NON- ISLAM CULTURAL GROUP
BAGOBO TRIBE- Davao Gulf and Davao Region
BILAAN- Davao Gulf
KALAGAN- Davao Gulf
MANDAYA- Davao Region
MANSAKA- Davao Region
MANOBO- Bukidnon, Agusan del Sur, Cotabato
MATIGSALUG TRIBE- Bukidnon
SUBANON- Zamboanga Peninsula
TINURAY- SOCCSARGEN Region
T’ BOLI- South Cotabato
Life Cycle
1. Sinda-ay – Wedding chant sung before inviting the groom’s party to enter bride’s house.
2. Balow – song for a dead husband of Magtigsalug.
3. Iring Iring – Manobo song sung on wakes
4. Ulag Ing – lament song of Manobo
OCCUPATIONAL SONG
1. Gago Napu - awit para sa pangangaso o pangingisda ng Subanon
2. Balatuking - Manobo harvest song Ritual Song
3. Diwata - para sa seremonya ng pagpapagaling ng Subanon.
4. Pamasag – para sa pagdiriwang ng tagumpay ng Manobo
5. Pangan Do- para sa pasasalamat ng Manobo

Ang impormasyon ay mula sa:
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fcharlhen1017%2Fmusic-of-mindanao-118466693%3Ffbclid%3DIwAR2-idR7HCJ4Q-vGe-PDcW3zOTjkCSOXIhVDT8AmGjSzsTdHlOT4FHUOT60&h=AT3a7sHefMHRd51Q1oGD37yz8urxrpp0R3MVmSGzGAzMi4KWH124s7kRSglHeW3HCQocqUFtfV9LURQzaJ7WeWSk7FcXyMmmntqMFWQOh5gaN2an1sa_I3e9zHpHm4AP-22aHA

NATALO RIN SI PILANDOK 21/10/2021

Pabula sa Mindanao

Tagapagsaliksik:
John Dapilo

Ang impormasyon ay mula sa:

NATALO RIN SI PILANDOK Pabula mula sa MindanaoKilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan ay madalas na panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilando...

21/10/2021

Ekonomiya/Paraan ng pamumuhay sa Mindanao

Tagapagsaliksik;
Nicole Mae Gonzaga

Ako ang lugar na puno ng buhay. Ang lugar na kumakatawan sa parehong sinauna at makabagong panahon. Ang pook na puno ng kulay, artipisyal man o natural. Iba’t ibang tao na nagkakaisa para sa ika-uunlad ng siyudad. Higit sa lahat, ako ang pook na magpapakita sa iyo kung ano ang tunay na kahulugan ng ganda at saya. Halina’t mamangha sa itinatagong kayamanan ng siyudad ng pag-asa at buhay.
Ako si Davao City, tanyag sa katagang King City of the South. Oo, sa akin nagmula ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na mula sa Mindanao. Ako’y itinatag noong 1903 hanggang 1914 ng mga Moro, kung kaya’t hindi nakakapagtakang binubuo ako ng 11 tribong namumuhay nang mapayapa at na nabibilang 1,600,000 populasyong nananahan sa akin. Ako’y itinuturing bilang isang highly urbanized na siyudad at isa rin sa mga sentro ng komersyo at kaunlaran sa Mindanao. Kaya’t di nakapagtatakang nagtataasan at nagtatayugan ang mga gusaling nakatayo sa iba’t ibang parte ng aking kalupaan at maraming sasakyang dumaraan sa aking mga kalye. Nabibilang ako sa probinsya ng Davao del Sur at nahahati sa tatlong distrito.
Simulan natin sa usapang pagkain, una na diyan ang mga pagkaing isdang tiyak na magdadala sayo sa kaibuturan ng dagat sa sarap. Kabilang na diyan ang tuna, pusit, at sari-sari pang isdang matatagpuan sa lahat ng sulok ko. Mayroon ding mga kainan, komersyal man o karinderiang sulit sa bulsa at swak sa iyong panlasa. Prutas ba ang hanap niyo, marami rin ako niyan. Kabilang na riyan ang saging, langka, durian at iba pa, kung kaya’t hindi maipagkakailang tinawag akong Fruit Basket of the Philippines.
Pangalawa sa listahan ang mga magagandang pasyalang magbibigay sa iyo ng kasiyahan at kaalaman tungkol sa akin. Unang-una ang Philippine Eagle Center na matatagpuan sa Calinan. Sa pasilidad na ito matatagpuan ang 32 na agila kabilang na ang Pithecophaga jefferyi o mas kilala ng lahat bilang Philippine eagle na klasipikado na bilang critically endangered o nanganganib nang maubos. Matatagpuan din sa parke ang ibang hayop kagaya ng mga unggoy at rabbit. Sunod naman ang Davao Crocodile Park na tahanan ng naglalakihang buwaya. Matatagpuan ang parke sa Talomo sa sentro pa rin ng Davao. Ilan pa sa mga pwedeng pasyalan ang People’s Park at mga tanyag na mal
SAMA NA SA SAMAL. Isang nakatagong paraiso na kilala bilang Island Garden of Samal ay tanyag sa mala-pulbos nitong buhangin at mala-kristal na dagat. Kuha ni Princess Gwen Elmidulan
Higit sa lahat, ‘wag niyong palampasing makapunta sa tanyag na Island Garden of Samal. Maputi at malapulbos na buhangin. Mala-kristal na dagat na animo’y mang-aakit sa iyo na maligo. Mga punong nagbibigay silong at mas nagpapaganda sa kabuuang kapaligiran ng isla. Ang Samal Island ang magbibigay sa iyo ng tunay na kahulugan ng paraiso. Sabayan pa ng mga atraksiyon kagaya ng kayak riding, island hopping at iba pa na tuluyang magpapa-in love sa iyo sa isla at tiyak na babalik-balikan mo.
Kung paalis ka na, marami akong pabaon sa iyo. Mga produkto ng durian, mga bag, damit, at ibang souvenirs na pwedeng pasalubong sa mga mahal sa buhay. Pwede ring mag-uwi ng mga prutas. Maiuuwi rin ninyo ang mga produkting gawa ng mga grupong etniko, kagaya ng jars, vases at mga hinabing produkto. Ngunit ang pinakamagandang pabaon ko sa inyo ang mga alaalang tiyak na magbibigay sa inyo ng mga magagandang impresyon sa akin.
Higit sa lahat, ang pinaka-iingatan kong yaman ay ang mga taong nanahan sa akin. Mapag-alaga, kalmado at nagpapahalaga sa mga batas at kultura, iyan ay iilan lamang sa mga katangian ng mga Dabawenyo. Kung kaya’t hindi kataka-takang napananatili ng mga tao ang aking sinaunang pamamaraan at kultura sa kabila ng modernong pamumuhay at ekonomiya. Kahit patuloy ang pagdami ng mga banyagang dumarating at nananahan na sa aking kalupaan, napapanatili pa rin ang dating kultura ng Davao.
Ako nga ang lugar na puno ng buhay, ang lugar na siyang magbibigay sa iyo ng mga magagandang alaalang tiyak na hindi maalis sa inyong mga puso. Kulturang umiiral sa makabagong pamumuhay, mga destinasyon mala-paraiso, mga pagkaing gumigising sa natutulog na diwa, at mga taong mapag-alaga at may respeto, mga katangiang kailanma’y ipagmamalaki ko sa inyo at sa mga susunod pang henerasyon. Kaya’t halina sa kaibuturan ng aking lungsod at lasapin ang bawat sandali. Ako ang Davao at maipagmamalaki kong ako ang King City of the South.

Ang impormasyon ay mula sa:
https://www.deped.gov.ph/2019/05/07/ako-ang-davao-paraiso-at-kultura-sa-gitna-ng-umaangat-na-ekonomiya/

21/10/2021

Relihiyon sa Mindanao

Tagapagsaliksik:
Nicole Mae Gonzaga

Tulad ng pagkakaiba-iba ng Pangkat ng Pulo ng Mindanao, pareho rin sa mga relihiyon na tinanggap ng populasyon nito. Ang isla ay nagrehistro ng isang kabuuang populasyon ng 24,135,775 bilang sa 2015 Census of Population.
Ang Roman Catholic at Islam ang dalawang relihiyon na pinakamalawak na kumalat sa buong Mindanao. Ang dalawang denominasyong ito na magkakasama ay sumasaklaw sa pagkakaugnay sa relihiyon ng higit sa kalahati ng populasyon ng mga isla.
Humigit kumulang 57 porsyento ng mga mamamayan nito ang nag-aangking kasapi sa Simbahang Romano Katoliko at halos 23.4 porsyento ang nagdeklara ng Islam bilang kanilang kagustuhan sa relihiyon.
Sa anim na rehiyon sa Mindanao, ang Roman Catholic ay ang nangingibabaw na paniniwala maliban sa ARMM. Ang Rehiyon ng Davao ay may pinakamataas na proporsyon ng mga Roman Katoliko (26.50%), sinundan ng Hilagang Mindanao (24.71%), Zamboanga Peninsula (17.10%), SOCCSKSARGEN (16.86%), at Caraga (13.39%).
Ang Islam ang laganap na relihiyon sa ARMM na may 91% ng mga residente ng mga rehiyon na nagsasagawa ng dogma nito. Kapansin-pansin na 139,032 katao lamang sa Caraga Region ang nakarehistro upang sumunod sa naturang kredo.
Ang iba pang mga kaakibat ng relihiyon (hal. Seventh Day Adventists, Bible Baptist Church, Tribal Religions, atbp) na magkakasama ay binubuo ng tinatayang 3.03 milyon, o 12.56 porsyento ng populasyon ng Mindanao.
Ang iba pang mga relihiyon sa listahan ay mga Evangelical na binubuo ng 5.19% ng populasyon ng Mindanao, at Iglesia ni Cristo na 1.70%.
Ang mga taong hindi nagtalaga ng isang kagustuhan sa relihiyon ay nagtatala ng 0.16 porsyento ng populasyon sa Mindanao na may pinakamataas na porsyento sa ARMM na 0.46 porsyento ng populasyon ng rehiyon.

Ang impormasyon ay mula sa;
http://rsso11.psa.gov.ph/article/religions-mindanao

19/10/2021

PANITIKAN NG MINDANAO

Tagapagsaliksik:
Nicole Mae Gonzaga

May iba't- ibang panitikan ang Mindanao. Ilan sa mga kilalang panitikan sa lalawigan ng Mindanao ay ang sumusunod:

1. BALÉLENG - (mula sa salitang leleng na nangangahulugang "sinta"). Ito ay isang awitin ng pag-ibig mula sa Samal, Sulu.

2. DAMAN - isang payo o talumpating patula ng mga Tausug. Ito ay kadalasang ginagamit sa panliligaw o ritwal sa kasal.

3. DARANGËN- isang salitâng Mëranaw at pangkalahatang tawag sa kanilang pag-awit. Ito din ay naging isang pamagat sa epikong-bayan ng Meranaw.

4. GINDAYA - isang tulang inaawit sa ginem/gin-em/ginum, ang pinakadakila sa mga seremonya ng mga Bagobo. Ang mga Bagobo ay isang pangkat-etniko sa timog Mindanao, at naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Davao hanggang sa Bundok Apo.

5. GÚMAN - tawag ng mga Suban-on ng bulubundukin ng Zamboanga sa kanilang epikong-bayan. Ito rin ang pamagat ng epikong-bayan na naitalâ ni Esterlinda Mendoza-Malagar noong 1971 at inawit ni Pilar Talpis. Hábang kinakanta ang Gúman ng Dumalinao, nakatakip ang mukha ni Talpis at nakasara ang mga bintana ng bahay

6. HUMAN-HUMAN - Tumutukoy sa mga kuwentong-bayan ng mga Mansaka ang human-human. Kadalasan, isinasalaysay ang mga human-human kapag may pagdiriwang at pagtitipon ng taumbayan, gaya ng kasal, lamay sa patay, at panahon ng anihan. Minsan, isinasalaysay rin ang mga human-human kung nagkakatipon-tipon ang mag-anak para magsalo-salo ng pagkain. Gumagamit ang mga Mansaka ng linda, isang uri ng estilo upang mas madaling matandaan ng mga nagbahahagi ng human-human.

7. KÁTA-KÁTA - isang uri ng mahabàng awit na pasalaysay ng mga Sáma Diláut. Itinuturing itong mahiwaga’t relihiyosong awit sa panggagamot ng maraming Sáma Dilaut. Gayunman, may mga Sáma na nakatahan sa lupa na itinuturing lámang itong karaniwang bahagi ng kanilang panitikang-bayan.

8. KÍSSA - maikling salaysay na inaawit ng mga Muslim kapag may espesyal na okasyon. Maaaring kuwento itong kinuha sa Koran, gaya ng pag-aalay ni Abraham sa kaniyang anak upang maitayô ang templo ng Panginoon. Maaari namang kuwento ito ng búhat at pag-ibig ng mga datu at bantog na tao. Ang matatandang kissa ay ginagamit ng mga Tausug upang bakasín ang kanilang ninuno at angkan.

9. SÍNDIL - sagutan sa pamamagitan ng awit. (Tausug)

10. LIYÁNGKIT - isang awit na solo, karaniwang ginagampanan ng pangunahing mang-aawit at malimit na isinusunod bilang pangwakas sa sindil. Sinasaliwan ang liyangkit ng tugtog sa gabbang (kawayang silopono), suling (katutubong plawta), at biyula (katutubong biyolin).

11. NAHANA - isang tradisyonal na awit ng mga Yakan. Karaniwan itong nagpapahayag ng kasaysayan ng isang angkan, kayâ itinuturing na mahalagang imbakan ng karanasan at pinagmulan ng mga Yakan. Habang nagpapahinga sa bahay, karaniwang inaawit ng mga Yakan ang nahana upang maaliw. May mga patimpalak naman na nagtatagisan ang mga Yakan sa pag-awit ng nahana.

12. PÁRANG SÁBIL - tawag sa mga patulang salaysay ng mga Tausug ng arkipelago ng Sulu. Ang parang sabil din ay katumbas ng epikong-bayan sa wikang Filipino. Mula ito sa dalawang salitang Tausug: ang perang na nangangahulugang digmaan o kayâ’y espada at sabil na nagmula sa sabil-ullah, ibig sabihin ay “sa pamamaraan ni Allah.” Kung kayâ masasabing ang kahulugan ng parang sabil ay “lumaban gamit ang espada ayon sa kagustuhan ni Allah” o kayâ “pakikidigma ayon sa kagustuhan ni Allah”.

13. SALIADA - isang uri ng awiting-bayan ng mga Mansaka, isa sa mga pangkating etniko ng mga Mandaya, na matatagpuan sa lambak ng Maragusan sa Mindanao. Binansagan itong “balada ng Mansaka” ng pokloristang si Antonio S. Magaña sapagkat ginagamit din umano ang estratehiya ng pag-uulit na makikita sa isang balada. Isa ito sa dalawang anyo ng awiting-bayan ng mga Mansaka, bukod sa bayok na awit naman ng pag-ibig at pakikibaka.

14. SÍNDIL - isang paawit na sagutan ng dalawa o tatlong mang-aawit sa saliw ng gabbang(kawayang silopono), suling (katutubong plawta), at biyula (katutubong biyolin).

15. TARASUL - isang uri ng tulang pabigkas ng mga Tausug at iba pang mga Muslim. Ito ay kabílang sa tradisyon ng panulaang pabigkas ngunit may mangilan-ngilan na isinusulat din ang mga ito. Ilan sa mga paksa na tinatalakay ng mga tarasul ay ang kalikasan, pagluluto o pag-ibig ngunit isa sa pinakamahalagang paksa na tinatalakay nitó ay ang iba’t ibang aspekto ng Islam.

16. TÉNES-TÉNES - isang uri ng awit na popular sa mga Sáma Diláut at inaawit ng mga musmos, ng mga kabataan, at ng mga tigulang. Nag-iiba ang himig at paksa ng awit alinsunod sa layunin at sa edad ng umaawit. Ang mga ténes-ténes na pasalaysay at tungkol sa mga totoong pangyayari sa Tawi-Tawi ay malimit na kinakanta ng mga mala-propesyonal na mang-aawit. Lumilibot silá sa mga pulô at naiimbita upang magdulot ng aliw sa mga kasalan at mga pagtitipon. May mga kuwentong umaabot sa isa hanggang dalawang oras ang pag-awit.

Ang impormasyon ay mula sa:

Panitikan ng Mindanao PANITIKAN NG MINDANAO May iba't- ibang panitikan ang Mindanao. Ilan sa mga kilalang panitikan sa lalawigan ng Mindanao ay ang sumusuno...

Photos from HALA BIRA Mindanao's post 19/10/2021

Turismo at Sikat na pasyalan sa Mindanao

Tagapagsaliksik:
Jasrhen Leh Colonia

LAKE SEBU
Kabilang sa mga top tourist destination. Isa sa tourist attraction ng Lake Sebu ay ang “Seven Falls Zipline” na makikita ang top view ng tatlo sa pitong talon ng siyudad. Ang Lake Sebu rin ang nagsusuplay ng irigasyon sa Cotabato, Mindanao, Philippines.
NAKED ISLAND
Ito ay isang isla kung saan wala kang makikitang mga puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang. Ito ang pinakamagandang lugar para lumangoy, ngunit inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang masisilungan. Kaya huwag kalimutang magdala ng sunblock. Matatagpuan ang Naked Island sa tinaguriang “Surfing Capital of the Philippines.” ang Siargao, Surigao Del Norte, Mindanao.
SIARGAO ISLAND
Isa sa pinakasikat na tourist spot sa Mindanao pagdating sa surfing. Ang mga surfers ay nagmula pa sa Hawaii at Australia, dumayo rito upang subukan ang swerte sa sikat na surf ng Siargao ang Cloud Nine. Ang Cloud Nine Wave ng Siargao ay isa sa pinakamatinding alon na iyong masasakyan.
CAMIGUIN ISLAND
Tinaguriang “Island Born of Fire” dahil dito matatagpuan ang pitong bulkan kabilang ang pinakasikat na Hibok Hibok Volcano. Kilala ang Camiguin sa napakatamis na Mambajao Lanzones at napakasarap na pastel. Marami ring matatagpuang mga white sand beaches, cold at hot slrings at ilang mga waterfalls. Ang pimakatanyag na tourist spot sa Camiguin ay ang Sunken Cemetery. Ang Sunken Cemetery ay isang sementeryong bahagi ng lupain na sinakop ng dagat matapos ang pagputok ng Bulkan Daan noong 1871. Sa kasalukuyan ginagawa nang isang dive at snorkeling site para sa mga turista at divers.
DAVAO CITY
Isa sa mga pinakamaunlad at urbanisadong lungsod ng Mindanao. Dito matatagpuan ang Eden Nature Park kung saan napakagandang lugar para sa mga nature lovers at mahilig sa outdoor activities. Pwedeng subukan ang mga tourist attractions gaya ng cable cycling, zipline, horseback riding at iba pa. Samahan pa ng napakalamig na klima na bumabalot sa buong parke na nagbibigay ng relaxing na pakiramdam. Matatagpuan ang Eden Nature Park sa Toril, Davao City. Isa sa mga pinupuntahan din ng karamihan ay ang Philippine Eagle Foundation at Davao Crocodile Park. Ang mga nasabing lugar ay isa sa mga paboritong puntahan lalo na sa mga nagsasagawa ng educational field trip sa katimugang bahagi ng Pinas. Ang pinakamagandang panahon para bumisita sa lungsod ay tuwing buwan ng Agosto dahil dito idinaraos ang taunang Kadayawan Festival na nagbibigay saya, kulay at sigla sa siyudad ng Davao.

Ang impormasyon na ito ay mula sa:
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fusepablanguage2016.wordpress.com%2F2016%2F11%2F18%2Fpasyal-tayo-best-tourist-destination-sa-mindanao%2F%3Ffbclid%3DIwAR1FnEToS39eqKtBlEvBjB-aBbGgNTyAWvz9PqmIce7cFafo93FLTImglis&h=AT1Am5PGzeMbVAdGIh1dKH0QN14NnDpolhwmJOQJNMg7XfUoChPlRgtciyValF4LTaItJWTYbgZL8_PnncXlu-64yQ8B7nHNyhIhpwR45dlu48hRhc0Rx5GiAmOsgLdeGG0X_w

15/10/2021

Tagapagsaliksik:Ethan Gavril Moreno

Ito ay ang Mapa ng Wika ng Mindanao, Informed here as follows: (A large proportion (29.19%) of households in Mindanao used Cebuano as their language/dialect at home. This was followed by Bisaya/Binisaya dialect (27.07%). Other major dialects spoken were Hiligaynon/Ilonggo (7.87%), Maguindanaon (4.7%), and Tausug (4.13%).
Binisaya was the common language/dialect spoken in Zamboanga Peninsula and Northern Mindanao (39.09% and 48.45%, respectively), Cebuano in Davao Region (42.26%) and Caraga (29.65%), Hiligaynon in SOCCSKSARGEN (33.54%) and Tausug (24.66 percent) in ARMM.) the Colors represent every language in Mindanao.https://psa.gov.ph/content/mindanao-comprised-about-24-percent-philippines-total-population #:~:text=Cebuano%20was%20the,percent

Photos from HALA BIRA Mindanao's post 14/10/2021

Musika, Kasuotan at Sining ng Mindanao

Tagapagsaliksik:
Jasrhen Leh Colonia

Ang impormasyon ay mula sa:
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-10-panitikan-manunulat-festivals-at-iba-pang-detalye

MUSIKA
kulintang- instrumentong ginagamit tuwing may sayawan at pagtitipon.
Kubing-uri ng instrumentong hinihipan na parang silindrino na yari sa kawayan.

KASUOTAN
ALANG ng mga Tinggian
KIMONA kadalasay puti na sinamahan ng tapis na ipinupulot sa beywang.
Ang mga lalake ay may simpleng kasuotan na long sleeve na parang jaket, malong o bahag.

SINING
Okir o Okkil (isang disenyo na ang ibig sabihin ay inukit)

Want your school to be the top-listed School/college in Iloilo City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Iloilo City