30/11/2022
Nitong Nobyembre 25 2022, ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng Don Felix Serra National High School ang Filipino Values Month na may temang "Magandang Ugaliang Pilipino Isabuhay at Pagyamanin Tungo sa Matiwasay at Maunlad na Kinabukasan"
Nagpakitang gilas ang mga kalahok sa Grade 10 council ng kanilang taglay na talento sa iba’t ibang larangan. Naibahagi nila ang kanilang mga talento sa paglahok sa mga paligsahan tulad ng Sayaw-awit, Tawag ng Tanghalan, Pagsulat ng Tula, Photo Collage, Dula-Dulaan at Tagis Talino.
Para sa lahat ng mag-aaral na nakilahok sa iginanap na patimpalak, kami ay naghahatid ng malugod na pagbati sa inyo sa pagbahagi ng inyong kakaibang talento at kakayahan!
Captions by: Resha Dominique Java
Janelle Gonzales