13/08/2026
Inaanyayahan ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 ang publiko na tunghayan ang pampublikong lektura ni 𝐃𝐫. 𝐆𝐲𝐨 𝐌𝐢𝐲𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚, kung saan tatalakayin niya ang paksang 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧𝐞𝐬𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐨𝐥𝐲𝐠𝐥𝐨𝐭𝐬. Si Dr. Miyahara ay isang propesor sa 𝑈𝑛𝑖𝑣𝑒𝑟𝑠𝑖𝑡𝑦 𝑜𝑓 𝑂𝑠𝑎𝑘𝑎, 𝐷𝑒𝑝𝑎𝑟𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑜𝑓 𝑃ℎ𝑖𝑙𝑖𝑝𝑝𝑖𝑛𝑒 𝑆𝑡𝑢𝑑𝑖𝑒𝑠.
📅 Agosto 22, 2026 | 2:00-5:00 PM
📍 University Library Theater, MSU-IIT
13/08/2026
𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗗𝗙𝗣, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗜𝗡𝗚𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗢𝗚𝗘𝗡 𝗛𝗢𝗡𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗘𝗧𝗬
Isang malaking karangalan para sa buong Departamento ng Filipino at Panitikan (DFP) ang muling pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng kahusayan sa akademya at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad sa pamamagitan ng 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐨𝐠𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲.
Sa ginanap na 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐨𝐠𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐯𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa MSU-IIT Gymnasium, pormal na tinanggap at pinarangalan sina 𝐁𝐛. 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐩 at 𝐆. 𝐄𝐝𝐠𝐚𝐫 𝐁. 𝐒𝐞𝐧̃𝐨𝐫𝐨𝐧 𝐉𝐫. Ang inyong pagsusumikap, kahusayan, at pusong lingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa buong departamento at sa buong pamantasan.
Patuloy na maglingkod at magningning! Husay at Talino, Tatak DFP! 💙
31/07/2026
Sa pagbubukas ng Akademikong Taon 2026–2027, buong-karangalang ipinakikilala ang natatanging kaguruan ng 𝑫𝒆𝒑𝒂𝒓𝒕𝒂𝒎𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒏𝒊𝒕𝒊𝒌𝒂𝒏, 𝑪𝑨𝑺𝑺, 𝑴𝑺𝑼-𝑰𝑰𝑻.
Sa pamamagitan ng kanilang kahusayan sa pagtuturo at aktibong pakikilahok sa mga makabayang pananaliksik, patuloy nating itataguyod ang pangangalaga sa ating wika at kulturang Pilipino.
Isang makabuluhan at matagumpay na taon ng pagkatuto sa ating lahat!
26/07/2026
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐖𝐄𝐘𝐓 🎓
Isang mainit na pagbati sa ating mga bagong gradweyt ng 𝗕𝗮𝘁𝘀𝗶𝗹𝘆𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 at 𝗕𝗮𝘁𝘀𝗶𝗹𝘆𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻.
Ang inyong sigasig at kahusayan ay magsisilbing inspirasyon sa mga susunod na magtatapos sa programa. Isang paghahangad ng tagumpay at kasaganaan sa inyong lahat!
26/07/2026
𝐌𝐀𝐋𝐔𝐖𝐀𝐋𝐇𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐖𝐄𝐘𝐓!
Isang taos-pusong pagpupugay mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan para sa ating mga magtatapos ng 𝗗𝗼𝗸𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗼𝘀𝗼𝗽𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 at 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻.
Ang inyong matiyagang pagsisikap at natatanging ambag sa larangan ng pananaliksik ay tunay na nagbunga ng tagumpay. Ipinagmamalaki kayo ng DFP!
23/07/2026
𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻, 𝗠𝗦𝗨-𝗜𝗜𝗧 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀, 𝗧𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗢𝘀𝗮𝗸𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻
Nagpulong ang fakulti ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Mindanao State University–Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) kasama si Dr. Gyo Miyahara ng Department of Philippine Studies, The University of Osaka, Japan, upang talakayin ang mga inisyatibang magpapalawak at magpapalakas ng internasyonal na kolaborasyon ng departamento.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ng pagpupulong ang paghahanda para sa Salindunong 2026: 4th International Conference on Language, Literature and Research at Ika-18 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan at Pananaliksik. Tinalakay rin ang mga posibleng programa para sa international exposure ng mga mag-aaral sa undergraduate at graduate na mga programa, gayundin ang pagpapalalim ng kolaborasyon sa pananaliksik at iba pang gawaing akademiko sa pagitan ng dalawang institusyon.
Inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang ang nasabing pagpupulong sa pagpapatibay ng ugnayang akademiko ng Departamento ng Filipino at Panitikan, MSU-IIT at Department of Philippine Studies, The University of Osaka, gayundin sa pagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa kolaborasyon sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik, at iba pang gawaing pang-akademiko.
20/07/2026
Pagbati sa aming alumnus 𝟮𝗟𝘁 𝗡𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗙𝘂𝗲𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗝𝗿. (𝘽𝘼 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤— 𝘽𝙖𝙩𝙘𝙝 2023) ! Ipinagmamalaki ka ng Departamento!
16/07/2026
Are you doing research in language, literature, or culture?
Share your work at the 𝟰𝘁𝗵 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗻𝗱𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗼𝗻 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗟𝗶𝘁𝗲𝗿𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 & 𝟭𝟴𝘁𝗵 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝘂𝗺𝗽𝗲𝗿𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸!
📅 Sept 16-18, 2026
💻 Via Zoom
Theme: "𝘍𝑟𝘰𝑚 𝑊𝘰𝑟𝘥𝑠 𝑡𝘰 𝘞𝑖𝘴𝑑𝘰𝑚: 𝘉𝑟𝘪𝑑𝘨𝑖𝘯𝑔 𝐶𝘶𝑙𝘵𝑢𝘳𝑒𝘴 𝘛ℎ𝘳𝑜𝘶𝑔𝘩 𝘓𝑎𝘯𝑔𝘶𝑎𝘨𝑒, 𝘓𝑖𝘵𝑒𝘳𝑎𝘵𝑢𝘳𝑒 𝑎𝘯𝑑 𝑅𝘦𝑠𝘦𝑎𝘳𝑐𝘩 𝘧𝑜𝘳 𝘙𝑒𝘨𝑖𝘰𝑛𝘢𝑙 𝑎𝘯𝑑 𝐺𝘭𝑜𝘣𝑎𝘭 𝘗𝑒𝘢𝑐𝘦"
Suggested Research Tracks:
• Language and Peacebuilding
• Language, Migration and Transnational Identities
• Applied Linguistics and Language Education
• Indigenous Languages and Cultural Preservation
• Literary Criticism and Theory
• Regional and Indigenous Literatures
• Comparative Literature and Cross-cultural Studies
• Translation Studies
• Discourse Analysis and Communication
• AI, Digital Humanities and Language Technologies
• Research Innovations and Methodologies
• Literature and Social Transformation
• Multilingualism and Globalization
• Pedagogy and Curriculum
• Sustainable Language Studies
IMPORTANT DATES:
Deadline for Abstract Submission: August 15, 2026
Notification of Acceptance: August 29, 2026
𝐸𝘢𝑟𝘭𝑦 𝑅𝘦𝑔𝘪𝑠𝘵𝑟𝘢𝑡𝘪𝑜𝘯 𝘧𝑜𝘳 𝘙𝑒𝘨𝑢𝘭𝑎𝘳 (𝑢𝘯𝑡𝘪𝑙 𝐴𝘶𝑔𝘶𝑠𝘵 30,2026): 𝑃𝘩𝑝 1500.00 | 25𝑈𝘚𝐷
Let’s bridge cultures and build peace through academic discourse. 🤝 ✨
🔗 Scan the QR code on the poster or click the link below to get all the submission details and secure your slot!
𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿: 𝗞𝗶𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗰𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲 𝗮𝗻 𝗶𝗻𝗱𝗶𝗰𝗼 𝗮𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗽𝗿𝗶𝗼𝗿 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝘂𝗯𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗮𝗯𝘀𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝗴𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗹𝗶𝗻𝗸.
https://indico.msuiit.edu.ph/event/21/
09/07/2026
𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙛𝙖𝙠𝙪𝙡𝙩𝙞 𝙣𝙜 𝘿𝙁𝙋 𝙣𝙖 𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙂𝙪𝙧𝙤!
Mainit na pagbati sa ating mga fakulti na pararangalan sa 2026 PRAISE Awards, bahagi ng pagdiriwang ng ika-58 Charter Day ng MSU-IIT, bilang pagkilala sa kanilang mga taon ng tapat, masigasig, at natatanging paglilingkod sa pamantasan.
𝗠𝗼𝗹𝗮𝘃𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 (𝟮𝟬 𝗬𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲)
𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰. 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗹𝘆𝗻 𝗧. 𝗔𝗯𝗶𝗻𝗴𝗼𝘀𝗮, 𝗣𝗵𝗗
𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 (𝟭𝟱 𝗬𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲)
𝗔𝘀𝘀𝘁. 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗗𝗲𝗹𝗳𝗶𝗻 𝗛. 𝗠𝘂𝗻𝗱𝗮𝗹𝗮, 𝗝𝗿.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong dedikasyon sa Departamento ng Filipino at Panitikan, sa MSU-IIT at sa komunidad.
Maraming salamat sa inyong serbisyo at ipinagmamalaki kayo ng DFP!
01/07/2026
Mainit na pagbati kay 𝐏𝐫𝐨𝐟. 𝐌𝐚𝐫𝐲 𝐀𝐧𝐧 𝐒. 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐨𝐯𝐚𝐥 sa kanyang pagkatalaga bilang 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗗𝗲𝗮𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 ng CASS, MSU-IIT.
Ipinagmamalaki ka ng Departamento ng Filipino at Panitikan!