30/03/2026
Like kites rising into an orange sunset, today we finally take flight.
Matagal tayong lumipad sa iisang kalangitanβsa parehong silid-aralan, sa parehong ingay ng tawanan, sa parehong puyat sa mga gawain at deadlines. Dito natin naranasan ang kaba sa mga exam, ang saya sa maliliit na tagumpay, at ang mga alaala na hindi na kailanman mauulit.
Hindi natin namalayan na habang tumatagal, hindi lang pala tayo magkakaklaseβnaging bahagi tayo ng isaβt isa.
Ngayon, tila kahel na ang kalangitanβang kulay ng pagtatapos at bagong simula.
Parang mga saranggola, darating ang sandaling kailangan na nating lumipad. Hindi na sa iisang direksyon, hindi na sa iisang lugar. May kanya-kanya na tayong tatahakin na landas, mga pangarap na hahabulin, at mga mundong matutuklasan.
Pero kahit saan man tayo hipan ng amihan, may isang bagay na mananatiliβang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng mga upuan ng silid-aralan, sa mga kwentuhan pagkatapos ng klase, at sa mga panahong sabay-sabay nating hinarap ang hamon ng pagiging estudyante.
Hindi man na natin araw-araw makikita ang isaβt isa, dala natin ang parehong alaala ng panahong minsan tayong lumipad sa iisang kalangitan.
Saranggola. Lilipad, lilipad na. πͺ
Salamat sa lahat ng pinagsamahan, Quercetin Barkada.
Tapos na. Kahel na ang kulay ng kalangitan.
We made it.
Congratulations, Quercetin Barkada.
πβ¨
College, ano tara? (Wala kayong choice mga tangek)