13/08/2026
Taos-Pusong Pasasalamat ππ
Mula sa buong pamunuan ng Dappat Integrated School, sa pangunguna ng ating butihing Principal, Maβam Roselyn C. Villanueva, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal, lider, magulang, at kaibigan na nagpaabot ng kanilang suporta sa Dappat IS Pep Squad β Pagsangladan Cheering Patriots. ππ
Lubos po naming pinasasalamatan ang buong pwersa ng LGU City of Ilagan sa pangunguna nina Mayor Jay L. Diaz at Hon. Gerryme Servilla β LNB President sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala sa ating mga mag-aaral.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kina Brgy. Captain Jerry Pagulayan, Brgy. Captain Rocky Davela, Brgy. Councilor Hon. Arnel Lopez, at Brgy. Councilor Marlyn Gabuan sa kanilang malasakit at pagkalinga sa ating mga mag-aaralβlalo na sa pagtitiyak ng kanilang kaligtasan at pagbibigay ng kinakailangang transportasyon sa kanilang paglahok sa kompetisyon. Ang inyong suporta ay malaking tulong upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang kanilang paglalakbay. ππ
Isang espesyal na pasasalamat din po kay Sir Kent Curwen, Choreographer, at kay Sir John Neil Yadao, Cheerdance Coach, sa kanilang dedikasyon, tiyaga, oras, at walang sawang paggabay sa ating mga Pagsangladan Cheering Patriots. π₯π
At higit sa lahat, maraming-maraming salamat po sa aming mga magulang na patuloy na nagbibigay ng suporta, pag-aaruga, paghihikayat, at pagmamahal sa ating mga batang mananayaw. β€οΈ
Ang tagumpay ng ating koponan ay hindi lamang bunga ng kanilang talento at pagsisikap, kundi bunga rin ng sama-samang suporta ng buong komunidad.
Maraming salamat sa inyong lahat!
Mabuhay ang Dappat Integrated School!
Mabuhay ang Pagsangladan Cheering Patriots! πππ₯