24/06/2026
Taos-pusong nagpapasalamat ang Bangag Elementary School sa pangkat ng OPCRF Validators mula sa Schools Division Office (SDO) ng Lungsod ng Ilagan sa kanilang oras, gabay, at masusing pagsasagawa ng validation.
Ma’am Vladimir Biclar – Budget Officer
Sir Lyle Rañin – PDO II
Ma’am Mary Ann Beltran – AO V
Ma’am Eva Dela Cruz – EPS VE
Ma’am Nanette Micu – EPS sa Agham (Science)
Sir Joseph Uania – EPS sa Matematika (Math)
Sir Samuel P. Lazam – CID Chief
Sir Jojo Ramos – SGOD Chief
Ma’am Cheryl R. Ramiro – Assistant Schools Division Superintendent (ASDS)
Ipinagmamalaki ng Bangag Elementary School ang pagkakamit ng PERFECT 5 na marka sa Office Performance Commitment and Review Form (OPCRF) Validation na isinagawa noong Hunyo 17, 2026. ✨
Ipinakita sa isinagawang validation ang mga tagumpay, programa, at mabubuting gawain ng paaralan sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon. Sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno ni Ma’am Jalyn B. Panao, Principal I, at sa pagtutulungan ng mga g**o, non teaching staff, mga magulang, mga mag-aaral, PTA Officers, at iba pang mga stakeholder, matagumpay na natugunan ng paaralan ang lahat ng pamantayan sa validation at nakamit ang pinakamataas na marka.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at sama-samang pagsisikap ng buong pamilya ng Bangag Elementary School sa pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyon at serbisyo sa mga mag-aaral.
Mula sa mga magulang, mag-aaral, PTA Officers, non teaching staff at mga g**o, taos-puso naming binabati si Ma’am Jalyn B. Panao sa kahanga-hangang tagumpay na ito. Tunay kaming ipinagmamalaki ang inyong mahusay na pamumuno.