04/06/2026
π£ ππππππ’π, πππππ’ππ§π¬!
Malugod na inaanyayahan ang mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 12, mga magulang, alumni, stakeholders, at mga boluntaryo na makilahok sa Brigada Eskwela 2026 ng Isabela National High School na isasagawa mula una hanggang ikalimang araw ng Hunyo, 2026.
Muli nating buhayin ang diwa ng bayanihan habang sama-sama nating inihahanda ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa isang makabuluhang taon ng pag-aaral. Sa paglalaan ninyo ng inyong oras at lakas, maging sa pagbibigay ng suporta at mga donasyon ay tiyak na matutulungan ninyo ang mga mag-aaral ng INHS na magkaroon ng maganda at maayos na lugar para matuto.
Kaya't ano pang hinihintay mo? Bago tuluyang magbukas ang taong panuruang 2026-2027, ayain mo na si bestie o si crush π«£ sa school upang sama-sama tayong magbrigada! πΏπ§Ή