25/12/2025
Sandalan Triskelion Pamaskong Handog π
Disyembre 24 2025 ( Wednesday) ay matagumpay na naisagawa ng Sandalan Triskelion ang aming taunang Pamaskong Handog para sa mga PWD at mga pamilyang nangangailangan ng Sandalan, Ibaan, Batangas. Ang gawaing ito ay bunga ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng aming mga kapatid at mga sumusuporta sa aming adhikain.
Ang Pamaskong Handog ay isang taunang proyekto na naglalayong magbigay ng tulong, pag-asa, at ngiti sa mga pamilyang patuloy na humaharap sa hamon ng buhay. Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi, nais naming ipadama na may komunidad na handang umalalay at sumuporta sa kanila.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang proyektong ito. Sama-sama po nating ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa bawat pamilyang Sandalan.
π Maligayang Pasko po sa inyong lahat at nawaβy mapuno ng pag-asa, pagmamahal, at biyaya ang bawat tahanan. π
Para sa kapwa. Para sa komunidad. Para sa Sandalan. π
25/12/2025
πβ¨ Merry Christmas to Everyone! β¨π
On behalf of Triskelion Sandalan Chapter, we would like to extend our warmest Christmas greetings to everyone.
May this season remind us of the true spirit of Christmas love, unity, generosity, and brotherhood. As we celebrate with our families and loved ones, may we continue to share our blessings and show compassion to those in need.
Thank you to all our brothers, sisters, supporters, and community partners for your continuous support and cooperation. Together, we prove that unity and service are stronger when shared.
May your homes be filled with joy, peace, and hope this Christmas season.
β Sandalan Triskelion ππ€
13/12/2025
Inihahandog ng Tau Gamma Phi Triskelion Grand Fraternity Sandalan Chapter
Ang Pamaskong Handog Level Up: Raffle Fundraising for Indigent Families.
Ang proyektong ito ay naglalayong makapagbigay ng tulong at saya sa mga indigent families sa aming komunidad ngayong darating na Pasko 2025, upang sama-sama nating maramdaman ang diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa.
Inaanyayahan po ang lahat na makilahok at makiisa sa gaganaping Raffle Draw na idaraos sa December 20, 2025 (8:00 AM) sa Sandalan Covered Court.
Ang mga raffle ticket ay available pa rin para sa mga nais tumulong at magkaroon ng pagkakataong manalo.
β±250 per booklet (10 sheets)
Para sa mga nais makiisa at makabili ng ticket, makipag-ugnayan lamang po sa amin.
Maraming salamat po sa inyong suporta. Sama-sama nating gawing mas masaya ang Pasko ng bawat pamilya. πβ¨
26/11/2025
Atin nang naitayo at naipwesto ang Sandalan Triskelion Parol 2025 na sumasagisag sa tunay na Diwa ng Pasko.
Ang parol na ito ay simbolo ng tibay, liwanag, at pagkakaisa ng samahan ng Sandalan Triskelion.
Patunay ito na sa bawat ilaw na nagniningning, naroon ang ating pagkakapit-bisig at pagmamalasakit para sa kapwa at Kapatiran.
ARIBA! Sandalan Triskelionβπ«‘
10/11/2025
Utay-utay nang lumalayo ang Bagyong Uwan.
Isa ang Sandalan Triskelion sa mga nakipagtulungan sa Barangay Sandalan Councilor & SK Rescuers upang matulungan at magabayan ang ating mga residenteng nangangailangan ng agarang pag-rescue.
Maraming salamat sa lahat ng mga Brod na buong tapang na sumuong sa ulan at baha upang makaresponde.
30/10/2025
Maraming Salamat, Sandalan Triskelion!
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga Brod na nasa likod ng matagumpay na Proyektong Pangkalahatan ng Sandalan Triskelion Chapter!
Matagumpay nating naisakatuparan at naipasa ang
π‘ Proyektong Pagkilalanlan
π‘ Proyektong Pangkaligtasan
Mga gawaing tunay na sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at layunin ng ating kapatiran.
Patuloy tayong magsasagawa ng mga makabuluhang proyekto na magsisilbing simbolo ng ating paninindigan
Lubos ang aming pasasalamat sa mga nagpaunang tulong at patuloy na sumusuporta:
πΈ Mini Fund Raffle Project
πΈ Mr. Bryan Malata & Family
πΈ Barangay Sandalan, Ibaan, Batangas
β Brgy. Chairman Zosimo Malata
πΈ Sandalan Triskelion Ibaan Municipal Council
πΈ Sandalan Triskelion Officers
Officers:
DGT Leoven De Castro
DGT JhonHenrick Tappa
MKC Amiel Pagcaliwagan
MKS Zeus Malata
M.I John Randolph De Castro
M.T John Aeron Macalindong
M.T Info John Lloyd Perez
M.T Budget Gabriel Jay De Castro
M.T Interior Jomhar De Castro
M.T Special Project Jeff Ian De Castro
M.T Alumni Affairs Neil Francis Reyes
Advisers:
Jemuel De Castro
Vincent Malata
Ariba Tau Gamma Phi!
Sandalan Triskelion
23/10/2025
Sa pagdiriwang ng ika-25 Taong Anibersaryo ng Triskelion Ibaan Municipal Council, magkakaroon ng isang araw na selebrasyon sa darating na Oktubre 26, 2025 (Linggo) na tampok ang Motorcade mula 7:00 AM hanggang 11:00 AM.
Ang espesyal na kaganapang ito ay sagisag ng 25 taon ng Pagkakaisa, Paglilingkod, at Pagkakapatiran β isang mahalagang yugto na sumasalamin sa patuloy na dedikasyon sa komunidad at sa mga prinsipyong Triskelion.
Abiso sa Trapiko:
Ipinababatid po namin na maaaring magkaroon ng pansamantalang pagkaantala sa daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng motorcade sa umaga. Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito at umaasa sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan sa buong isasagawang aktibidad.
Ang main program at pagdiriwang ng anibersaryo ay gaganapin sa Recto Gym, Poblacion, Ibaan, Batangas, kaagad matapos ang motorcade.
13/06/2025
Kapatiran ng Sandalan Triskelion β
Nais naming ipabatid sa ating kapatiran na matagumpay na nakatulong tayo sa BRIGADA 2025 na ginanap sa Balanga elementary school at Dr. Juan A. Pastor Memorials National Highschool.
Kami ay lugod na nagpapasalamat sa mga tumulong,sumuporta at bukas palad na nagbigay ng tulong upang maisagawa ng maayos at maganda ating nagawang proyekto para sa mag aaral 2025-2026.
Capital S
Salute
30/05/2025
Isang matagumpay na pagdiriwang sa ika dalawampuβt taon para TRISKELION SANDALAN CHAPTER. Mapagpalang pasasalamat sa panginoon at magpaabot biyaya sa mga nasasakupan.
Isang mahigpit na pag kamay at saludo sa mga kapatid na sumuporta at tumulong
Ariba! Ariba tau gamma
29/05/2025
Happy 20th founding Anniversary Triskelion Sandalan chapter Ibaan Municipal council.
Isang mahigpit na pag kamay at saludo sa lahat kapatid natin Triskelion Ariba! TAU GAMMA PHI