Ang Dagitab - ZNHS

Directions

Ang Dagitab - ZNHS Ang Opisyal na Publikasyong Pampaaralan ng Zambales National High School - Ang Dagitab.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | โ€ŽPHOENIX AT WOLVES, NAGNINGAS SA VOLLEYBALL BOYSUmarangkada ang Fiery Phoenix at Blazing Wolves matap...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | โ€ŽPHOENIX AT WOLVES, NAGNINGAS SA VOLLEYBALL BOYS

Umarangkada ang Fiery Phoenix at Blazing Wolves matapos magkampeon sa Volleyball Boys Senior at Junior Division ng Pasiklab 2026 nitong ika-11 ng Sityembre sa ZNHS Covered Court.

Sa Senior Division, ipinamalas ng Fiery Phoenix ang lakas sa pamamagitan ng matitinding spike, solidong block, at mabilis na rotation upang dominahin ang kompetisyon at masungkit ang gintong medalya.

Samantala, nagpakita naman ng husay ang Blazing Wolves sa Junior Division sa pamamagitan ng determinasyon at pagtutulungan upang makuha ang pinakamataas na puwesto sa kanilang dibisyon.

Sa Senior Division, nagkamit ng unang puwesto ang Wildgators, habang ikalawang puwesto naman ang Fearless Tigers. Sa Junior Division, nakamit naman ng Fearless Tigers ang unang puwesto matapos ang kanilang mainit na sagupaan sa kompetisyon.

Sa pagtatapos ng kumpetisyon, tuluyang kinoronahan ang Fiery Phoenix at Blazing Wolves bilang mga kampeon ng Senior at Junior Division Boys Volleyball.

Isinulat nina Rhona Cayabyab at Ayeisha Madreo
Kuhang larawan nina Krizel Abique at Ashe Apostol

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Phoenix, Gators namayagpag sa senior badmintonโ€Žโ€ŽNangibabaw ang Unit 4 sa Senior Division ng badminton...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Phoenix, Gators namayagpag sa senior badminton
โ€Ž
โ€ŽNangibabaw ang Unit 4 sa Senior Division ng badminton matapos masungkit ni Karl Gabriel Dizon ang Boysโ€™ Singles at nina Sophia Grace Marcia at Katelyn Josafat ang Girlsโ€™ Doubles. Nagdagdag naman ng titulo para sa Unit 1 sina Janssen Angelique Reyes sa Girlsโ€™ Singles, Dan Derek Sanchez at Paul Jake Herrera sa Boysโ€™ Doubles.
โ€Ž
โ€ŽBukod dito, sa Singles Boys, nag-uwi ng silver si Ganielle Galvez ng Unit 1 at bronze naman kina Aimiel Faustine Macalinao ng Unit 4 at John Nomer Alcantara ng Unit 1. Sa kabilang banda, sa Singles Girls, sinundan ni Leanne Cabalic ng Unit 1 si Reyes matapos makuha ang silver, habang bronze sina Ma. Eloisa Jhane Ladingan ng Unit 4 at Gwen Antonnet Torres ng Unit 3.
โ€Ž
โ€ŽPara naman sa Doubles Boys, nagkamit ng gold sina Dan Derek Sanchez at Paul Jake Herrera ng Unit 1, silver naman ang nakuha nina Ram Bundang at Sean Joshua Aparici ng Unit 4, habang sina Geniel Dhayne Gonzales at Aleph Anciano ng Unit 2 ang nagkamit ng bronze.
โ€Ž
โ€ŽKasunod nito, sa Doubles Girls, nag-uwi ng silver sina Rica Mae Rayman at Marlen Testimio ng Unit 2 matapos ang pagkakampeon nina Marcia at Josafat ng Unit 4.
โ€Ž
โ€ŽIsinulat ni Ayeisha Madreo
โ€ŽKuhang larawan ni Princess Lei Limbag

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Junior shuttlers, nagpasiklab sa Pasiklab 2026Umarangkada ang husay at determinasyon ng mga junior sh...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Junior shuttlers, nagpasiklab sa Pasiklab 2026

Umarangkada ang husay at determinasyon ng mga junior shuttlers sa laranagan ng badminton matapos makakamit ng ibaโ€™t-ibang medalya sa Pasiklab Intramurals 2026 ng Zambales National High School ngayong Setyembre 11, taong kasalukuyan.

Sa Junior Singles Boys, itinanghal na kampeonato ang isa sa pambato ng unit 3 na si Jeanryler Jacc Faustino na naka masungkit ang gintong medalya matapos mag pulan ng sunod-sunod na palo sakanyang katunggali. Sinundan nito ni Joshua Manganan na nag mula din sa kaparehong unit na nagkamit ng silver, habang bronze naman si Gael Markus Acupan ng Unit 2.

Pagdako sa Junior Singles Girls, nangibabaw ang pagpapakitang gilas ni Princess Mae Rolls ng Unit 2 matapos makasungkit ng gold sa kanilang pag tutuos ng kanyang kalaban. Nakuha naman ni Zhaira Divino ang silver, habang bronze si Yoana Ariziki Portillo ng Unit 3.

Samantala, sa Junior Doubles Boys, nagkampeon ang tambalan nina John Michael Arguero at Kiyan Anthony Mercado ng ikalawang yunit. Silver naman sina Raffe Kiane Macadaan at Joaquin Augelaux Dullas ng ikatlong yunit, habang bronze sina John Mar Benito at Kian Yanizceus Bruan ng ika-apat na yunit.

Pag dating sa Junior Doubles Girls, pinangunahan nina Geimz Patrique Ferrer at Aiyesa Faye Estrella ng Unit 3 ang podium nang masungkit ang gold matapos mag pamalas ng angking lakas. sa kabilang banda, silver ang nakamit ng pares na sina Amber Flynn Villanueva at Allessander Cheska Osabel mula sa Unit 2, habang bronze sina Emerald Laguatan at Princess Nathania Padrigo ng Unit 4.

Sa bawat palo ng kanilang raketa sabay sa palitan ng shuttlecock, ipinamalas ng bawat junior shuttlers ang kanilang galing at tibay hanggang sa tuluyang makamit ang nararapat na pwesto sa larangan ng Badminton.

Isinulat ni Pauline M. Loteriรฑa
Kuhang larawan nina Edrick John Marquez at Princess lei Limbag

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Fearless Tiger, Binasag ang Depensa ng Blazing WolvesNagliyab ang Sepak Takraw Boys Championship nang...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Fearless Tiger, Binasag ang Depensa ng Blazing Wolves

Nagliyab ang Sepak Takraw Boys Championship nang magharap ang Unit III Fearless Tiger at Unit II Blazing Wolves nitong September 11, 2026, sa harap ng Gabaldon ng Zambales National High School.

Maagang umarangkada ang Blazing Wolves matapos kunin ang unang set, 21-17, sa tulong ng matitinding serve at mabilis na attack. Bumawi naman ang Fearless Tiger sa second set, 21-18, matapos ang dikitang palitan ng spike at block.

Sa deciding set, naging agresibo ang Fearless Tiger at tuluyang isinara ang laban sa 15-11, para masungkit ang kampeonato.

Pinatunayan ng Fearless Tiger ang tibay nito sa defense, spike, at receive upang maiuwi ang korona, habang nagtapos namang runner-up ang Blazing Wolves.

Isinulat ni Rhona Cayabyab
Kuhang larawan ni Rabyaela Dubduban

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Wild Gators at Blazing Wolves, Naghari sa Table Tennis Intramurals 2026Matinding palitan ng pamasag n...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Wild Gators at Blazing Wolves, Naghari sa Table Tennis Intramurals 2026

Matinding palitan ng pamasag na hampas at walang-hupang determinasyon ang naging saksi sa ginanap na Table Tennis Intramurals (Pasiklab 2026) nitong Setyembre 11, 2026 sa Gabaldon Building ng Zambales National High School.

Bawat hampas at sangga ng raketa ay nagdala ng matinding tensyon sa loob ng bulwagan habang naglalaban-laban ang mga kinatawan mula sa iba't ibang yunit upang maipanalalo ang kani-kanilang koponan. Nasubok ang bilis at estratehiya ng bawat manlalaro sa buong durasyon ng mga laban.
Nanguna ang Yunit I (Wild Gators) at Yunit II (Blazing Wolves) sa paghakot ng mga gintong medalya sa parehong Boys at Girls Division matapos ang serye ng mga krusyal na set.

Narito ang opisyal na resulta ng mga sagupaan:

Singles A:
๐Ÿฅ‡ Champion: Gian Rheo D. Hebron โ€“ Yunit I (Wild Gators)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: James Ivan A. Encinares โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)

Singles B:
๐Ÿฅ‡ Champion: Zhaimon Jay L. De Paz โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Johann Sebastian V. Cristobal โ€“ Yunit III (Fearless Tigers)
๐Ÿฅ‰ 2nd Runner-up: Xian M. Mancilla โ€“ Yunit IV (Fiery Phoenix)

Singles C:
๐Ÿฅ‡ Champion: Prince Judyll P. Ponseca โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Lance Sebastien A. Santos โ€“ Yunit I (Wild Gators)

Singles D:
๐Ÿฅ‡ Champion: Gabrielle Yniego S. Echon โ€“ Yunit I (Wild Gators)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Dinnel John P. Razon โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅ‰ 2nd Runner-up: Timothy N. Quitaleg โ€“ Yunit IV (Fiery Phoenix)

Girls Division

Singles A:
๐Ÿฅ‡ Champion: Naomi Camille T. Valdez โ€“ Yunit I (Wild Gators)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Shane Rhian L. Clorfina โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)

Singles B:
๐Ÿฅ‡ Champion: Ma. Deanne B. Alcances โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Khloe T. Nacana โ€“ Yunit IV (Fiery Phoenix)

Singles C:
๐Ÿฅ‡ Champion: Mica Ellah D. Caseria โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Marianne Khate A. Giron โ€“ Yunit I (Wild Gators)

Singles D:
๐Ÿฅ‡ Champion: Reynalin Lee B. Fermil โ€“ Yunit II (Blazing Wolves)
๐Ÿฅˆ 1st Runner-up: Maxie Y. Hebron โ€“ Yunit IV (Fiery Phoenix)

โ€Ž๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Panalo ang may pasensya!โ€Žโ€ŽNagpakitang-gilas sina Darwin Jay Tabile ng Wild Gators at Charlene Mae Ya...
12/09/2026

โ€Ž๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Panalo ang may pasensya!
โ€Ž
โ€ŽNagpakitang-gilas sina Darwin Jay Tabile ng Wild Gators at Charlene Mae Yarcia ng Blazing Wolves matapos masungkit ang kampeonato sa Boys at Girls Chess Tournament ng PASIKLAB Intramurals 2026 nitong Setyembre 11 sa Zambales National High School (ZNHS).
โ€Ž
โ€ŽHindi natinag si Tabile sa Boys Division matapos magtala ng perpektong limang puntos upang maiuwi ang kampeonato. Sinundan siya nina Andrey Panuga at Emmanuel Camat ng Blazing Wolves na kapwa nakalikom ng 3ยฝ puntos upang masungkit ang ikalawa at ikatlong puwesto.
โ€Ž
โ€ŽSa Girls Division naman, nangibabaw si Yarcia matapos makalikom ng limang puntos. Pumangalawa si Angeline Sibug ng Wild Gators na may apat na puntos habang pumangatlo si Princess Panuga ng Blazing Wolves na nagtala ng tatlong puntos.
โ€Ž
โ€ŽSa bawat galaw sa itim at puting parisukat, nanaig ang mga manlalarong nagpakita ng estratehiya, tiyaga, at disiplina hanggang sa huling laban.
โ€Ž
โ€ŽIsinulat ni Patricia Mesiano
โ€ŽKuhang larawan ni Joy Paldo

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | Karanasan: Isang Kabig, Isang TagumpayAng paglalaro ng mobile legends ay isang online games na kinagigiliwan...
12/09/2026

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | Karanasan: Isang Kabig, Isang Tagumpay

Ang paglalaro ng mobile legends ay isang online games na kinagigiliwan ng mga kabataan. Kung saan binubuo ng limang pangkat sa magkabilang panigโ€”mage, fighter, marksman, jungler, at tankโ€”Tila isang simpleng laro lamang. Ngunit, sa likod ng bawat tagumpay ay may tuwang binibigay.

Tulad na lamang ng mga manlalaro mula sa Unit 1 (Green Gator's boys) na nakasungkit ng ika-unang pwesto. Kinabibilangan nila John Joseph Sapnay, Mark Angelo Rodela; Charles Daniel Cabagbag Romanban, Frensky Jr. Rodriguez, Junaid Sarip Pithailan, atJohnlord Gaรฑenas.

Suntok man sa buwan ang kanilang pinagdaanan upang masungkit ang medalya, hindi parin nila ito alintana; sapagkat para sa kanila ang pagkapanalo ang siyang daan tungo sa kanilang inaasam na karangalan.

Bagamat man ay kinakabahan sa simula, ngunit sa dulo ang tagumpay ay kanilang nakuhaโ€”sa bawat kabig ng kamay, may kumpiyansang umaalalay.

๐‘ญ๐’Š๐’†๐’“๐’š ๐‘ท๐’‰๐’๐’†๐’๐’Š๐’™โ€™๐’” ๐’ˆ๐’Š๐’“๐’๐’”, ๐’–๐’Ž๐’‚๐’“๐’Š๐’ƒ๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š
Sa loob ng silid-aralanโ€”sa isang sulok kung saan ang bawat pindot sa telepono at pagtutulungan bilang isang buong grupo, nasungkit ng mga manlalaro mula sa Unit IV ang unang puwesto. Ito ay kinabibilangan ng mga mag-aaral na mula sa 11-A3 Ash na sina Myra Alarma, Claudine Antonette Basa, Fiona Rose Abad, Chloe Audryck Inocencio, at Jasmine Talag.

โ€œ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ฒ, ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฒ๐˜…๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ-๐—ฒ๐˜…๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป.โ€, ani Chloe Inocencio, isang miyembro ng pangkat ng mga manlalaro mula sa Unit IV.

Sa simula pa lamang ng patimpalak, ramdam na ang kaba at pananabik. Sa bawat paglalaro, pawis ay tumutulo. Bilang unang pagsabak sa ganitong uri ng kompetisyon, ang mga manlalaroโ€™y nakaramdam ng ibaโ€™t ibang emosyon. Ngunit sa pamamagitan ng mabisang komunikasyon at paghahanda ng mga alternatibong heroes bago ang kompetisyon, sila'y umariba sa tagumpay.

๐‘บ๐’–๐’”๐’Š ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š
โ€œ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—บ๐˜€. ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ.โ€ ani Maโ€™am Ems Krislyn Ajoste, tagapagsanay ng e-games.

Ang paglalaro ng mobile legends ay hindi lamang isang simpleng libangan. Ito ay isang sports na kinakailangan ng lakas ng loob, maiging pag-eensayo, at pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng isang pangkat.

Anumang nginig ng kamayโ€”anumang lakas ng kalaban, sa pagiging isa at pag-eensayo, bawat laro at tawanan kasama ang buong grupo ay isang malaking panalo. Sa bawat sakripisyo ng mga manlalaro, tagumpay ang naghihintay sa kanila.

Hindi lamang isang simpleng laro ang mobile legends, kundi isang laro na bumubuo ng masaya at makabuluhang karanasan sa bawat kabataan; hinuhubog nito ang ating pakikiisa at pagtutulungan bilang susi sa isang tagumpay na hindi mababayaran.

Isinulat ni: Justine Paul Yanes at Charice Ajoste
Kuhang Larawan ni: Vhienna Kate Abastillas

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Wild Gators, Sinungkit ang Korona sa Dikdikang FinalsIBA, ZAMBALES โ€” Sa isang dikit at puno ng kaba n...
12/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Wild Gators, Sinungkit ang Korona sa Dikdikang Finals

IBA, ZAMBALES โ€” Sa isang dikit at puno ng kaba na bakbakan na umabot hanggang sa huling buzzer, itinakas ng Wild Gators ang kampeonato matapos pataubin ang Blazing Wolves, sa Seniors Basketball finals ng Intramurals 2026 nitong September 11 sa Gymnasium ng Iba, Zambales.

Umani ng tensiyon ang sagupaan sa Gymnasium matapos manaig ang Wild Gators sa Blazing Wolves sa iskor na 70โ€“69. Mula umpisa hanggang final buzzer, kapwa nagpalitan ng opensa, depensa, at crucial plays ang dalawang koponan. Sa dikit na laban, nanaig ang composure at finishing ng Wild Gators upang maiuwi ang kampeonato. Nabigo man ang Blazing Wolves, ipinakita nito ang matinding depensa at palaban na laro hanggang sa huling segundo.

Isang puntos lamang ang pagitan, ngunit sapat para koronahan ang Wild Gators bilang bagong hari ng Seniors Basketball sa Intramurals 2026.

Isinulat ni Rhona Cayabyab
Kuhang larawan ni Jireh Rendon

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Yarcia ng Blazing Wolves, nagreyna sa Chess matchSeptember 11, 2026 - Pinangunahan ni Charlene Mae Ya...
11/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Yarcia ng Blazing Wolves, nagreyna sa Chess match

September 11, 2026 - Pinangunahan ni Charlene Mae Yarcia (Blazing Wolves) ang girlsโ€™ division ng Pasiklab Intramurals 2026 ZNHS Chess Tournament matapos magtala ng 5 puntos para kunin ang unang puwesto sa final ranking.

โ€ŽSinundan naman siya ni Angeline Sibug (Wild Gators) na may 4 puntos para sa ikalawang puwesto, habang umiskor naman si Princess Panuga (Blazing Wolves) ng 3 puntos para makumpleto ang top three na lalaban sa Municipal Meet.
โ€Ž
โ€ŽBinubuksan sa bawat chess match ang laban sa maingat na paggalaw ng mga piyesa, habang sinusubukan ng bawat manlalaro na kontrolin ang board at ihanda ang susunod na taktika. Mula opening, kailangang timbangin ang bawat tira upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang kalaban na makabawi.
โ€Ž
โ€ŽSumisikip ang labanan habang nagpapatuloy ang laro, dahil bawat pag-atake ay kailangang sabayan ng depensa. Isang maling galaw lamang ay maaaring magbukas ng pagkakataon para sa kalaban, kaya kailangan ng matalas na pag-iisip hanggang sa pagtatapos ng laro.
โ€Ž
โ€ŽNag-iwan naman ng aral ang torneo hindi lamang para sa mga nanguna, kundi para sa lahat ng batang patuloy na humaharap sa chessboard. Maaaring hindi lahat ay umabot sa top three, ngunit bawat tira, pagkatalo, at panalo ay hakbang tungo sa mas mahusay na manlalaro.

Isinulat ni Edelyn Morales
Kuhang larawan ni Rabyaela Dubduban

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Blazing Wolves, Inuwi ang Korona sa Ginoo at Binibining Pasiklab 2026Itinanghal na kampyon ang Unit 2 Blazing W...
11/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Blazing Wolves, Inuwi ang Korona sa Ginoo at Binibining Pasiklab 2026

Itinanghal na kampyon ang Unit 2 Blazing Wolves at matagumpay na nakuhang muli ang titulo na Ginoo at Binibining Pasiklab 2026 sa ngalan ni Prince Ken Alipio at Gracie Ferrer. Napuno ng hiyawan ang covered court ng Zambales National High School (ZNHS), ika-11 ng Setyembre.

Sa katauhan ni Villy Mark Arabejo at Kaye Bueno, nasungkit ng Unit 1 Wild Gators ang ika-unang pwesto bilang Ginoo at Binibining Pasiklab 2026.

Sinigurado naman ng Unit 4 Fiery Phoenix na si Flandrey De vera at Unit 3 Fearless Tigers na si Geniah Nicole Binan ang ikalawang pwesto, habang nakamit naman ng Unit 4 Fiery Phoenix sa ngalan ni Joanna Marie Empedrado at Unit 3 Fearless Tigers sa katauhan ni Eishie Caeleb Camuyong ang ikatlong pwesto.

Hindi nagpahuli ang Unit 5 Majestic Falcons na sina Justine Ezekiel Inocencio at Ashlyn Trizh Calimlim na inuwi ang ika-apat na pwesto. Sa huli, bawat kalahok ay nagtagumpay sa pagpapakita ng kanilang talento, galing, at husay sa pagrampa.

Narito ang kabuuang resulta :
โ€ข Ginoong Pasiklab 2026 - Unit 3, Prince Ken Alipio
โ€ข Binibining Pasiklab 2026 - Unit 3, Gracie Ferrer

โ€ข 1st Runner-up Mr. Pasiklab - Unit 1, Villy Mark Arabejo
โ€ข 1st Runner-up Ms. Pasiklab - Unit 1, Kaye Bueno

โ€ข 2nd Runner-up Mr. Pasiklab - Unit 4, Flandrey De vera
โ€ข 2nd Runner-up Ms. Pasiklab - Unit 3, Geniah Nicole Binan

โ€ข 3rd Runner-up Mr. Pasiklab - Unit 3, Eishie Caeleb Camuyong
โ€ข 3rd Runner-up Ms. Pasiklab - Unit 4, Joanna Marie Empedrado

โ€ข 4th Runner-up Mr. Pasiklab - Unit 5, Justine Ezekiel Inocencio
โ€ข 4th Runner-up Ms. Pasiklab 2026 - Unit 5, Ashlyn Trizh Calimlim

Isinulat ni Meibelle Batinga
Kuhang larawan ni Ram Allen San Juan

Address

Iba
2201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Dagitab - ZNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category