30/06/2020
Mga kabarangay, magulang at sa mga studyante, nais po naming ipaalam na extended po ang enrollment sa lahat ng public school hanggang July 15, 2020.
Maraming salamat po!
EXTENDED ANG ENROLLMENT SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN!
Magpapatuloy hanggang July 15, 2020 (Miyerkules) ang remote at drop box enrollment para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12 na papasok sa pampublikong paaralan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa enrollment at pagsisimula ng klase ngayong SY 2020-2021, bisitahin ang www.deped.gov.ph/obe-be.