04/08/2026
Stay safe, ICAnians!
WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS SA BAYAN NG IBA
Alinsunod sa patuloy na nararanasang masamang panahon dulot ng Habagat (Southwest Monsoon) na pinalalakas ng Tropical Cyclone LUIS, at batay sa pinakahuling weather outlook ng PAGASA, isinasailalim sa class suspension ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Iba sa Miyerkules, Agosto 5, 2026.
Batayan ng suspensyon ang mga sumusunod na ulat ng PAGASA:
* Inaasahan ang malalakas hanggang matitinding pag-ulan (100β200 mm) sa Zambales sa Agosto 5 dulot ng Habagat na pinalalakas ng Tropical Cyclone LUIS.
* Nagbabala rin ang PAGASA na ang ganitong dami ng pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng bahay, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa LGU Iba, PAGASA, at iba pang kinauukulang ahensya.
Maraming salamat at manatiling ligtas Ibanians.