24/08/2026
Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas tuwing Agosto na naglalayong bigyang-halaga at itaguyod ang wikang Filipino, mga katutubong wika, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino.
Buong pagmamalaking ipinagdiwang ng Narauis-Paticui Elementary School (NPES) ang Buwan ng Wika 2026 na may Temang “ Filipino: Wika ng Karunungan at Pagkakaisa.”isang makabuluhang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa ating wikang Filipino, kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino.
Naging mas makulay at makabuluhan ang pagdiriwang sa pangunguna ng aming butihing Punong G**o, Ma’am Cristina G. Bolido, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon at suporta sa mga programa at gawain ng paaralan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga taong nagbigay ng kanilang buong suporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang—lalo na kay Hon. Cong. Atty. Dino Yulo III, Congressman ng 5th District ng Negros Occidental; kay Hon. Board Member Hadji Trojillo ng Sangguniang Panlalawigan; kay Hon. Hardy Morancil, Punong Barangay ng Narauis; at kay Hon. Benjie Gayares, Punong Barangay ng Paticui.
Isa sa mga tampok at pinakahihintay na bahagi ng selebrasyon ang Koronasyon ng Hari at Reyna, kung saan itinanghal sina Hari Sean Jay Macawili at Reyna Arella Grae R. Nangan. Tunay na naging makulay, masaya, at puno ng pagmamalaki sa ating pagka-Pilipino ang buong pagdiriwang.
Ang Buwan ng Wika ay paalala sa ating lahat na ang wika ay hindi lamang paraan ng pakikipag-usap, kundi tulay ng kultura, karunungan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.