25/09/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐ฆ๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐๐ข๐ง ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Kulamin mo ako at lagyan mo ng sumpa,
Hanggang sa akoโy hindi na makawala,
Gawin mo sa akin ang kahit ano, basta manatili akong iyo.
Paano kung ikaw na aking minamahal ay takot magmahal, kahit sa sarili mo?
Paano na ang pag-ibig ko?
Paano na tayo?
Lunurin mo ako sa dagat na p**a,
Lunurin mo ako sa sariling pagsinta,
Lunurin mo sapagkat akoโy nasanay na sa pagkalunod sa โyong mga luha.
Tusuk-tusukin man ako ng iyong bawat ala-ala,
Tusuk-tusukin man ako ng bawat pag-iwas,
Ikaโy titiisin ko.
Ang pag-ibig kong itoโy handang ibuhos sa โyo,
Kahit na akoโy lamunin na ng kahangalan ko.
Habang akoโy tuluyan nang nahulog sa mga mata mo,
Dahan-dahan nang nawawala ang hangganan sa pagitan ng pagmamahal at sakripisyo ko para sa โyo.
Akoโy handa na ikaโy mahalin na parang isang sumpa,
Subalit, paano kita mamahalin nang tama kung kahit ang mahalin ang sarili moโy hindi mo kayang magawa?
Tama pa ba ang landas na tinatahak ko kasama ang paghawak sa kamay mo nang walang malisya?
Sinta ko, tama na ba itong ating pasya?
Hanggang kailan ako magdudusa?
Hanggang kamatayan na lang ba itong sumpa na aking dinadala?
Pero lagi kitang iintindihin dahil ang aking pagmamahal sa โyo lamang ang may diin.
Lagi kitang pipiliin, kahit minsan ay pakiramdam koโy nasa iba na ang iyong tingin.
Akalain mo, datiโy hindi ako ganito kasinto.
Hindi ko na namalayan na habang ikaโy aking tinuturuan na mahalin ang sarili mo,
Ako palaโy unti-unti nang nahuhulog sa sariling bangin.
Subalit, aking binabaliwala ang mga pahayag na ito dahil akoโy pihado na sa โyo.
Dati, mabilis akong umiwas o umalis kapag nasaktan.
Pero ngayon, akalain mo,
Kaya kong tumawa sa bawat biro mo kahit kagabi lamang ako umiiyak hanggang makatulog dahil sa โyo?
Kinakaya ko ang magpanggapโ
magpanggap na hindi gaano kalalim ang nararamdaman ko sa โyo, dahil takot ako.
Takot akong mawala ang lahat sa isang iglap, at mga alaala na lang ang matira.
Masakit?
Oo, sobra. Walang pinagkaiba sa pagtusok sa akin mula sa ulo hanggang paa.
Ang pinakamasakit?
Hinahayaan ko,
Dahil minamahal kita.
Dumating na sa puntong hindi ko na alamโ
Pagmamahal pa ba ito o sumpang hindi ko na kayang wakasan?
Akoโy sa โyo.
Iyo na ang puso ko, ang oras ko, mga panalangin ko, pag-unawa ko, pati ang mga bahagi ng sarili ko na sobrang tago.
At ikaw?
Takot ka pa rin, na parang duwag.
Takot ka pa ring magmahal.
Akoโy iyong nilagyan nga ng sumpa,
Tunay na sumpa ng pag-ibigโang magmahal nang buong-buo sa isang taong kalahati lamang ang kayang ibigay sa โyo.
At kahit alam kong nauubos na ako,
may isang bahagi pa rin sa akin na nagsasabing:
Kulamin mo ako at lagyan mo ng sumpa.
Mahal ko, kung ang sumpang ito ang tanging paraan upang akoโy iyong minsan ay piliin,
Buong-buo ko pa rin itong tatanggapin.
Sa pagtatagal ng ating paggawa ng mga ala-ala, ako ay may mga napagtanto,
Hindi ko kailangang maging bihag ng takot mong magmahal,
Hindi ko dapat lunurin ang sarili sa dagat ng isang pag-ibig na hindi mo kayang languyin.
Hindi na ito isang pagmamahalan,
Dahil ako na lamang ang mukhang patuloy na lumalaban.
Itoโy isang sumpa.
Mahal na mahal pa rin kita,
Ngunit wala na tayong magagawa dahil akoโy napapagod na maging bihag nitong sumpa,
Pagod hindi dahil hindi na kita mahal,
Kundi dahil sarili ko na ang nawawala.
Makasarili ba ang ayaw ko nang malunod sa dagat ng iyong pangamba?
Dahil akoโy dahan-dahan nang naghuhukay ng sariling libingan.
Mahal ko, ikaw lang ang inibig ko nang todo,
Ngunit kahit mahal pa rin kita,
Kailangan ko nang piliin muna ang sarili ko at kumawala sa sumpa.
Kung ngayon ay puro na lang ako luha,
Marahil panahon ko na yata na kumawala, aking sinta.
Sumpa ang ibigin ang isang tulad mo,
Sumpa ang hayaang mawala ang sarili para sa โyo.
Sumpa na gusto ko nang kumawala.
Sulat ni: Aileen Patrimonio
Guhit ni: Akisha Nicole Dewara
๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐๐. ๐๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ง๐๐. ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐๐ก๐๐.