12/06/2026
Sa bawat watawat na ating itinataas at sa bawat awit na pumupuno sa ating mga puso, ating inaalala ang dugo, luha, at sakripisyong ibinuwis ng ating mga bayani para sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Ngayong ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ating binibigyang-pugay ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaang ating tinatamasa ngayon. Ang ating kasarinlan ay bunga ng mahabang pakikibaka laban sa pananakop, kung saan maraming bayani ang nagtiis ng paghihirap, panganib, at maging kamatayan upang maitaguyod ang kalayaan ng bansa.
Sa paggunita natin sa mahalagang araw na ito, nawaโy manatili sa ating puso at isipan ang kanilang kabayanihan at sakripisyo. Huwag nating hayaang malimot ang kanilang mga ipinaglaban at ipinagkaloob para sa ating kalayaan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at tapat na paglilingkod, maipagpapatuloy natin ang kanilang legasiyang iniwan para sa susunod na henerasyon.
Kapsyon ni: Darry Boy Peneciva