05/06/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT! ๐๐ซ๐๐ฎ
Ang pamunuan ng Balsik Elementary School ay lubos pong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026.
Maraming salamat po sa ating mga magulang, barangay officials, volunteers, stakeholders, at iba pang mga katuwang na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging malinis, maayos, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Isang espesyal na pasasalamat din po sa ating mga kapulisan at mga bumbero sa pagbabahagi ng kanilang mahahalagang kaalaman tungkol sa kaligtasan, disiplina, at kahandaan sa oras ng sakuna. Ang inyong mga aral at paalala ay malaking tulong upang maging mas ligtas at mas responsable ang ating mga mag-aaral at buong komunidad ng paaralan.
Ang inyong malasakit at pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay isang responsibilidad na pinagtutulungan ng buong komunidad. Dahil sa inyong suporta, mas nagiging makabuluhan at matagumpay ang ating Brigada Eskwela.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Mabuhay ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral! ๐๐โจ