18/08/2026
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | 𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Mga anak, wala pa ring pasok bukas, August 19, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Hermosa, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Malacañang. Batay din sa ulat ng PAGASA, inaasahang makakaranas tayo bukas ng Orange Rainfall Warning, na maaaring magdulot ng mas matinding pag-ulan, pagbaha, at pagtaas ng tubig sa ilang lugar.
Samantala, maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes o modular distance learning, alinsunod sa pagpapasya ng mga school heads at sa kakayahan ng bawat paaralan.
Patuloy din ang ating response teams sa monitoring at paghahatid ng kinakailangang serbisyo at tulong sa ating mga kababayan ngayong panahon ng kalamidad.
Para sa kaligtasan ng bawat Hermoseño, narito ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang agarang tulong:
Bataan Emergency Hotline: 911
MDRRMO Hermosa: 0917-549-7739
Hermosa Marshal: 0939-937-1593
Municipal Health Office (MHO): 0917-117-7187
Philippine National Police (PNP): 0998-598-5360
Bureau of Fire Protection (BFP): 0919-865-4441
Manatiling alerto at ligtas ang lahat.
𝗦𝗔𝗠𝗔-𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗥𝗠𝗢𝗦𝗔!