11/08/2026
๐ ๐๐ฌ ๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ฆ | ๐๐จ๐๐จ๐ฆ๐ง ๐ญ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Dahil sa inaasahang mas maayos na lagay ng panahon bukas, may pasok na po sa lahat ng antas ng paaralan at balik-trabaho na rin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
MALIBAN SA:
1. Pulo Elementary School โ Ayon sa abiso ng school principal, kung may mga mag-aaral na makapapasok bukas, nakahanda naman po ang paaralan na tanggapin sila dahil nalinis na ng ating mga g**o ang kanilang mga silid-aralan.
Gayunman, kung may mga mag-aaral na hindi pa makalalabas ng kanilang mga tahanan dahil may baha pa sa kanilang lugar, pinapayuhan po silang huwag munang pumasok at unahin ang kanilang kaligtasan.
2. Almacen Elementary School โ Hindi muna papapasukin ang mga mag-aaral dahil mayroon pa ring tubig-baha sa paligid ng paaralan. Gayunman, papasok ang non-teaching personnel upang ipagpatuloy ang mga kinakailangang gawain sa paaralan.
Para sa kaligtasan ng lahat, patuloy po nating bantayan ang lagay ng panahon at mag-ingat sa pagpasok at pagbiyahe.
Sa ating mga mag-aaral, mag-aral nang mabuti at galingan! Ingat, mga anak! Kita-kits bukas!
๐ฆ๐๐ ๐-๐ฆ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐ฆ๐!