25/10/2025
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ, ๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ, ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง โ ๐ข๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก!
-
Sa bawat patimpalak na isinagawa, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang talino, kakayahan, at dedikasyon sa larangan ng Agham Panlipunan. Ang kanilang mga ideya at talento ay nagsilbing patunay na buhay ang malasakit at kritikal na pag-iisip ng kabataang Pilipino.
Bilang pagtatapos ng selebrasyon, binibigyang-pugay natin ang lahat ng lumahok at nagwagi sa mga patimpalak. Hindi man lahat ay nag-uwi ng karangalan, ang inyong partisipasyon at pagsisikap ay sapat na dahilan upang ipagdiwang.
Taos-pusong nagpapasalamat ang ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ sa inyong walang sawang pakikilahok at suporta sa lahat ng aming inihandang patimpalak. Ang inyong sigasig at dedikasyon ang dahilan kung bakit naging matagumpay at makulay ang pagdiriwang na ito.
Nawaโy maging paalala sa ating lahat ang kahalagahan ng kasaysayan na itoโy hindi lamang dapat alalahanin, kundi isabuhay at isapuso. Sa pag-unawa sa nakaraan, nagiging daan tayo tungo sa mas maunlad at makataong kinabukasan.
๐: Lorraine Dela Cruz |
HUMSS CLUB President
๐จ: Princess Jhe Ann Clemente |
HUMSS CLUB G12 P.I.O.