09/09/2026
Ang Batang Ramona ay Laging Handa!
๐๐๐
๐ข PAALALA SA LINDOL AT โTHE BIG ONEโ
Huwag matakotโmaghanda! Ang lindol ay hindi maaaring tumpak na mahulaan, kaya ang pinakamabisang proteksyon ay kaalaman, kahandaan, at tamang pagkilos.
Sa oras ng lindol, tandaan:
๐ง DROP โ Yumuko o lumuhod upang hindi matumba.
๐ก๏ธ COVER โ Magtago sa ilalim ng matibay na mesa at protektahan ang ulo at leeg.
โ HOLD โ Kumapit nang mabuti hanggang sa tumigil ang pagyanig.
Huwag agad tumakbo palabas habang malakas ang pagyanig. Maaaring may bumagsak na debris, salamin, kagamitan, o bahagi ng gusali. Pagkatapos ng pagyanig, maingat na lumikas sa itinakdang evacuation area at maging handa sa aftershocks.
Ang tinatawag na โThe Big Oneโ ay tumutukoy sa posibleng napakalakas na lindol. Sa Metro Manila, ang kilalang scenario ay magnitude 7.2 mula sa West Valley Fault, ngunit binibigyang-diin ng PHIVOLCS na bawat lugar ay may sariling earthquake hazards depende sa mga fault at trench na malapit dito.
Tandaan:
โ๏ธHindi natin alam kung kailan darating ang malakas na lindol, ngunit maaari nating ihanda ang ating sarili bago ito dumating. Huwag mag-panicโBE PREPARED!โ**
DOH: PAGSERYOSO SA EARTHQUAKE DRILL, MAHALAGANG HAKBANG PARA MAKALIGTAS SA LINDOL
Walang pinipiling oras at lugar ang lindol. Kaya naman, mahalagang maging handa at malaman ang mga dapat gawin para maprotektahan ang sarili at mga mahal sa buhay.
Makilahok at seryosihin ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa ika-10 ng Setyembre, 2pm, para maging handa at makatugon nang tama sakaling tumama ang lindol.