DepEd Iba Poblacion Elementary School - 104840

DepEd  Iba Poblacion Elementary School - 104840

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Iba Poblacion Elementary School - 104840, School, Iba Poblacion, bulacan, Hagonoy.

Photos from DepEd  Iba Poblacion Elementary School - 104840's post 20/08/2026

AUGUST 19-20, 2026

Patuloy na isinagawa ng Iba Poblacion Elementary School ang Alternative Delivery Mode (ADM) bilang bahagi ng aming patuloy na paghahatid ng dekalidad, ligtas, at makabuluhang edukasyon sa bawat mag-aaral.

Sa tulong ng ating mga masisipag na g**o at ng walang sawang suporta ng mga magulang at tagapag-alaga, naipagpapatuloy natin ang pagkatuto saan man naroroon ang ating mga mag-aaral.

School Head: Ma'am Roselda Mateo Baylon
District Supervisor: Doc Charito Navarro Laggui

Photos from DepEd  Iba Poblacion Elementary School - 104840's post 18/08/2026

AUGUST 18, 2026

Patuloy na isinagawa ng Iba Poblacion Elementary School ang Alternative Delivery Mode (ADM) bilang bahagi ng aming patuloy na paghahatid ng dekalidad, ligtas, at makabuluhang edukasyon sa bawat mag-aaral.

Sa tulong ng ating mga masisipag na g**o at ng walang sawang suporta ng mga magulang at tagapag-alaga, naipagpapatuloy natin ang pagkatuto saan man naroroon ang ating mga mag-aaral.

📸 Ang mga larawang ibinahagi ay may pahintulot (parental consent) mula sa mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-aaral.

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan ng buong komunidad ng Iba Poblacion Elementary School sa pagtataguyod ng ligtas at tuloy-tuloy na edukasyon.

School Head: Ma'am Roselda Mateo Baylon
District Supervisor: Doc Charito Navarro Laggui

Photos from DepEd  Iba Poblacion Elementary School - 104840's post 17/08/2026

SBFP SA IPES! ❤️

Patuloy na Paghahatid ng Nutrisyon sa Kabila ng Masamang Lagay ng Panahon

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan at suspensyon ng klase, hindi naging hadlang ang masamang lagay ng panahon upang maipagpatuloy ng Iba Poblacion Elementary School (IPES) ang School-Based Feeding Program (SBFP) para sa ating mga mag-aaral.

Ngayong ika-17 Agosto 2026, sa halip na hintayin ang mga bata sa paaralan, ang ating mga g**o ay nagsikap na maihatid ang pagkain sa itinakdang lugar upang matiyak na patuloy na matatanggap ng ating mga mag-aaral ang kinakailangang nutrisyon.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Iba Poblacion Elementary School kay Kapitan Kim Robles sa pagpapagamit ng Barangay Court bilang lugar ng pamamahagi ng mga Food packs. Ang inyong pakikiisa at pagbibigay ng lugar ay malaking tulong upang maging maayos, ligtas, at organisado ang pamamahagi sa ating mga mag-aaral. 🙏❤️

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng g**o, non-teaching personnel, barangay officials, at iba pang katuwang na naglaan ng oras, lakas, at serbisyo upang maisakatuparan ang programang ito sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon.

Ang pagkilos na ito ay patunay na sa panahon ng hamon, nagkakaisa ang paaralan at komunidad para sa kapakanan ng bawat batang IPES.

School Head: Ma'am Roselda Mateo Baylon
District Supervisor: Doc Charito Navarro Laggui

Photos from DepEd  Iba Poblacion Elementary School - 104840's post 17/08/2026

AUGUST 17, 2026

Patuloy na isinagawa ng Iba Poblacion Elementary School ang Alternative Delivery Mode (ADM) bilang bahagi ng aming patuloy na paghahatid ng dekalidad, ligtas, at makabuluhang edukasyon sa bawat mag-aaral.

Sa tulong ng ating mga masisipag na g**o at ng walang sawang suporta ng mga magulang at tagapag-alaga, naipagpapatuloy natin ang pagkatuto saan man naroroon ang ating mga mag-aaral.

📸 Ang mga larawang ibinahagi ay may pahintulot (parental consent) mula sa mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-aaral.
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan ng buong komunidad ng Iba Poblacion Elementary School sa pagtataguyod ng ligtas at tuloy-tuloy na edukasyon.

School Head: Ma'am Roselda Mateo Baylon
District Supervisor: Doc Charito Navarro Laggui

16/08/2026

📢 PABATID | HINAY (EASE-IN) LEARNING APPROACH

Ipinababatid sa lahat ng Batang IPES at mga magulang , bukas Agosto 17, 2026, ay ipatutupad ng Iba Poblacion Elementary School ang HINAY (Ease-In) Learning Approach.
Ito ay dahil nananatiling lubog sa tubig-baha ang ilang bahagi ng ating school grounds dulot ng pag-ulan na dala ng Habagat at high tide.
Sa ilalim ng HINAY, magpapatuloy ang pagkatuto sa mas magaan, mas mabagal, at mas flexible na paraan, habang higit na isinasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral at personnel.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng paaralan para sa mga susunod na update.

Kaligtasan muna. HINAY muna. Tuloy ang pagkatuto. 🌧️📚

Want your school to be the top-listed School/college in Hagonoy?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Iba Poblacion, Bulacan
Hagonoy
3002