San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023

San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023

Share

INTEGRITY • SERVICE • EXCELLENCE

06/08/2023

ROAD FROM HAGONOY TO MALOLOS, BULACAN PROVINCE, ca 1910's-1930's

Photos from San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023   's post 14/07/2023

Pagbati at Salamat our SSG Officers!

Pagbati sa isang mahusay at matagumpay na taon aming mga Graduates at Grade 10 completers—

Pinatunayan ninyo na hindi lamang sa paglilingkod maaasahan ang bawat isa kundi maging sa inyong pag-aaral.

Once again Congratulations and Good luck on next journey our ever reliable Student-Leaders! ❤️🏅

Layout by: SSG, Vice-President

Photos from San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023   's post 12/07/2023

Sa aming minamahal na Pedronians!

Handog namin sa inyo ang parangal na ito, parte kayo ng tagumpay ng aming organisasyon. Maraming salamat! Asahan ninyo na patuloy ang isang maayos at malinis na konseho, hindi kami magsasawa na maging boses ng bawat isa sa inyo.

Basta batang San Pedro, puno ng talento at talino. Maraming salamat! ❤️🤎


Photos from San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023   's post 12/07/2023

SALAMAT, PEDRONIANS!

Tunay na naging makabuluhan ang taon na ito para sa buong organisasyon ng Supreme Student Government.

Ngunit tulad ng iba darating tayo sa dulo kung saan magpapasalamat at magpapaalam.

Isang karangalan na makapaglingkod sa ating sintang paaralan at maging boses ninyo Pedronians. Higit ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa mula simula hanggang ngayon na dumating na ang wakas.

Asahan ninyo na mabago man ang pangalan at iba man ang mga mukhang masisilayan ay hindi magbabago ang adhikain ng organisasyon. Patuloy tayo sa isang maayos at malinis na konseho. Patuloy sa pag-unlad kasama kayo.

Maraming salamat sa mga nabuong alala, samahan, at pagkakaibigan. Maraming salamat dahil naging malaking parte kayo ng isang makabuluhang taon.

This has been your Supreme Student Government S.Y. 2022-2023, signing off. ❤️

20/06/2023

Lost Wallet inside San Pedro National High School Campus!

Magbigay kaalaman kay Rosel Santos sa kaniyang Facebook Profile kung ito ma'y matatagpuan.

Manatiling tapat, Pedronians!

12/06/2023

Ang Supreme Student Government - SPNHS ay taas noong nakikiisa sa sambayanang pilipino sa pagdiriwang ng ika-125 Taong Araw ng Kalayaan. Kaya't ngayong araw na ito, isang daan dalawampu't limang taon na ang nakakaraan ay marapat lamang nating sariwain ang pagkamit ng ating pinaka-inaasam na kasarinlan at pagpapala ng demokrasya para sa Pilipinas.

PAALALA NG SSG - SPNHS: Sariwain natin ang makasaysayang araw na ito hindi lamang dahil ito ay taun-taong ipinagdiriwang kung 'di ipagdiwang natin ito upang bigyang pagpupunyagi ang mga sakripisyo at pagsisikap ng ating mga bayani para sa kasarinlan ng ating bansa.

Nawa'y maging palatandaan ito ng ating pagiging isang matatag at mapagbunying nagkakaisang bansa nang sa gayon ay hindi masayang ang nilaang dugo at buhay ng ating mga ninuno. Ipagpatuloy natin ang kanilang nasimulang mga adhikain at karapatang ipinaglaban, itaguyod natin ang isang nagkakaisang bansa na ang sandigan ay mga displinado at responsableng kabataan na magiging ehemplo sa panahong ito.

Caption by Christian Dale Jacob
Layout by Nestle Santos

Photos from San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023   's post 02/06/2023

Dokumentasyon ; HALALAN 2023 —

Ganap na ika-2 ng Hunyo taong 2023, matagumpay na naganap ang taunang eleksyon para sa konseho ng mga mag-aaral ng San Pedro National High School.

Pagbati sa mga nagsipagwagi—

President -
Lacanlale, Pauleen

Vice President
Perez, Laidelwyn

Secretary -
Bernardo, Nicole

Treasurer
Nabong, Ynah Franchesca

Auditor
Magbitang, Heart

PIO
Marigsa, Alena

P.O.
Calayag, Luzelle

Grade 8 Representative -
Dela Cruz, Cyriez
Sarmiento, Louise

Grade 9 Representative -
Jacob, Christian Dale
Jhamboy, Dima

Grade 10 Representative -
Tiangco, Reeyan
Santos, Aeriel

Grade 11 Representative -
Clemente, Shareen
Tamayo, Carl

Grade 12 Representative -
Barretto, Louella
Dela Cruz, Joseph

Nawa'y maging produktibo at maunlad ang inyong administratibo!





Caption and Layout by: NESTLE SANTOS

01/06/2023

HALALAN 2023

—HUNYO 2, 2023

Matapos ang halos isang linggong pangangampanya, pag kilala, at pagpapa malas ng mga adhikain para sa paaralan ay oras na para maghalal ng mga susunod na maglilingkod at magpapatuloy ng isang maayos na pamamahala.

Siguraduhing ang bawat balota ay kalakip ang bawat sumusunod na posisyon:

[1] PRESIDENT
[1] VICE PRESIDENT
[1] SECRETARY
[1] TREASURER
[1] AUDITOR
[1] PUBLIC INFORMATION OFFICER
[1] PROTOCOL OFFICER
[2] GRADE LEVEL REPRESENTATIVES

Pedronians, buksan ang mga mata at iboto ang tunay na karapat-dapat!





LAYOUT BY: Nestle Santos
CAPTION BY: Keeshia Sorel

24/05/2023

WHAT: SSG PODCAST SHOOT

WHEN: THURSDAY, MAY 24, 2023 — 12:30 P.M.

WHERE: San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023 FB Live

Kita-kits, Pedronians!

PODCAST ALERT! 🎙️

Matapos ang mahigit pitong buwan ng pagsubaybay sa kanilang panunungkulan -- simula sa kanilang panunumpa sa tungkulin hanggang sa ngayon, nabalot ng saya, ng pag-asa, at ng pagsasama-sama ang konseho ngayong taon.

Ilang linggo na lamang ang nalalabi, ang konseho ay magpapalit na ng mandato. Bagama't may mga lilisan, meron namang mga panibagong uugong na pangalan na tatanggapin ang hamon ng panunungkulan.

Kaya't inihahandog ng Supreme Student Government ng San Pedro National High School ang kanilang kauna-unahang podcast episode ng paaralan para sa taong pampaaralan 2022-2023 na pinamagatang "Supreme Student Government Podcast Episode 1: Leadership—"

Makibahagi at makinig sa diskusyon na siyang tatalakay sa kanilang naging karanasan sa pamumuno at magkaroon ng bagong kaalaman kung paano ang mga lider-estudyanteng ito ay kinatawanan ang kanilang tungkulin.

Magkita-kita tayo sa susunod na linggo, Pedronians!

🔴 (This project will be broadcast via Facebook Live of San Pedro National High School - Supreme Student Government 2022-2023)

Caption ni Christian Dale Jacob
Layout ni Nestle L. Santos

Want your school to be the top-listed School/college in Hagonoy?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


San Pedro Hagonoy, Bulacan
Hagonoy
3002