DepEd Mercado Elementary School

DepEd Mercado Elementary School

Share

this is a public school public school

22/07/2026

🚨 BABALA | HUWAG GAWING BIRO ANG MGA BANTA SA PAARALAN 🚨

Ang Mercado Elementary School ay mahigpit na nagpapaalala sa lahat ng mag-aaral, magulang, at miyembro ng komunidad na ang anumang pagbibiro o pagpapadala ng mensaheng may banta tungkol sa bomba, baril, o pananakit ay hindi katatawanan.

Ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng takot, trauma, pagkaantala ng klase, at maaari ring humantong sa imbestigasyon at legal na pananagutan ayon sa umiiral na batas.

πŸ“Œ Tandaan:
βœ… Mag-isip bago mag-post o magpadala ng mensahe.
βœ… Walang biro pagdating sa pagbabanta.
βœ… Maging responsable at mapanuring digital citizen.
βœ… I-report agad sa g**o o kinauukulan ang anumang kahina-hinalang mensahe o post.

Bawat salita ay may bigat, may epekto, at may pananagutan.

Sama-sama nating pangalagaan ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na Mercado Elementary School.





22/07/2026

π—›π—”π—šπ—’π—‘π—’π—¬ π—ͺπ—˜π—¦π—§ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§ | π—¦π—”π—™π—˜ π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿπ—¦ 𝗦𝗧𝗔π—₯𝗧 π—ͺπ—œπ—§π—› π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜ π—–π—›π—’π—œπ—–π—˜π—¦

Ang paaralan ay isang lugar ng pagkatuto, paggalang, at kaligtasan. Kaya’t mahigpit nating ipinapaalala sa lahat ng ating mga mag-aaral, magulang, at stakeholders na hindi biro ang bomba, baril, at anumang uri ng pagbabanta.

Ang mga ganitong pahayagβ€”kahit sabihin pang biro lamangβ€”ay maaaring magdulot ng takot, pagkaantala ng klase, at maaari ring humantong sa kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na batas at mga patakaran ng paaralan.

Hinihikayat natin ang bawat isa na maging responsable sa ating mga salita at kilos. Mag-isip bago magsalita o magbahagi ng impormasyon. Sama-sama nating pangalagaan ang isang ligtas, mapayapa, at positibong kapaligiran para sa lahat.

Choose kindness. Choose responsibility. Choose safety.

15/07/2026

Isang ligtas at mapagpalang araw, SDO Bulacan!

Dahil sa mga nagdaang sama ng panahon, mahalagang maging handa at mulat tayo sa mga bagong alituntunin ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa pagpapatuloy ng klase tuwing may kalamidad o emergency.

Narito ang 4H sa ilalim ng DO No. 14, s. 2026 na magiging gabay ng ating mga paaralan, g**o, magulang, at mag-aaral upang masig**o na ligtas ang lahat habang patuloy ang edukasyon.

Laging tandaan: Kaligtasan ng lahat ang ating pangunahing prayoridad!

15/07/2026

Happy Birthday, Senator Sonny Angara!

Warmest birthday greetings from Mercado Elementary School family!

May God bless you with good health, wisdom, strength, and many more years of dedicated public service. Thank you for your continued support of education and for your commitment to improving the lives of Filipino learners, teachers, and communities.

Wishing you a joyful birthday and continued success in all your endeavors.

Happy Birthday and God bless!

Greetings from the Teachers, Learners, and School Community of Mercado Elementary School.

13/07/2026

πŸ“’ OPISYAL NA ABISO

Alinsunod sa DepEd Media Management Guidelines (DepEd Order Blg. 007, s. 2026), ipinapaalam namin ang pagbabago sa pangalan ng aming opisyal na page:

βœ… Mula sa: DepEd Tayo – Mercado Elementary School 104850
βœ… Magiging: DepEd Mercado Elementary School

Ang pagbabagong ito ay upang maging naaayon sa pamantayang itinakda ng Department of Education.

Patuloy po kaming maghahatid ng tumpak, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon para sa aming mga mag-aaral, magulang, g**o, at lahat ng aming mga katuwang.

Mangyaring ibahagi ang abisong ito at patuloy na sundan ang aming FB Page. Huwag po tayong maniwala o kumunsulta sa ibang pahina na gumagamit ng ibang pangalan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta! Laging magingat!

12/07/2026

Ika- 12 ng Hulyo 2026

πŸ“’ P A B A T I D

PARA SA LAHAT NG MAGULANG AT MAG-AARAL

Alinsunod sa inilabas na abiso, ipatutupad ang HINAY (Alternative Delivery Mode) sa mga klase mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 17, 2026.

Dahil dito:
βœ… WALANG FACE-TO-FACE CLASSES sa nasabing mga araw
βœ… Ang mga aralin at gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng itinakdang modality (modyul, online, o gawaing bahay)
βœ… Manatiling ligtas sa inyong mga tahanan

Mangyaring patuloy na subaybayan ang opisyal na page ng paaralan at ang mga anunsyo ng klase para sa karagdagang detalye at mga pagbabago.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

06/07/2026

Bagong linggo, bagong pagkakataon para maglingkod at magbigay-inspirasyon. Simulan natin ito nang may puso puno ng pasasalamat. Happy Monday, ka-DepEd! πŸ™βœ¨

Photos from DepEd Philippines's post 06/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

Want your school to be the top-listed School/college in Hagonoy?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


ZONE 5
Hagonoy

Opening Hours

Monday 8am - 4pm