09/09/2025
TINGNAN! 👀
Matagumpay na naisagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong ika-29 ng Agosto, 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal, naipamalas ng mga kalahok ang kanilang talento at pagpapahalaga sa ating kultura. Ang bawat pagtatanghal ay nagsilbing makabuluhang paalala ng kahalagahan ng Wikang Filipino bilang sentro ng ating pagkakakilanlan at pagkakaisa.
Isang taus-pusong pagbati ang ipinapaabot sa mga hinirang na Lakan at Lakambini na naging sagisag ng karangalan at ganda ng ating selebrasyon. Gayundin, pagbati at pasasalamat sa lahat ng mag-aaral na lumahok sa iba’t ibang aktibidad na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang.
Lubos din ang pasasalamat sa lahat ng g**o, mag-aaral, at panauhing nakiisa upang maging matagumpay ang nasabing programa.
Nawa’y patuloy nating gamitin, pahalagahan, at itaguyod ang Wikang Filipino—wika ng pagkakaisa, kasaysayan, at pagkabansa. 🇵🇭