Sta Cruz Elementary School

Sta Cruz Elementary School 108747 * Sta Cruz Elementary School * Guinayangan North District * Guinyangan Quezon

02/07/2020
02/07/2020

BOND PAPER MO/INK MO, PARA SA MODYUL KO.

Magandang araw po!

Ang kaguruan po ng Sta. Cruz Elementary School ay kumakatok sa inyong mga puso.

Ang pokus po ng Brigada Eskwela ngayong taon ay ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga bata sa kabila ng pandemyang ating nararanasan. Batid po natin na maraming mag-aaral po ang walang gadgets at internet connection, kung kaya't sila po ay mag-aaral gamit ang mga MODULES na ipo-provide ng paaralan.

Kaya kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso, hindi po kailangan ng malaking halaga para makatulong, ang ISANG REAM po ng BOND PAPER ay marami nang maaabot na mag-aaral.

Pwede din naman po cash, ito po ay well documented.

BE ONE OF OUR BRIGADA HEROES!

Thank you 😊 Stay Safe & healthy
God bless!😇






15/06/2020

Kung gusto natin malagpasan ang mga pagsubok na ito, kailangan lang natin magtulungan 🥰😍❤️🤗

02/06/2020

Dear Parents,
Wag pong matakot na I-enrol ang inyong mga anak, sana po magsagot nito ang inyong mga agam-agam. 😊

Para Po Sa Mga Magulang Na May Mga Katanungan:

1. Tanong: "Bakit ba kasi nagmamadaling magpapasok sa August 24 alam namang delikado pa?"
Sagot: No face to face learning po hangga't hindi ligtas. Pwede po sila mag home schooling, online learning at modular po. Napakarami na pong inilalatag na solusyon ng DepEd at hindi po "papasok" sa school ang mga bata--- sa bahay lamang po sila mag-aaral through "Distant Learning Modalities."

2. Tanong: "Paano ang mga batang may magulang na parehong nagtatrabaho?"
Sagot: Sa buong 24 oras po ba, nagtatrabaho po kayo? Hindi po ba kayang maglaan kahit isa hanggang dalawang oras para turuan o gabayan ang inyong anak? Hindi po ba bilang magulang ay kaakibat na po nun ang responsibilidad na gabayan at turuan sila kapag nasa tahanan? Sa totoo lang naman po kasi, kahit naman po talaga noong wala pang virus ay problema na talaga ang "follow up" sa bahay. Kahit anong pakiusap ng g**o na i-follow up ang anak sa bahay, papasok pa rin si bata nang walang homework, walang project.🥺Nakalulungkot po ito😢. Kasi po ang totoo, gusto ng karamihang mga magulang (inuulit ko po--- karamihan, HINDI po lahat), iasa sa g**o ang lahat. Ang katwiran po nila sumasahod si titser para magturo. Opo, totoo naman po responsibilidad po ng mga g**ong magturo . Pero hindi po ba't dapat magkaagapay si titser at nanay/tatay para turuan si bata? At mas higit ang oras ni bata kasama ang magulang kaysa kay teacher (lalo na po ngayon).👍

3. "Paano naman ang mga magulang na walang pambili ng gadget o pangpakabit ng internet o walang panload ng data?"
Sagot: Hindi po kayo inoobliga ni DepEd na bumili ng anumang gadgets. Kaya nga po magkakaroon ng printed modules na libre po. Opo, printed modules na libre o free. Pag- aaralan at sasagutan na lang ni bata sa paggabay po ng magulang at g**o.

4. Tanong: E paano po yung mga batang "No Read, No Write" ang mga kasama sa bahay, paano po nila gagabayan ang mga bata kung sila po mismo ay walang alam?...napaka-imposible naman po ng gusto ng DepEd!
Sagot: Kaya nga po, inaalam namin ngayong buong panahon ng enrolment (June 1-30) ang totoong sitwasyon ng bawat bata at tahanan. Kapag po si bata ay walang kasamang pwedeng magturo sa kanya,ang ibibigay po namin sa kanya ay "free modules" o SLK (Self- learning Kit) na maaari po n'yang sagutang mag-isa at PAGGABAY na lang ng mas nakatatandang kasama sa bahay ang kailangan. 😊At maaari rin pong ang ganitong mga mag-aaral ay magkaroon ng "limited supervision" mula sa mga g**o. 👍

5. Final Decision ng Magulang: "Kahit anong sabihin n'yo, hindi ko pag-aaralin ang anak ko sa taong ito".
Sagot ng DepEd: OK po.👍 Desisyon n'yo po yan. Hindi naman po kayo pipilitin. Pero hindi po hihinto ang school year para sa inyong mga ayaw (unless magkaroon ulit ng bagong mandate o guidelines na pahintuin). Paano ang mga anak n'yo pag nagkataon?

6. "Bakit kasi hindi na lang sa September o next year buksan ang klase o kapag may vaccine na?"
Sagot: Sa September po ba o next year ay mawawala na ang virus? Pag po ba may vaccine na, ligtas na po sa COVID si bata at teacher? Kaya po, habang hinihintay nating magkaroon ng vaccine, nag-aalay po ang DepEd ng mga posibleng solusyon kung saan hindi malalagay sa panganib o kapahamakan si bata o si teacher dahil "safety first before anything else" ang ating dapat na panuntunan.😊👍😊 Dahil totoo na "mas mahalaga ang buhay kesa sa edukasyon" pero "Mas masarap mabuhay nang may Kaalaman" kaya kung kakayanin naman, bakit hindi po natin subukan?





Anong kwentong enrollment mo ? Paalala po : Sa dami po ng Sta Cruz Elementary School, siguraduhin po kung saang bayan it...
02/06/2020

Anong kwentong enrollment mo ?

Paalala po :
Sa dami po ng Sta Cruz Elementary School, siguraduhin po kung saang bayan ito. Baka po may maligaw ulit . 😅

Sta Cruz Elementary School
Guinayangan North District
Quezon Province 👍🏻

01/06/2020

Sa mga mahal naming magulang,

📗Magbubukas ang klase sa August 24, 2020 ayon sa DepEd na sinang ayunan naman ng Pangulo.

📗︎Hindi po face to face hanggat walang vaccine

📗︎Hindi po ipipilit ang online kung walang internet, walang gadget, walang pangload, etc.

📗︎Modular pero pinasimple ang curriculum para kayanin. May mga ibibigay na printed materials na gagamitin.

📗︎Gagamitin din ang DepEd Commons na very accessible kahit Smart or Globe

📗︎pwede rin ang TV, radyo, o telepono kung meron

📗︎kung ayaw ng magulang ienrol ang anak, syempre po nasa inyo ang desisyon pagdating sa inyong mga anak.

📗kung gusto ng kalinawan, wag po puro react sa fb at magalit dahil ang makukuhang response o comments ay lalong nakakagulo ng isip, nakakadagdag ng stress, at hindi natutugon ang ating mga katanungan ng maayos. Pwede po kayo magtanong sa sino mang kawani ng deped na kakilala. Maaari ring panoorin ng buo ang mga paliwanag ng mga nasa sentrong pamunuan o kaya naman magbasa ng mga paliwanag pero buksan ang isipan Para ang anumang gumugulo sa ating diwa ay masagot ng tama.

📗Bakit po ba mapilit ang Deped?
👉Kasi gusto lang ng kagawaran na kahit papaano o sa anumang paraan, meron pa ring matutunan ang mga bata. Kahit konti, kahit simple, ang mahalaga meron.

📗Ano ang alam ng magulang sa pag-aaralan ng bata?
👉Tingnan po muna natin bago dumada. Malay natin, habang nakasubaybay ang magulang, sabay silang matuto ng kanyang anak. E di mas bongga. Wag mag-alala, si teacher isang text o pm lang nakaalalay na

📗️Wala naman sig**ong magulang na hindi matutuwa kung nakikita nyang ang kanyang anak ay nagbabasa, nag-aaral O may ginagawang makabuluhan sa bahay habang hinihintay natin na magkaroon ng gamot sa Covid 19. Ituring nalang po natin itong bagong kagamitan o pagkain. Bakit di subukan. Libre naman. Pero sa private syempre may bayad. May regulasyon din sila para masig**o ang kaligtasan ng.mga bata. Makipag-ugnayan. Yun po ang pinakamainam.

📘Muli po, nasa mga magulang ang pagpapasya kung ieenrol ang anak nila. Basta ang deped po ay hindi tutunganga.

📘Tandaan po natin, ang DepEd ay kaisa sa anumang makabubuti para sa mga bata. Magulang po tayong lahat na walang tanging nais kundi mapabuti ang ating mga anak.

📒

😷
😇

*repost, credits to the owner

01/06/2020

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi muna magsasagawa ng "Physical Enrollment" ang mga paaralan sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Sa halip ay gagawin muna ang enrollment sa pamamagitan ng internet, text at tawag.

Parents can only visit schools after June 15, says DepEd exec: https://bit.ly/3cg6BiY

31/05/2020

Sa harap ng COVID-19 pandemic, maiging pangalagaan din natin ang ating mental health. Manatili tayong kalmado at may malinaw na pag-iisip. Ibahagi na para sa kaalaman ng iba! | Pinoy MD

Nakaenroll na ba ang inyong mga anak ? Kung hindi pa , Narito ang ilang paraan para makapag enroll na hindi pumupunta sa...
31/05/2020

Nakaenroll na ba ang inyong mga anak ?

Kung hindi pa , Narito ang ilang paraan para makapag enroll na hindi pumupunta sa paaralan.

Address

Guinayangan
4319

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta Cruz Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category