05/09/2026
“Kung saan may patanim, kami ang walang makain.”
Mula sa konseptong halos isang taong pinag-aralan at sinaliksik, inialay ng Nabangka National High School ang isang interpretasyon ng Guinayangan Massacre sa entablado ng Pinasayaw.
Sa pamamagitan ng bawat galaw at indak, muling binuhay ng mga mag-aaral ang alingawngaw ng mahigit 6,000 magsasaka at magniniyog na buong-tapang na nagmartsa laban sa napakababang presyo ng kopra, militarisasyon, at pagnanakaw sa Coco Levy Fund noong Batas Militar. Inialay ang pagtatanghal bilang pagpupugay sa alaala nina Juliana Hara at Eutiquio Encisio—mga bayaning nagbuwis ng buhay sa gitna ng marahas na pamamaril ng Philippine Constabulary.
Bukod sa pag-alala sa nakaraan, ito ay isang matapang na panawagan sa kasalukuyan. Ipinakita ng pagtatanghal na hanggang ngayon, ang mga magsasaka at mangongopra sa Quezon ay patuloy na nahaharap sa kahirapan. Isang sigaw ito sa gobyerno na bigyan ng tunay na pansin, katarungan, at suporta ang mga mamamayang nagpapakain sa bansa.
🏆ISANG MATAAS NA PAGPUPUGAY AT PAGBATI SA NABANGKA NATIONAL HIGH SCHOOL - LUMAYAG DANCE TROUPE! 🏆
Isang malaking karangalan ang saksihan ang sining na may layunin at paninindigan. Nasungkit ng Nabangka NHS ang 1st Runner-Up sa Pinasayaw sa ginanap na 4th Congressional District Festival of Talents (CFOT), dahilan upang maging opisyal na Division Qualifier!
Gayundin, ipinahahatid ng paaralan ang malaking pasasalamat para sa pamayanan ng Nabangka NHS at sa lahat ng indibidwal na naghandog ng suporta na naging sanhi upang maibigay ang lahat ng pangangailangan sa pagtatanghal at maisakatuparan ang hinahangad na tagumpay.
Higit sa lahat, pagsaludo sa labing-apat na Nabangkerong mananayaw na dumaan sa maigting na preparasyon at nagpamalas ng husay sa harap ng 4th Congressional District ng DepEd-Quezon.
✅ Allen Zyl Samarita
✅ Apple Cachuela
✅ Chris Jeric Mendoza
✅ Jillian Vertucio
✅ Xiell Zoe Celera
✅ Joseph Cueto
✅ John Paul Alegado
✅ John Paul Porillo
✅ Princess Cathaleah Doydora
✅ Lyka Samarita
✅ Hannah Louisse Evangelista
✅ Sophia Cuslie Cantos
✅ MJ Ursua
Coaches: Juana Pujanes, Eddziel Orbe, Justine Sarmiento, at Marycris Dimaano
Maligayang bati at ipagpatuloy ang pag-indak para sa katarungan tungo sa Division Level!
Nabangkero, patuloy na naglalayag, patuloy na namamayagpag! 🚣♀️🌊