DepEd Tayo Dancalan Caimawan ES-Quezon Province

DepEd Tayo Dancalan Caimawan ES-Quezon Province "Mayroong pagkalinga at disiplina; bawat mag-aaral ay sumusulat, bumibilang, at bumabasa."

OPLAN BALIK ESKWELA 2026Magandang araw, mga magulang, mag-aaral, at mga stakeholder!Bilang paghahanda sa pagbubukas ng k...
05/06/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Magandang araw, mga magulang, mag-aaral, at mga stakeholder!

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, ang Dancalan Caimawan Elementary School ay nagpapaalala na ang Oplan Balik Eskwela 2026 Public Assistance Command Center (OBE-PACC) ay handang tumugon sa inyong mga katanungan, hinaing, at iba pang kaugnay na usapin sa edukasyon.

Maaari kayong sumangguni sa amin para sa mga sumusunod:

✅ Enrollment Concerns
✅ School Policies and Requirements
✅ Learner Transfer and Records Requests
✅ School Facilities and Services
✅ Other School-Related Concerns

Ang ating Public Assistance Command Center ay magsisilbing tulay upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagbabalik-eskwela ng bawat mag-aaral.

📞 MGA DETALYE AT CONTACT PERSONS:

Para sa mga katanungan, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa ating OBE-PACC Team:

Jan Christopher R. Cafe (Chairperson / Principal I)

Princess Dianne A. Cleope (Member)

Makipag-ugnayan sa pamamagitan ng:

📱 Cellular Phone Number: 09948716781

📧 Email: [email protected]

💻 page: DepEd Tayo Dancalan Caimawan ES - Quezon Province

📍 Oplan Balik Eskwela 2026
📍 Dancalan Caimawan Elementary School (Guinayangan South District, SDO Quezon Province)
🤝 Handang maglingkod para sa inyong mga katanungan at pangangailangan.

Inaanyayahan natin ang lahat na makiisa sa layuning makapaghatid ng de-kalidad at inklusibong edukasyon para sa bawat kabataang Pilipino.

Maka-Diyos | Maka-tao | Makakalikasan | Makabansa

Sama-sama para sa isang ligtas, maayos, at matagumpay na Balik-Eskwela 2026!



𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚, 𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐢𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐢𝐦𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐄𝐒Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, mat...
02/06/2026

𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚, 𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐢𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐢𝐦𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐄𝐒

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, matagumpay na isinagawa ng Dancalan Caimawan Elementary School ang kick-off program ng Brigada Eskwela noong Hunyo 1, 2026, na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

Pinangunahan ng Brigada Eskwela Coordinator ang programa at tinalakay ang kahalagahan ng taunang gawain sa pagpapanatili ng maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran ng paaralan. Inilahad din ang mga nakatakdang gawain na isasagawa sa loob ng limang araw ng Brigada Eskwela.

Bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng paaralan at komunidad, nagsagawa ng paglagda sa commitment wall ang mga kalahok bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pakikibahagi sa programa.

Kinilala rin ng paaralan ang mga indibidwal at grupong naglaan ng kanilang oras, serbisyo, at donasyon, kabilang ang mga g**o, SPTA officers, mga opisyal ng Sangguniang Barangay, at Sangguniang Bayan.

Pagkatapos ng programa, agad na sinimulan ang paglilinis at pagsasaayos ng iba’t ibang bahagi ng paaralan bilang paghahanda sa pagdating ng mga mag-aaral.

Patuloy namang hinihikayat ng paaralan ang buong komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.



📣 PANAWAGAN PARA SA BRIGADA ESKWELA 2026! 📣🗓 Hunyo 1-5, 2026📍Dancalan Caimawan Elementary School Mga minamahal naming ma...
18/05/2026

📣 PANAWAGAN PARA SA BRIGADA ESKWELA 2026! 📣
🗓 Hunyo 1-5, 2026
📍Dancalan Caimawan Elementary School

Mga minamahal naming magulang, mag-aaral, alumni, katuwang sa komunidad, at mga stakeholder:
Sa darating na Hunyo 1-5, 2026, muling bubuksan ang mga pintuan ng Dancalan Caimawan Elementary School para sa taunang Brigada Eskwela, na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”!
Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang simpleng paglilinis o pagkukumpuni ng silid-aralan. Isa itong makabuluhang hakbang tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa ating mga kabataan. Ito ay isang patunay ng pagkakaisa ng buong komunidad para sa edukasyon!
🛠️ Ano ang maaaring maibahagi?
✔️ School supplies (papel, lapis, bolpen, notebooks)
✔️ Cleaning materials (walis, mop, bleach, sabon, basura bag)
✔️ Paint and hardware materials
✔️ Labor o serbisyo (pintura, pagkumpuni, paglilinis, atbp.)
✔️ Pagkain o inumin para sa mga volunteers
🤝 Sinu-sino ang maaaring sumali?
✅ Mga magulang at guardians
✅ Mga g**o at mag-aaral
✅ Alumni
✅ NGOs, pribadong sektor, LGUs
✅ Bawat isa sa komunidad na may malasakit sa edukasyon!

🕘 Lunes hanggang Biyernes | 8:00 n.u. – 5:00 n.h.
🏫 Dancalan Caimawan Elementary School
🎯 Ang inyong munting ambag ay may malaking ambag sa kinabukasan ng kabataan!
Halina’t makiisa. Magsama-sama tayong magtaguyod ng isang paaralang handa para sa bagong taon ng pag-aaral. Sama-samang pagkilos, sama-samang tagumpay!

📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay/sa:
👨‍🏫 G. Jan Christopher R. Café-Punongg**o I
page: DepEd Tayo Dancalan Caimawan ES-Quezon Province
School Mail: [email protected]
📌Poster Layout: Ma'am Ayesha Pantoja



National Women’s Month 2026 ✨💜Dancalan Caimawan Elementary School proudly joins the nation in celebrating National Women...
02/03/2026

National Women’s Month 2026 ✨💜

Dancalan Caimawan Elementary School proudly joins the nation in celebrating National Women’s Month this March!

We honor the strength, courage, and remarkable contributions of women in our school and community — our hardworking teachers, devoted mothers, supportive staff, and empowered young girls who continue to inspire excellence and positive change every day.

May this celebration remind us to promote equality, respect, and inclusivity in all that we do. Let us work together in creating a safe and empowering environment where every woman and girl can thrive and succeed.

Show your support!
Purple Your Profile by using the official NWMC frame:
https://www.twibbonize.com/nwmc2026



Makulay at Makabuluhang Pagdiriwang ng National Arts Month sa Dancalan Caimawan ESIsang makulay, masigla, at makabuluhan...
28/02/2026

Makulay at Makabuluhang Pagdiriwang ng National Arts Month sa Dancalan Caimawan ES

Isang makulay, masigla, at makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa sa Dancalan Caimawan Elementary School noong ika-27 ng Pebrero 2026 bilang paggunita sa National Arts Month na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting.”

Sinimulan ang programa sa isang makulay na parada na nilahukan ng lahat ng mag-aaral at g**o. Sinundan ito ng isang panalangin at roll call ng mga kalahok. Itinampok din ang presentasyon ng YELL na nagbigay ng dagdag sigla at enerhiya sa buong pagtitipon. Nagbigay naman ng mensahe si Jan Christopher R. Cafe na nagpaalala sa kahalagahan ng sining bilang daluyan ng pagpapahayag ng damdamin, talento, at kultura.

Lalong naging kapanapanabik ang pagdiriwang sa isinagawang mga paligsahan tulad ng Poster Making, Slogan Making, Coloring Contest, Spoken Poetry, at Singing Contest. Tampok din ang mga natatanging patimpalak gaya ng Mutya at Lakan ng Sining. Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa kanilang husay sa Dance Interpretation at iba pang pampasiglang bilang.

Sa bahagi ng paggagawad, kinilala at pinarangalan ang mga nagwagi at kalahok sa iba’t ibang patimpalak. Iginawad ang mga sertipiko ng pagkilala at partisipasyon bilang pagpupugay sa kanilang talento, pagsisikap, at dedikasyon.

Nagtapos ang programa sa isang panalangin bilang pasasalamat sa matagumpay na selebrasyon. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang pagdiriwang sapagkat naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang galing at pagkamalikhain habang pinahahalagahan ang sining bilang mahalagang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan.

Ang pagdiriwang na ito ay patunay na ang Dancalan Caimawan ES ay patuloy na sumusuporta at nagbibigay-halaga sa talento at kakayahan ng bawat mag-aaral sa larangan ng sining.

Kab Iskawt ng DCES, Matagumpay na Nakilahok sa 13th Municipal EncampmentMasiglang nakiisa ang mga Kab Iskawt ng Dancalan...
15/02/2026

Kab Iskawt ng DCES, Matagumpay na Nakilahok sa 13th Municipal Encampment

Masiglang nakiisa ang mga Kab Iskawt ng Dancalan Caimawan Elementary School sa ginanap na 13th Municipal Encampment na ginanap sa Danlagan Elementary School noong Pebrero 14, 2026. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng iba’t ibang paaralan mula sa Guinayangan North at Guinayangan South DIstrict na may layuning palakasin ang samahan, disiplina, at kakayahan ng bawat batang Iskawt.

Aktibong lumahok ang mga Kab Iskawt sa iba’t ibang aktibidad tulad ng obstacle challenges, yell presentation, at mga larong nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa. Ipinamalas nila ang kanilang tapang, husay, at pagkakaisa sa bawat laro na kanilang sinalihan.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan sa mga magulang at g**o na nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang paglahok ng ating mga KAB Scouts sa Municipal Encampment.



PAGBATI| Dancalan Caimawan Supreme Elementary Learners Government Officer para sa SY 2026-2027Taos-puso naming binabati ...
12/02/2026

PAGBATI| Dancalan Caimawan Supreme Elementary Learners Government Officer para sa SY 2026-2027

Taos-puso naming binabati ang mga nagwagi sa ginanap na Supreme Elementary Learners Government (SELG) Election para sa Taong Panuruan 2026–2027.Sa pamumuno ng kanilang Pangulo na si Jobel A. Espiritu, nawa’y magsilbi kayong mabuting halimbawa ng matapat, may pananagutan, at makabuluhang pamumuno para sa inyong kapwa mag-aaral.


Kabataang Lider, Nagkaisa sa SELG Miting de Avance ng Dancalan Caimawan ESMatagumpay na isinagawa ng dalawang opisyal na...
05/02/2026

Kabataang Lider, Nagkaisa sa SELG Miting de Avance ng Dancalan Caimawan ES

Matagumpay na isinagawa ng dalawang opisyal na partido ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) ng Dancalan Caimawan Elementary School ang kanilang Miting de Avance ngayong Pebrero 5, 2026.

Ang nasabing gawain ay nagsilbing mahalagang entablado upang maipahayag ng mga batang lider ang kanilang mga plataporma, adbokasiya, at bisyon para sa isang mas masigla, responsable, at nagkakaisang komunidad ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, naipamalas nila ang kanilang kahandaan na magsilbi at manguna nang may integridad at malasakit.

Pinagtibay ng aktibidad ang kahalagahan ng responsableng pamumuno at pakikiisa sa pagtataguyod ng isang maunlad at maayos na samahan ng mga mag-aaral.

Ang matagumpay na Miting de Avance ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Dancalan Caimawan Elementary School na hubugin ang mga kabataang lider na may malasakit, disiplina, at pagmamahal sa serbisyo.


SELG Election 2026Pangangampanya sa Bawat Silid-Aralan, Isinagawa sa Dancalan Caimawan ESMatagumpay na naisakatuparan ng...
04/02/2026

SELG Election 2026

Pangangampanya sa Bawat Silid-Aralan, Isinagawa sa Dancalan Caimawan ES

Matagumpay na naisakatuparan ngayong Pebrero 4, 2026 ang pangangampanya sa bawat silid-aralan bilang bahagi ng paghahanda para sa Supreme Elementary Learner Government (SELG) Election 2026 sa Dancalan Caimawan Elementary School.

Sa isinagawang aktibidad, ang mga kandidato para sa iba’t ibang posisyon ng SELG ay nagpakilala sa bawat silid-aralan at maayos na inilahad ang kanilang mga plataporma, layunin, at adbokasiya para sa darating na halalan. Layunin ng gawaing ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral upang magsilbing gabay sa kanilang matalinong pagpili ng mga magiging lider.

Ipinamalas ng mga kandidato ang kanilang kakayahan sa pamumuno, husay sa pakikipagkomunikasyon, at malasakit sa kapwa mag-aaral, na mahalagang katangian ng isang responsableng pinuno. Ang aktibidad ay naisagawa nang may kaayusan at disiplina sa tulong at paggabay ng mga g**o at tagapangasiwa ng paaralan.

Ang gawaing ito ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapalaganap ng diwa ng demokrasya, responsableng pagboto, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing pampaaralan.

Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na maging mapanuri, responsable, at tapat sa pagpili ng mga pinunong tunay na magsisilbi para sa ikabubuti ng buong paaralan.


Handa na ang mga Bagong Lider: Screening at Validation ng mga Kandidato para sa SELG sa Dancalan Caimawan ES Aktibong is...
03/02/2026

Handa na ang mga Bagong Lider: Screening at Validation ng mga Kandidato para sa SELG sa Dancalan Caimawan ES

Aktibong isinagawa ng Dancalan Caimawan Elementary School ang Screening and Validation ng mga kandidato para sa SELG ngayong ika-3 ng Pebrero, 2026 bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na halalan ng mga mag-aaral. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng itinalagang Learners Government COMEA na si Bb. Nicole Jazarino.

Layunin ng gawaing ito na masig**ong ang bawat kandidatong tumatakbo sa iba’t ibang posisyon ay may sapat na kakayahan, mabuting asal, at malinaw na hangaring maglingkod sa kapwa mag-aaral at sa paaralan. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng mga dokumento, panayam, at rekord ng pag-uugali at pag-aaral, tiniyak ng mga tagasuri na ang bawat kalahok ay kwalipikado at handang gampanan ang responsibilidad ng pagiging isang lider.

Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapaunlad ng disiplina, katapatan, at pananagutan ng mga mag-aaral. Ipinamalas din nito ang kanilang kahandaan na makibahagi sa pamamahala ng paaralan at magsilbing mabuting halimbawa sa kanilang mga kapwa mag-aaral.

Higit sa lahat, pinatibay ng Screening and Validation ang kahalagahan ng maayos at makatarungang proseso ng halalan, upang makapili ng mga opisyal ng SELG na tunay na magsisilbing tinig ng mga mag-aaral at magiging katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng kaayusan, pagkakaisa, at kaunlaran.

Address

Brgy. Dancalan Caimawan
Guinayangan
4319

Telephone

+639128792969

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Dancalan Caimawan ES-Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category