25/01/2026
Magandang araw po sa ating mga magulang at kabarangay,
Bilang Punong-g**o ng Maybubon Integrated School, nais ko pong ipabatid na tumatanggap na po tayo ng Grade 11 para sa SY 2026β2027 sa ilalim ng DepEd Early Registration (Jan 31βFeb 27, 2026).
Alam po natin na marami nang paaralan ang nag-aanyaya sa ating mga mag-aaral. Ngunit nais ko pong ipaalala na sa public school, tulad ng Maybubon Integrated School, libre po ang edukasyon sa Senior High School (Grade 11β12) at awtomatiko ang DepEd voucher. Mas madali po para sa ating mga magulang, at walang dagdag na babayaran.
Ang pagkakaroon ng Grade 11 sa Mabubon ay pangarap na matagal na nating ninanaisβhindi lang ng paaralan, kundi pati ng mga magulang, buong barangay, at komunidad. Napaka-supportive po ng ating barangay officials, at ang ating Mayor ay nakikipagtulungan sa paaralan upang maibigay ang municipal assistance para sa mga mag-aaral mula Grade 8 hanggang 12.
Sa Maybubon Integrated School, sisikapin po naming maibigay ang:
β’ π« Bagong silid-aralan para sa Grade 11 at 12
β’ π©βπ« Mga kwalipikadong bagong g**o mula sa DepEd
β’ π Maayos, ligtas, at de-kalidad na kapaligiran sa pagkatuto
Higit sa lahat, mas malapit ang paaralan sa inyong tahanan. Hindi na kailangang gumising nang maaga, mapagod sa biyahe, o magdala ng dagdag gastusin araw-araw. Mas nasusubaybayan po ng mga magulang ang kanilang mga anak, mas nagagabayan, at mas naiwasan ang mga panganib tulad ng maling barkada at bisyo.
At para po sa ating buong komunidadβkahit wala kayong anak sa Grade 11 o 12, maaari po ninyong tulungan ang ating paaralan. Mangyari po lamang na i-promote sa inyong pinsan, kamag-anak, kapitbahay, at kakilala sa Barangay Maybubon at mga karatig barangay ang ating Senior High School. Gawin po natin ito bilang pagmamahal at malasakit sa ating paaralan, at sa kinabukasan ng ating kabataan.
Inaanyayahan ko po ang ating Grade 10 completers na ipagpatuloy ang kanilang Senior High dito mismo sa Maybubon Integrated Schoolβkung saan ang edukasyon ay libre, de-kalidad, at suportado ng buong komunidad.
Maraming salamat po sa inyong tiwala, tulong, at malasakit!